Hating gabi na ngunit hindi parin makatulog si Heaven, kaya kinuha niya ang susi ng kaniyang motor sa drawer at saka nagtungo sa HQ sakay ng motor.
“Good Evening, Boss.” Bati ng isa sa mga miyembro ng Uprising Gang na nagbabantay sa Montecillo University.
Tumango lamang si Heaven at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating sa HQ. Pagpasok sa loob ay tinungo niya ang kaniyang opisina at saka binuksan ang vault kung saan naroroon ang pinaka-iingatan niya.
Kinuha niya ang puting balahibo na tila nanggaling sa isang malaking uri ng ibon, wala itong pagkakaiba sa balahibo ng ibon na nakita ni Danzel sa Library kung saan nakita niya din doon na nanggaling si Sideryleigh.
Malakas ang kutob niya na si Sideryleigh ang estrangherang babaeng naglitas sa kaniya mula sa tiyak na kamatayan noon.
Naupo si Heaven sa swivel chair hawak ang dalawang balahibo na ngayon ay tila alam niya ng hindi nanggaling sa isang ibon, ngunit sa isang anghel.
He sells drug at involved din siya sa iba't ibang uri ng illegal na gawain noon, ngunit matapos na iligtas siya ng estrangherang babae ay nagbago ang lahat. Itinigil niya ang illegal na gawain at nag focus na lamang sa unibersidad na siyang pagmamay-ari niya. Ngunit kahit tumigil na siya sa dating gawain, hindi parin siya nilubayan ng mga dating nakaaway tulad ng XLayer Gang kaya nagpatuloy siya bilang leader ng Uprising para narin sa proteksiyon niya at ng mga kaibigan niya.
“Bagay na bagay sa'yo ang suot mo, you're look like an angel sent from above,” wika ni Heaven saka gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya habang nagsa-sayaw parin sila ni Sideryleigh sa saliw ng mabagal na musika.
Agad naman nag-iwas ng tingin ang anghel na si Sideryleigh dahil hindi siya komportable sa mga titig sa kaniya ni Heaven.
“Tell me, bakit ngayon ka lang? Ang tagal kitang hinintay, ang tagal kong hini---”
“Ano bang pinagsasabi mo?” usal ni Sideryleigh na sa tono ng boses ay hindi siya natutuwa.
“Alam mo kung ano ang sinasabi ko Sideryleigh. Ang pagkikita natin sa Library noon, hindi 'yun ang una nating pagkikita,” wika ni Heaven.
Samantala, kanina pa palinga-linga sina Amrelle dahil kanina pa mula ng magpa-alam si Sideryleigh na magre-rest lang ngunit trenta minuto na ang lumipas ay hindi parin ito bumabalik.
“Hanapin na kaya natin si Sideryleigh?” suhestiyon ni Gina na bakas narin ang pag aalala sa kaniyang mukha.
“Mabuti pa nga,” siyang pag sang-ayon ni Amrelle.
Tatayo na sana ang tatlo nang dumating sina Axel at Rhaizen.
“Saan ang punta ng mga magagandang dilag?” wika ni Axel ngunit nakatitig lang naman kay Gina.
“Hahanapin namin si Sideryleigh, kanina pa siya hindi bumabalik eh. Sabi niya magpupunta lang siya sa rest room, 30mns had been passed pero hindi parin siya bumabalik,” may pag-aalalang wika ni Danisha.
Bahagya naman ngumisi si Rhaizen at napansin 'yun ng kasintahan nito.
“Bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba?” seryosong tanong ni Amrelle.
“Wala kayo dapat ipag-alala, nasa mabuting kamay ang pinsan mo Danisha,” nakangiting wika ni Rhaizen.
“M-Mabuting kamay?” Labis na pagtataka ni Gina.
Hindi nagsalita si Rhaizen at tumingin na lamang sa dance floor, sinundan 'yun ng tingin nina Amrelle kung saan nakita nila na nasa gitna sina Heaven at Sideryleigh na sweet na sweet habang nakahawak ang kanang kamay ni Sideryleigh sa balikat ni Heaven at nasa bewang naman ni Sideryleigh ang kanang kamay ni Heaven, at ang isa pa nilang kamay ay magkahawak.
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)
FantasyHeaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in disguise. What if their path crossed? Date started: August 25, 2021 Date finished: September 2, 202...