Dahan-dahang tumayo si Sideryleigh habang nakataas ang dalawang kamay nito sa takot na baka iputok sa kaniya ni Heaven ang baril na hawak nito.
“Paano ka nakapasok? At anong ginagawa mo dito? Ispiya ka ba ng XLayer? Pinadala ka ba ni Nylshan para manmanan ako?” Magkakasunod na seryosong tanong ni Heaven kay Sideryleigh habang nanatiling nakatutok ang baril nito sa anghel. Tila nagbabagang apoy na ang mata ni Heaven habang nakatitig kay Sideryleigh, kating-kati na siyang kalabitin ang gatilyo ngunit may kung ano ang pumipigil sa kaniyang gawin 'yun.
“H-Hindi ako i-ispiya, h-hindi ko sinasadya na makapasok dito. M-Mani----”
“Sinungaling!!” Singhal ni Heaven kay Sideryleigh saka mas lalong dinikit ang nguso ng baril niya sa noo ni Sideryleigh dahilan upang mapapikit ang anghel sa labis na takot.
Desidido na si Heaven na kalabitin ang gatilyo ng hawak niyang baril nang biglang dumating si Axel, sa gulat nito ay nabitawan niya ang hawak niyang brown envelope.
“B-Boss, a-anong nangyayari dito?” Nauutal sa kabang tanong ni Axel ng makitang tinutukan ng baril sa ulo ang kaklase niyang si Sideryleigh ng kaniyang Boss.
Napalingon si Heaven sa kararating lang na si Axel, bakas pa sa mukha ng binata ang kaba at pagtataka nang makita si Sideryleigh sa loob ng HQ.
Unti-unti ng ibinaba ni Heaven ang baril niya mula sa pagkakatutok sa noo ni Sideryleigh, habang ang anghel naman ay unti-unti narin idinidilat ang kaniyang mata. Nang tuluyan na siyang makadilat ay muling na naman nagtama ang kanilang mga mata ngunit mabilis na umiwas ng tingin si Heaven.
“Dalhin ang babaeng ito sa punishment room,” seryosong utos ni Heaven kay Axel. Sa punisment room dinadala ni Heaven ang mga kalaban na nahuhuli niya o mga taong sumusubok na kalabanin siya. Dalawa lang ang posibleng mangyari sa mga taong dinadala doon, it's either pahirapan o patayin at ilibing ng walang nakakilala sa taong 'yun matapos na buhusan ng asido ang mukha nito.
“B-Boss..” Tila pagtutol ni Axel sa gustong ipagawa sa kaniya ni Heaven.
“Susunod ka o---”
“I-Ito na nga Boss, susunod na. Susunod na ako sa utos mo.” Napipilitang saad ni Axel na napakamot pa sa kaniyang ulo habang naglalakad papalapit kay Sideryleigh na bakas sa mukha ang labis na pagtataka kung saan siya ipapadala ni Heaven. Ngunit kung saan man 'yun, hindi siya pwedeng mapunta doon.
Hahawakan na sana siya ni Axel nang mabilis niyang kabigin ang kamay nito at kahit dumudugo ang paa niya dahil sa bubog na natapakan niya kanina pinilit niyang makalabas sa lugar na iyon. Paika-ika niyang tinungo ang pintuan at saka 'to binuksan.
Nang makalabas na si Sideryleigh mula sa HQ ay nagpalinga-linga siya sa paligid saka nagtungo sa tagong lugar upang gamutin ang sarili nitong sugat gamit ang kaniyang palad. Bilang isang anghel, may kakayahan siyang gamutin ang sarili niyang sugat lalo na kung likha 'yun ng mga mortal. Dahil ang makakapatay lamang sa tulad niya ay ang anghel na gaya din niya.
Nang maghilum na ang kaniyang sugat ay agad na siyang umalis saka tinungo ang HRM-1, wala na masyadong estudyante na palakad-lakad sa campus. Ibig sabihin lamang noon ay tapos na ang 1hr na breaktime ng mga guro't estudyante.
“Anong nangyari dito? Bakit may basag na figurine?” Nagtatakang tanong ni Rhaizen na kararating lang sa HQ, at ang unang bumungad sa kaniya ay ang basag na figurine sa may sala na hindi pa nalilinis.
“May nakapasok sa HQ,” seryosong saad ni Heaven na hindi parin nawawala ang pagka-dismaya sa sarili. Kung bakit hindi niya nagawang barilin ng tuluyan si Sideryleigh kanina.
“Nasaan siya? Sino? Nakilala niyo ba?” magkakasunod na tanong ni Rhaizen.
“Kilalang-kilala ng girlfriend mong si Amrelle,” sabat ni Axel.
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)
FantasyHeaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in disguise. What if their path crossed? Date started: August 25, 2021 Date finished: September 2, 202...