CHAPTER 11

154 9 1
                                    

Kaagad na tinungo ni Heaven ang School Library matapos siyang tawagan ni Danzel. Pagdating doon, nadatnan niya ang kaibigan na may hawak na balahibong puti na animoy nagmula sa isang malaking klase ng ibon.

“Anong sinasabi mong ipapakita mo sa'kin? May kalaban bang nakapasok sa teritoryo ko?” seryosong agad na tanong ni Heaven pagpasok ng libary, walang ibang tao sa loob maliban sa kanilang dalawa. Kaagad siyang nilingon ni Danzel na hawak parin ang balahibo.

“Halos magsa-sampong taon narin yata ng huling beses kong makita ang balahibo na 'to na tila nanggaling sa isang kulay puting ibon, the last time na nakita ko 'to ay muntikan na tayong makuyog ng mga tauhan ni Mr. Castillo,” wika Danzel habang nakatingin sa hawak nitong balahibo.

“Nonsense,” malamig na saad ni Heaven na halatang hindi intresado sa sinasabi ng kaibigan.

“Pero Heaven...”

“Kung wala ka ng matinong sasabihin, pwede na ba ako umalis?” seryosong saad ni Heaven, wala naman nagawa si Danzel kundi ang tumango na lang.

Lumabas na ng Library si Heaven samantalang naiwan si Danzel sa loob dahil iniisip parin nito kung saan nanggaling ang balahibo na 'yun. Hindi ito pangkaraniwang balahibo na maihahalintulad sa natural na ibon. Puting-puti ito at may pagka-gold ang dulo ng bawat hibla ng balahibo, kapag ito'y tinapat sa liwanag ay mistulang bituin na kumikislap.

Sa paglalakad ni Heaven sa pasilyo ay hindi maiwaglit sa kaniyang isipan ang balahibong pinakita sa kaniya ni Danzel, sinabi lang niyang hindi siya intresado ngunit iniisip din niya kung saan galing 'yun.

“Ang gwapo niya talaga!!” hiwayan ng mga babaeng estudyante na nadadaanan niya, ngunit wala ni isa sa mga ito ang tinapunan niya ng tingin.

Ngunit sa dinami-dami ng babaeng nagkakagulo sa kaniya ngayon, isang babae lang ang nakakuha ng kaniyang atensyon—ang babaeng may kulay ash-grey na mata, ang babaeng transferee na pinakilalang pinsan ni Danisha, ang babaeng hindi lamang pamilyar sa kaniya ngunit maging kay Rhaizen. Batid ni Heaven sa sarili niyang may kakaiba sa babaeng transferee na si Sideryleigh, ngunit ayaw niya munang bigyan pansin iyon sa ngayon dahil may mas mahalagang bagay siyang dapat unahin, 'yun ang mawala sa landas niya ang XLayer.

Tuwang-tuwa si Sideryleigh habang kinakain ang Gelato na binibili niya sa Cafeteria kanina, binibigyan kasi siya ni Danisha ng sarili nitong allowance bago umalis sa bahay.

“Pang ilan cup ng Gelato mo na 'yan Side?” nakangising tanong ni Amrelle kay Sideryleigh na sarap na sarap habang nilalantakan ang Chocolate Gelato.

“Pangalawa palang,” wika ni Sideryleigh sabay tawa.

“Wag mo ng papangatluhan 'yan, malamig ang panahon ngayon dahil February baka sipunin ka.” Concern na saad pagpapaalala ni Amrelle, tumango-tango lamang si Sideryleigh.

“Favorite mo ba ang Gelato, Side?” nakangiting tanong ni Rhaizen na katabi sa upuan si Amrelle at kumakain ng Hawaiian Pizza.

Umiling naman agad si Sideryleigh.“Sa totoo lang, ngayon lang ako nakatikim nito. Masarapa pala,” aniya.

“Don't worry, simula ngayon lagi mo na makakain 'yan. Pero, hindi araw-araw dahil baka sipunin ka,” wika ni Danisha.

“Danisha, paampon naman.” Biro ni Gina saka tumawa.

“Loko,” wika ni Danisha saka sumisip sa kaniyang Strawberry Milktea.

“Ikaw Love, may gusto ka pa ba kainin? Magsabi ka lang sa'kin. Baka hindi ka pa busog sa Pizza.” Malambing na saad Rhaizen habang titig na titig kay Amrelle.

“Ehem.” Pagpaparinig ni Gina kaya agad siyang pinandilitan ng mata ni Amrelle.

“Ok na ako Love, dami ko narin nakain eh. Salamat nga pala sa libre,” nakangiting saad ni Amrelle nang tumingin ito sa binata.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon