CHAPTER 13

146 11 1
                                    

Pagdating ni Menchie sa HQ ng XLayer matapos siyang sunduin ni Nylshan ay mabilis niyang kinuha ang katana niya na nasa gilid at walang habas 'tong winasiwas sa isa sa miyembro ng XLayer, mabuti nalang at mabilis din itong nakailag mula sa tiyak na kamatayan.

“Menchie!” Saway ni Nylshan na halatang hindi natutuwa sa ikinilos nito, kaagad naman ni Menchie binitawan ang hawak niyang katana at saka padabog na naglakad patungo sa silid nito ngunit hinarang siya ni Nylshan.

“Ito ang gusto mo diba? Tapos nagagalit ka dahil binully ka?” sarcastic na saad ni Nylshan.

“Nakakainis eh, alam mo gustong-gusto ko na siyang gilitan ng leeg kanina,” panggigigil ni Menchie.

“Kaya nga bilisan mo ng kumilos, kailangan malaman mo na kung saan ang HQ ng Uprising ng masimulan na natin ang plano,” wika ni Nylshan.“At para hindi na binubully ang isang Menchie Camposano,” dagdag pa ni Nylshan sa sarcastic na tono ng boses saka ito tumawa na parang isang demonyo.

“Hindi nakakatawa. Malaman ko lang talaga kung saan ang HQ ng Uprising, isusunod ko ang Neizel na 'yun,” seryosong saad ni Menchie.

Samantala, nakauwe narin sina Danisha at Sideryleigh sa kaniyang bahay. Ngunit nasupresa siya nang makitang nandoon ang daddy niya.

“D-Dad?” pagkabiglang saad ni Danisha nang makita ang kaniyang Daddy sa bahay nila, agad niya nga itong niyakap at agad rin naman kumawala mula sa pagkakayakap.

“Yes, sweetie ako nga. How are you and your school?” nakangising saad ng Daddy ni Danisha, nabaling naman ang kaniyang mata sa babaeng nasa likuran ng anak—si Sideryleigh.“Who is she?” Nakakunot ang noong tanong ng ama sa kaniyang anak dahil ngayon lamang niya nakita ang babaeng 'yun.

“Ah, Dad. S-She's Sideryleigh, my new friend.” nakangiting wika ni Danisha ng ipakilala niya ang bagong kaibigan sa ama,“Side, meet my Dad,” wika niyang muli nang tumingin siya kay Sideryleigh.

“M-Magandang araw po,” magalang na saad ni Sideryleigh at lumapit pa ito sa Daddy ni Danisha upang magmano kaya maging si Danisha at ang kaniyang daddy ay nabigla sa kinilos ni Sideryleigh.

“Kaawan ka ng diyos, iha,” wika ni Mr. Najaro matapos na magmano sa kaniya si Sideryleigh.

“By the way, kanina ka pa ba dito sa bahay dad? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan o tinext?” saad ni Danisha.

“Kani-kanina lang ako dumating, hindi ko pinaalam sa'yo ang pag-uwe ko dahil gusto kitang supresahin,” nakangiting wika ni Mr. Najaro sa bunsong anak na babae.

“Ang daddy ko talaga, sobrang hilig sa surprises,” malambing na wika ni Danisha saka muling yumakap sa ama, habang si Sideryleigh ay kanina pa nakangiti habang minamasdan mag-ama.

“Teka, kayong dalawa ba ay kumain na?” malambing na tanong ni Mr. Najaro kay Danisha, sasagot pa sana ang bunsong anak nito ng mabilis na umiling si Sideryleigh.“Tamang-tama, nagpaluto ako kay Yaya Vilma mo ng paborito mong Carbonara. Nabanggit niya kasi sa'kin na may kasama ka daw pauwe,” wika ni Mr. Najaro.

“Wow!! The best ka talaga Daddy!” Tuwang-tuwang saad ni Danisha na muling yumakap sa ama.

Pagdating sa dinning area ay agad na naupo si Danisha sa upuan niya, hindi na siya nagpatumpik-tumpik at sumandok na agad ng Carbonara. Nakangisi naman ang ama habang pinagmamasdan ang bunso nitong anak, halos isang linggo din silang hindi nagkita mag-ama dahil sa kaniyang trabaho. Nahagip ng mata ni Mr. Najaro si Sideryleigh na nakangiti habang nakatingin kay Danisha na sarap na sarap sa pagkain nito ng Carbonara.

“Iha, sabayan mo narin kami kumain.” Alok ni Mr. Najaro kay Sideryleigh tumango lamang si Sideryleigh at saka siya naupo sa tabi ni Danisha.

Sinandukan ni Mr. Najaro ang pinggan ni Sideryleigh ng Carbonara saka sinalinunan ng juice ang baso nito at ang baso ni Danisha.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon