CHAPTER 9

153 9 0
                                    

Nakarating na si Danisha sa HRM-2 at saktong andoon narin sina Gina at Amrelle na nadatnan niya pang nagki-kwentuhan sa may corridor.

“Good morning, ladies.” Masiglang bati ni Danisha sa mga kaibigan at kaagad siyang nilingon ng mga ito.

“Hey,” bati ni Gina saka lumapit kay Danisha at bumeso, ganoon din ang ginawa ni Amrelle.

“Nasaan si Side?” tanong ni Amrelle ng mapansin na hindi kasama ni Danisha ang kaibigan nito.

Sasagot na sana si Danisha ng marinig nilang tatlo ang sinabi nang dalawang Sophomore BSEED student na dumaan.

“Ang swerte naman ng transferee na 'yun, akalain mo ang baby Heaven ko pa talaga ang sumalo sa kaniya.” Pagki-kwento ni Janella sa kaibigan nito dahilan upang magtinginan sina Danisha, Amrelle at Gina.

“Kaya nga, pero nagseselos ako ah. Kung meron man dapat saluhin si Heaven my loves, walang iba kundi ako 'yun,” wika ni Pauleen.

“Sinong transferee?” intresadong tanong ni Danisha dahilan upang lingunin siya nina Pauleen at Janella.

“Ah 'yung transferee sa HRM-1. Classmate yata siya ni Axel,” saad ni Janella at umalis narin silang dalawa ng kaibigan nito.

Nang marinig 'yun nina Gina at Amrelle ay kapwa napaawang ang labi nila, first time 'yun na ginawa ni Heaven sa isang babae. Kahit nga sa kanila na matagal ng kilala ni Heaven ay hindi siya ganoon ka-gentleman. Mukhang nagpapabango na naman sa mga transferee at sa matatagal ng estudyante dito sa M.U para isipin ng lahat na boyfriend material talaga siya but little did they know Heaven is a monster.

“Nakita mo ba 'yung reaction ng mga babae kanina? Grabe sila makatili ng kindatan ko sila,” pagbibida ni Danzel nang makarating sila sa HQ agad naman siya binato ng beer can ni Axel pero hindi naman ito tinamaan.

“Bakit ka namamato?” singhal ni Danzel.

“Baka kasi sakaling mataaman ko 'yung ulo mo at magising ka sa katotohanan,” seryosong wika ni Axel.

“Tsk,”

“Sigurado akong usap-usapan na naman sa buong M.U ang ginawa mo kanina sa pinsan ni Danisha,” mahinahong wika ni Rhaizen na nakaupo sa couch.

“Pinsan ni Danisha?” May pagtataka sa tono ng boses ni Heaven kahit nabanggit na sa kaniya ni Danzel noon ang tungkol sa pag aaral ng pinsan ni Danisha sa M.U.

“Oo, diba nabanggit na sa'yo ni Danzel noon?” saad ni Rhaizen.

“I can't remember,” seryosong wika ni Heaven na parang hindi man lang intresado sa sinasabi ni Rhaizen.

“She looks familiar, isn't it?” tanong ni Rhaizen nang hindi tumitingin kay Heaven.

“What do you mean?” seryosong tanong ni Heaven.

“Pamilyar din kasi siya sa'kin, the first time I saw her sa bahay ni Danisha hindi narin siya nawala sa isip ko, iniisip ko kung saan ko siya unang nakita pero wala akong maalala. Kaya naisip ko na baka pamilyar din siya say--”

“She's not familiar to me, kanina ko lang din siya nakita.” matabang na saad ni Heaven saka tumayo mula sa King's chair na inuupan niya at sinuot ang men suit na uniform pangtaas ng mga lalakeng estudiyante sa M.U

“Papasok na tayo? May 30mns pa,” saad ni Axel pero tinignan lang siya ng seryoso ni Heaven kaya hindi na sila nagpangalawang tanong pa at kaniya-kaniyang sinuot ang kanilang mga uniporme.

Dahil sa ikatlong pagkatalo kagabi laban sa Uprising Gang ay halos sumpain ni Nylshan si Heaven, gigil na gigil ito habang sinusuntok-suntok ang punching bag.

“That's enough, masisira mo lang ang punching bag na 'yan pero buhay na buhay parin si Heaven,” wika ni Menchie ng abutan niya ng towel at bottle of mineral water si Nylshan.

“Masiyado nang inuubos ng Heaven na 'yun ang pasensya ko!” Labis na panggigigil ni Nylshan ng kunin ang hawak ni Menchie.

“Hindi pa naman tapos ang laban eh, nagsisimula palang tayo.” Nakangising saad ni Menchie.

“Anong ibig mong sabihin?” Napatangang tanong ni Nylshan kay Menchie.

Gumuhit naman ang nakakalokong ngiti sa labi ng dalaga.“Mag e-enroll ako sa M.U para manmanan ang bawat kilos ng Uprising,” saad ni Menchie.

“Are you kidding me?” sarcastic na saad ni Nylshan.

“Of course not. Wala naman nakakakilala sa'kin eh, dahil palagi natatakpan ng mask ang mukha ko sa tuwing sinusugod natin ang Uprising kaya safe ang identity ko. And beside, pwede naman ako mag disguise na nerd,” aniya.

“Nerd?” Nakakunot ang noong tanong ni Nylshan sa dalaga.

“Yung madalas bullyhin sa mga pelikula dahil sa suot nitong salamin at sa pagiging kakaiba nila,” mahiksing paliwanag ni Menchie.

“Paano kung mabuko ka? Edi nasayang lang ang pagpapanggap mo bilang nerd,”

“Wala ka bang tiwala sa'kin? Siyempre, nagpanggap nalang din naman ako bilang nerd hindi ko pa ba gagalingan?”

“Ok sige, kailan ka naman magsisimula?”

“Ngayon,”

“Ngayon?”

“Yup,”

Menchie Camposano—maganda, maputi, may magandang hubog ng katawan, mayaman at matalino, ngunit sa kabila ng magandang panlabas na katangian na nakikita sa kaniya ng mga tao, wala silang alam na may demonyong nagkukubli sa pagkatao ni Menchie. She's a devil who doesn't afraid to kill. She's a devil hidding in body of a fine lady.

“Hey boys,” bati ni Menchie ng puntahan niya ang nag iinsayo na sina Juniel at Zashiko, agad naman niya nakuha ang atensyon ng dalawa.

“Good mood?” puna ni Zashiko sa kababata.

“May mission kasi ako,” wika ni Menchie dahilan upang magtinginan ang dalawa.

“Mission?” pagtataka ni Juniel.

“Mag e-enroll ako sa M.U ngayon din at kailangan ko ang tulong mo Zashiko,” aniya.

“T-Tulong ko?” gulantang na saad ni Zashiko na dinuro pa ang sarili.

“How about me? Ano maitutulong ko, Menchie?” sabat ni Juniel.

“Gawan mo 'ko ng fake documents and fake identity,” utos ni Menchie sa kababata.

“Seriously? Mag aaral ka talaga sa M.U, alam mo bang delikado 'yang pinaplano mo!” saad ni Zashiko na bakas ang pag-aalala para sa babaeng lihim na minamahal.

“Kaya ko nga kakailanganin ang tulong mo, para hindi malaman ng management ng M.U lalong lalo na ng Uprising na may nakapasok ng kalaban sa kanila. Matutulungan mo ba ako, Zashiko?” paliwanag ni Menchie.

Tumango na lamang si Zashiko.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon