CHAPTER 6

160 12 1
                                    

Habang nasa kaniya-kaniyang silid aralan ang mga estudyante at nakikinig sa lecture ng kanilang guro, sina Heaven, Rhaizen, Danzel at Axel naman ay nasa HQ habang kasama ang iba pang miyembro ng Uprising Gang. Pinagmi-meetingan nila ang tungkol sa napipintig na paglusob ng Xlayer sa M.U, matagal na kasing gustong pabagsakin ng Xlayer Gang Leader na si Nylshan Javelona Jr. ang Uprising Gang Leader na si Heaven upang maangkin nito ang Montecillo Univerity. Ngunit dahil sa pagiging malakas, makapangyarihan at maimpluwensya ni Heaven ay hindi niya 'yun magawa.

“Maging matalas ang mata't tenga ninyo, dahil ano man oras ay darating sila,” seryosong pagkakasabi ni Heaven sa kaniyang mga tauhan  habang nakatingin sa blueprint ng buong M.U.“Axel,” tawag niya sa isa sa mga tauhan niya.

“Yes, Boss,” tugon nito.

“Tawagan mo si Mrs. Flores, sabihan niya kamo ang mga estudiyante at professor na umuwe na,” utos ni Heaven.

Bahagya naman nagkatinginan sina Rhaizen at Danzel,“Pero alas-dos palang ng hapon. 5PM pa ang----” Hindi na naituloy ni Danzel ang sasabihin niya ng tignan siya ng seryoso ni Heaven.“S-Sabi ko nga, umuwe na sila ng maaga.”

“Sige na Axel, tawagan mo na si Mrs. Flores,” baling niya kay Axel at agad 'tong tumalima sa utos niya.

Hindi ibig sabihin na pinauwe na ni Heaven ang mga estudiyante't guro ay nag aalala siya na baka madamay ang mga ito, kaya niya 'yun ginawa ay upang walang maging sagabal sa magiging rayot mamaya. At upang hindi rin nito makita ang demonyong nagtatago sa maamo niyang mukha.

Sa classroom nila Danisha ay makikita ang mga studiyanteng tuwang-tuwa dahil sa anunsyong maagang uwian. Samantalang si Amrelle naman ay halos hindi maipinta ang mukha, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng maagang pagpapauwe ng Dean. Utos 'yun Heaven, at ang ibig sabihin lamang no'n ay magkakaroon na naman ng away sa pagitan ng dalawang Gang mamaya.

“Amrelle, saan ka pupunta?” puna ni Gina nang makitang nagmamadaling lumabas si Amrelle ng classroom.

“Pupuntahan ko si Rhaizen, susubukan ko siyang kausapin na 'wag ng sumama mamaya,” saad ni Amrelle ng lingunin niya si Gina. Bakas ang sobrang pangamba sa mukha ni Amrelle para sa kasintahan. 

“Wag sumama saan?” pagtataka ni Gina, nawala sa isip ni Amrelle na wala nga palang alam si Gina tungkol sa Uprising Gang na ikinukubli ng Montecillo University.

“Sa inuman,” sabat ni Danisha saka sinenyasan si Amrelle na umalis na upang puntahan si Rhaizen.

“Inuman lang pala eh, bakit sobra naman yata pag aalala ni Amrelle? Nakita mo ba 'yung mukha niya kanina?” Labis na pagtataka ni Gina habang inaayos ang gamit niya.

“Siyempre, boyfriend niya 'yun eh. Ayaw niyang malasing ng sobra ang boyfriend niya,” palusot na lamang ni Danisha. Halos ilang taon narin nila nililihim kay Gina ang tungkol sa pagkatao ni Heaven at ang tungkol sa Uprising Gang. Si Gina kasi ang tipo ng tao na madaldal, wala kang maitatagong sikreto sa kaniya. Kaya nga kahit kaibigan siya nina Danisha at Amrelle ay madalas siyang paglihiman nito lalo na kung masiyado ng confidential.

“Sabagay,” tugon ni Gina na nagkibit balikat nalang.

“Pupuntahan ko si Side sa classroom niya, baka pinauwe narin sila ng prof nila,” saad ni Danisha.“Sama ka?” tanong niya kay Gina na tapos na ayusin ang gamit niya.

“Pupuntahan mo 'yung fake cou---” Hindi na nagawang ituloy ni Gina ang sasabihin niya ng takpan ni Danisha ang bibig ng kaibigan.

“Could you just shut up your mouth?” seryosong pagkakasabi ni Danisha, tumango-tango naman si Gina kaya tinanggal na ni Danisha ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa bibig ni Gina.“Look Gina, hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat may salitang lumalabas d'yan sa bibig mo. Dahil minsan, nang dahil sa kadaldalan mo may taong pwedeng mapahamak. Kaya pwede, bawasan-bawasan mo naman sana 'yung pagiging madaldal mo?” mahinahong panenermon ni Danisha sa kaibigan.

“Sorry na, promise hindi na mauulit.” Nakayukong saad ni Gina at tinaas pa ang kanang kamay na animoy nanunumpa.

“It's ok, basta promise me na hindi mo na sasabihing fake cousin ko si Side ok?” nakangiting saad ni Danisha saka nito inakbayan si Gina at sabay na lumabas ng classroom upang puntahan si Sideryleigh.

Ngunit pagdating nina Gina at Danisha sa tapat ng classroom ni Sideryleigh ay sarado na ito, wala rin si Sideryleigh sa corridor.

“Axel, nakita mo ba si Side?” agad na tanong ni Danisha kay Axel nang makita niya ito.

“Ah, 'yung magada mong pinsan? Hindi eh,” sagot ni Axel.

“Baka naman umuwe na?” sabat ni Gina.

“Hindi siya pwede umuwe ng mag-isa, may usapan kami na sabay kami uuwe,” wika ni Danisha na puno na ng pag-alala.

Nang inanunsyo ang maagang uwian ay agad na nagsilabasan ang mga kaklase ni Sideryleigh na animoy mga manok na nakawala sa hawla. Maaga pa naman kaya naisipan na muna ni Sideryleigh na maglibot-libot sa buong M.U, hindi kasi niya inilibot ni Danisha kanina. Nabanggit sa kaniya ni Amrelle kanina na merong malaking silid-aklatan dito sa M.U at gusto niya 'yun puntahan.

Kakaunti nalang ang mga estudyanteng pakalat-kalat sa paligid dahil nag uwian na ang karamihan sa kanila. Sa paglalakad-lakad ni Sideryleigh ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa Library, pinihit niya ang doorknob at laking tuwa niya ng bumukas ang pintuan.

“Whoaa!” Manghang-manghang saad ni Sideryleigh ng bumungad sa kaniya ang napakaraming libro na maayos na nakasalansan sa mga bookshelves.

Tuwang-tuwa siya na parang bata habang namimili ng librong kaniyang babasahin. Nang mapako ang kaniyang atensyon sa fantasy book na nahulog sa sahig, yumuko siya upang pulutin ang librong iyon.

“Counting the stars,” sambit ni Sideryleigh ng basahin niya ang pamagat ng libro. At doon na nagsimulang tumulo ang luha mula sa kaniyang mata habang nanunumbalik sa kaniyang alaala ang lalakeng unang nagturo sa kaniyang magmahal, ngunit dahil sa isa siyang anghel at isang ordinaryong tao lamang si Marco ay hindi rin nagtagal ang kanilang pag-iibigan. Ang librong iyon ang madalas na basahin sa kaniya ni Marco, kaya naman nang muli niyang makita ang libro ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng pangungulila para sa lalakeng unang nagpatibok ng kaniyang puso na ngayon ay batid niyang may sarili ng pamilya.

Ngumiti ng bahagya si Sideryleigh habang pinupunasan niya ang kaniyang luha sa pisngi, hindi niya namamalayan ang mabilis na takbo ng oras mag a-alas tres na ng hapon.

“Hala! Baka hinahanap na ako ni Danisha,” biglang sambit niya sa kaniyang sarili nang maalala ang kaibigan. Kaya nagmamadali niyang tinungo ang pintuan at saka lumabas ng library.

Sa pagmamadali niyang maglakad sa pasilyo ay hindi sinasadyang bumangga si Sideryleigh sa lalakeng naka-suot ng black winter jacket, may suot na black gloves, may suot din itong black mask kaya naman tanging ang nakaka-akit na mata lang niya ang nakikita sa kaniya, Faux Hawk ang gupit ng itim nitong buhok at higit sa lahat, kapansin-pansin din ang matipuno nitong pangangatawan.

Napatunganga si Sideryleigh sa lalakeng nakabangga niya, hindi niya batid ngunit habang nakatitig sila sa mata ng isa't isa ay nakakaramdam siya ng kakaibang sigla na hindi niya maipaliwanag.

“Are you blind?!” singhal ni Heaven sa kaniya, ngunit dahil sa suot na mask ng binata ay hindi siya agad nakilala ni Sideryleigh.

“Pasen...” Bago pa man matapos ang sasabihin ni Sideryleigh ay mabilis ng nakaalis si Heaven na tila nagmamadali at may hinahabol na oras.

“My God Sideryleigh! kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala sa library!” agad na napalingon si Sideryleigh sa kaniyang likuran kung saan nakita niya si Danisha at Gina na humahangos pa.

“Hi,” nakangiting bati ni Sideryleigh na akala mo ba'y hindi niya pinag alala si Danisha.

“Ano bang ginagawa mo dito? Bakit hindi mo 'ko hinintay doon sa labas ng room niyo? Paano kung napahamak ka? Alam mo bang....” Hindi magawang ituloy ni Danisha ang sasabihin niya matapos maisip na hindi dapat malaman ni Sideryleigh at mas lalong hindi dapat marinig ni Gina ang tungkol sa tinatagong Uprising Gang ng Montecillo University.“Alam mo bang pinag-alala mo 'ko?” pagpapatuloy niya.

“Ay ang sweet naman ng bunso namin.” Natatawang kantyaw ni Gina na nasa gilid, tinignan lamang siya ni Danisha.

“Bakit pala kulang kayo? Nasaan si Amrelle?” pagtataka ni Sideryleigh ng hindi niya nakita ang isa sa kaibigan nina Gina at Danisha.

HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon