CHAPTER 3

192 18 0
                                    

Buong maghapon ay nasa HQ lamang si Heaven, hindi siya pumasok. Madalas niya 'to kung gawin dahil siya naman ang may-ari ng eskwelahan na 'to kaya desisyon niya parin ang masusunod. Binabayaran na lamang niya ang professor niya na triple sa regular na sahod nito upang ipasa niya. Lumaki si Heaven na walang nagmamahal sa kaniya kundi ang sarili lang niya, maaga siyang naulila sa kaniyang ama't ina at tanging ang mga ari-arian at yaman na lamang ng kaniyang magulang ang naiwan sa kaniya. Habang lumalaki at nagkakaisip, mas naging malapit si Heaven sa gulo. Mag mula ng mag-aral siya ay palagi na lamang ito naga-guidance dahil sa pakikipasuntukan sa kapwa estudyante. High School siya ng makilala niya sina Rhaizen at Danzel na tulad niya ay palagi rin nasasangkot sa mga rayot. Ngunit hindi tulad niya, may pamilyang matatawag sina Rhaizen at Danzel 'yun nga lang ay hindi ganon kasaya kung iisipin kaya naman naisipan nilang itatag ang Uprising Gang na ang layunin sana ay mahanap nila ang totoong pagkalinga at pagmamahal ng isang pamilya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi 'yun nangyari, dahil ang Uprising Gang ay naging daan lamang sa mga gustong maghigante.

Tumayo si Heaven mula sa swivel chair na inuupan niya saka siya nagtungo sa training ground ng HQ, nandoon makikita ang iba't ibang matatas na kalibre ng baril at iba pang armas tulad ng katana. Bihisa na si Heaven sa pag gamit ng Baril dahil magaling ang nagturo sa kaniya noon, ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw na ito. Ngunit gusto niya parin mas maging mahusay pa sa pag asinta. Kaya kinuha niya ang Caliber 45 at pinosisyon ang sarili na animoy may kalaban siya.

Nasa ganoon posisyon si Heaven ng makita niya ang reflection niya sa malaking salamin na nasa gilid niya. Dahil wala siyang suot na T-shirt at nakasando lamang ay halata ang peklat na nasa balikat niya. Halos isang dekada narin ang nakakalipas mula ng mag-agaw buhay siya matapos na makuyog ng kalaban ngunit may biglang dumating upang iligtas siya, hanggang ngayon ay hindi parin malinaw sa kaniya ang mukha ng babaeng nagligtas sa kaniya mula sa kamatayan. Ngunit kung magkikita silang muli, ay makilala niya 'to.

Dahil sa pagbalik ng isang alaala sa kaniyang isipan ay nawalan na siya ng gana sa ginagawa niya. Bumalik na lamang siya sa kaniyang opisina at saka sinuot ang school uniform na suot niya kanina pagkatapos ay lumabas narin siya ng HQ.

Habang naglalakad si Heaven sa campus ay kilig na kilig ang mga babaeng madadaanan niya. Sa hindi kalayuan naman ay nakamasid sa kaniya sina Amrelle at Gina habang nasa corridor.

"Amrelle, diba close friend ni Rhaizen si Heaven?" panimulang tanong ni Gina.

"Oo, bakit?"

"Nabanggit ba sa'yo ng boyfriend mo kung may babae ng niligawan si Heaven? o kung nagka-girlfriend na siya," aniya.

"Hindi namin masyado napag-uusapan si Heaven, kaya wala rin akong ideya," sagot ni Amrelle. Pero ang totoo ay marami ng naki-kwento sa kaniya si Rhaizen tungkol kay Heaven. Isa na doon ay ang pagiging cold hearted ni Heaven. Kahit maraming magagandang babaeng nagkakandarapa sa kaniya, ni isa sa mga 'yun ay wala man lang siya natipuhan. Minsan nga ay naisip na rin ni Amrelle na baka berde ang dugo ni Heaven ngunit matapos na makita niya 'to kung paano humawak ng baril at kung paano ito umasinta mula sa malayo ay kumbinsido na si Amrelle na lalakeng-lalake nga si Heaven, sadya nga lang siguro na hindi mahilig sa babae ang binata. Sayang, gustong gustong pa naman siya ng kaibigan ni Amrelle na si Gina.

"Sure ka? Hindi niyo talaga nata-topic si baby Heaven ko?" Tila hindi pa kumbinsidong tanong ni Gina.

"Kung gusto mo talaga makasiguro, bakit hindi nalang mismo si Heaven ang tanungin mo?" mahinahong saad ni Amrelle.

Pagdating ni Heaven sa Basketball court ng unibersidad ay saktong nandoon na sina Danzel at Rhaizen na nagpapawis sa paglalaro ng basketball.

"LQ ba kayo ni Amrelle," seryosong tanong ni Heaven kay Rhaizen na natigilan sa pag dribble matapos na marinig siyang magsalita.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon