CHAPTER 1

402 25 2
                                    

Pagkababa na pagkababa palang ni Heaven sa kaniyang luxurious car ay halos hindi na magkamayaw ang mga estudyanteng babae at may pusong babae na humahanga sa taglay na kagwapuhan ni Heaven, sila ang mga nag aaral sa Montecillo University na panlabas na katangian lamang ni Heaven ang nakikita.

“Husband material talaga si Heaven ko, gwapo na mabait pa,” kilig na kilig na saad ni Gina.

“Wala ka kasing alam,” sarcastic na sabat ni Amrelle habang naka-crossed arm ito at nakatanaw lamang sa naglalakad na si Heaven na siyang nagigitnaan nina Rhaizen at Danzel.

Sinulyapan naman si Amrelle ni Gina na may pagtataka.“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Gina.

“Nevermind,” mahiksing sagot nito na hindi man lang tumitingin kay Gina.

Amrelle Villasis, is Rhaizen Castelar's girlfriend. Rhaizen and Danzel Salivio are one of the closest friend of Heaven Montecillo, kaya hindi na nakapagtatakang maraming itong alam sa totoong pagkatao ng lalakeng sobrang hinahangaan sa unibersidad na ito pero dahil kaibigan ito ng kaniyang kasintahan kaya nananatiling tikom ang bibig niya. Wala rin naman siyang pakialam kay Heaven, as long as hindi nito sasaktan si Rhaizen.

“Mauna na kayo sa HQ, may pupuntahan lang ako,” saad ni Rhaizen habang naglalakad sila sa hallway, ang HQ nila ay nasa tagong bahagi ng Montecillo University, sila lamang tatlo ang may access na makapasok doon.

“At saan ka naman pupunta?” tila pagtataka pa Danzel.

“Of course, he will go to his girlfriend,” matabang na sagot ni Heaven.

“Siyempre, bebeh time muna. Baka magtampo na 'yun sa'kin,” nakangisi niyang saad at agad narin na sumibat.

Kapwa na lamang na napailing sina Heaven at Danzel. Sa kanilang tatlo kasi, si Rhaizen lang ang may love life. Hindi naman naiingit si Heaven, dahil wala rin naman siyang panahon na makipag-relasyon. Mas mahalaga sa kaniya ang pamumuno sa Uprising Gang na kinabibilangan niya.

“Hindi ba tayo papasok sa first subject?” tanong ni Danzel ng makapasok na sila sa HQ.

“Kailan ba tayo pumasok sa first subject?” sarcastic na saad ni Heaven habang nagsasalin ng whisky sa baso.

“Baka naman makahalata na sila? Palagi nalang natin 'to ginagawa,” mababakas ang pag aalala sa boses ni Danzel.

“Nakakalimutan mo yatang ako ang may ari ng paaralang ito. Kung ibabagsak nila tayo, mas mabuting humukay na sila ng sarili nilang libingan,” seryosong pagkakasabi ni Heaven saka inabot kay Danzel ang isa pang baso na naglalaman ng Whisky.

Agad na tinungo ni Rhaizen ang Library, doon kasi madalas kung tumambay ang girlfriend niyang si Amrelle. Hindi na nakapagtatakang consistent honor student ito magmula Elementary to Highschool. Classmates sina Rhaizen at Amrelle since highschool, doon din nagsimula ang malalim nilang pagtitinginan na higit pa sa isang magkaibigan.

Nang makita ni Rhaizen sa madalas nitong pwesto sa Library ay nagdahan-dahan ito sa paghakbang, at nang tuluyan na siyang makalapit ay saka niya biglang niyakap ang nakatalikod na si Amrelle.

“Love,” sambit ni Amrelle saka niya ipinihing ang kaniyang ulo upang tignan si Rhaizen.

“I miss you,” malambing na saad ni Rhaizen sa kasintahan.

“A-Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa...” aniya saka luminga-linga sa paligid bago mahinang nagsalita,“HQ, baka hinahanap kana nila Heaven at Danzel,” pagpapatuloy ni Amrelle.

“Wala naman ako gagawin sa HQ, isa pa alam naman nila na pupuntahan kita,” saad ni Rhaizen saka kumalas mula sa pagkakayakap kay Amrelle at naupo sa katapat na upuan ng kasintahan.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon