CHAPTER 14

154 13 0
                                    

Nakikinig pa si Heaven sa sinasabi ni Sideryleigh mula sa kabilang linyan ng bigla nalang maputol ang kanilang pag-usap. Dismayado at nakakunot ang noo ni Heaven matapos siyang babaan ng telepono ni Sideryleigh, only to find out na lowbat na pala ang cellphone niya. Hindi narin nakapagtataka dahil dalawang araw niya na 'tong hindi naicha-charge.

Agad niyang tinungo ang drawer na nasa gilid ng kaniyang king size bed saka kinuha ang charge at sinimulan i-charge ang cellphone niya. 1% palang ay in-open niya na agad 'to at tinignan ang Call Logs, tatawagan niya na sana si Sideryleigh ng mapagtanto ang ginagawa niya.

“F*ck!” Inis na sambit nito sa sarili, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya, bakit ganoon nalang siya kasaya habang kausap si Sideryleigh gayon halos muntikan niya na 'tong dalhin sa punishment room kanina.

Nahiga si Heaven sa kaniyang kama at mariing ipinikit kaniyang mata habang sinubukang iwaglit sa kaniyang isipan si Sideryleigh. Ilang saglit pa ay dinalaw na siya ng antok.

Matapos na babaan si Sideryleigh ng telepono ni Heaven ay dismayado siyang ibinalik ang cellphone kay Danisha.

“Ang bilis ah, nakausap mo ba?” Tanong ni Danisha sa kaibigan, naupo si Sideryleigh sa single sofa na tulad ng upo ni Danisha bago sinagot ang tanong nito.

“Oo pero saglit lang kasi binabaan niya ako eh,” wika ni Sideryleigh na bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha.

“Well, that's Heaven. Bababaan ka talaga niyan ng telepono lalo na kung hindi naman importante ang sinasabi mo o kaya naman ayaw ka niyang kausap,” wika ni Danisha saka kumuha ng potato chips at nginata ito.

“Tama ka, masiyado nga siyang mailap,” mahinahong wika ni Sideryleigh na tila nawawalan na ng pag-asa.

“I told you,” saad ni Danisha habang ngumunguya ng potato chips.“Ay! bago tayo magkalimutan, what happened earlier? Anong kasalanan mo kay Heaven? Why do you need to apologize?” Magkakasunod na tanong ni Danisha.

“Wala 'yun,” deny ni Sideryleigh. Ayaw niya kasing mag-alala si Danisha, at ayaw din niyang maging dahilan siya upang magtalo ang matagal nang magkakilala na sina Danisha at Heaven.

“You're lying,” wika ni Danisha sa seryosong tono ng boses.

“W-Wala lang 'yun, kasalanan ko rin naman talaga eh. Kung hindi ko pinairal 'yung kuryusidad ko, hindi dapat ako makakarating doon. Hindi dapat magagalit sa'kin si Heaven,” mahinahong wika ni Sideryleigh.

“Did he hurt you? Answer me Side. Did Heaven hurt you?” seryosong tanong ni Danisha na bakas ang pag aalala para sa kaibigan. Hindi lingid sa kaalaman niya kung anong klaseng tao si Heaven. He's a monster.

“H-Hindi naman,” mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ni Sideryleigh.

“Yung totoo?” seryosong muling tanong ni Danisha, agad naman na tumango si Sideryleigh.

Kinabukasan, alas-sais palang ng umaga ay nagising na si Sideryleigh. Pinag aralan niya muli ang pagluluto ng paboritong almusal ni Danisha tulad ng fried rice, hotdog, sunny side up at ham. Nang matapos siya sa pagluluto ay tinakpan niya na muna sa mesa ang niluto niyang almusal saka nagtungo sa silid ni Danisha upang gisingin na ito.

Hindi naman naka-lock ang silid ni Danisha kaya nakapasok si Sideryleigh na hindi na kinakailangan kumatok sa pintuan.

“Magandang umaga,” nakangiting bati ni Sideryleigh sa nakatagilid na si Danisha habang balot na balot ito ng makapal na kumot.“Nakapag luto na ako ng almusal, sabay na tayong kumain sa baba,” wika niyang muli ngunit nanatiling tahimik si Danisha.

Nahiga siya sa gilid ng kamay at hinawakan si Danisha, gayon na lamang ang pagkabigla niya ng maramdamang mainit ang buong katawan nito. Pinaharap niya sa kaniya ang kaibigan at nakita ni Sideryleigh na namumula ang mga pisngi nito, nanginginig din ito sa lamig kahit nakapatay naman ang aircon sa silid ng kaibigan.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon