Nagpatuloy ang sagupaan sa pagitan ng Uprising at XLayer Gang, palitan ng putok ng baril ang siyang maririnig sa malawak na bakanteng lote sa likod ng Montecillo University. Bawat isa kina Heaven, Rhaizen, Danzen at Axel ay may kaniya-kaniyang kalaban. Kalaban ni Rhaizen si Menchie ang nag-iisang babae sa XLayer, si Danzen at Zashiko naman ang magkalaban, samantalang ang kapwa pinuno naman ng Uprising at XLayer ang siyang magkalaban.
Malayo na sina Heaven at Nylshan sa kanilang mga kakampi, ngunit patuloy parin sila sa palitan ng putok. Kung gaano kabilis ilagan ni Heaven ang mga bala ng baril ay ganoon din si Nylshan, mukhang talagang pinaghandaan niya ang muling paghaharap nila ni Nylshan. Kung sabagay, halos limang taon narin simula noong huling sagupaan nilang dalawa.
Mabilis ang naging pangyayari ngayon ay nakatutok na ang nguso ng baril nila sa isa't isa at ano man sandali ay isa sa kanila ang tutumba.
Kakalabitin na sana ni Heaven ang gatilyo ng hawak niyang baril nang naramdaman ang matalas na dulo ng katana na siyang nasa leeg niya, sandali niyang nilingon kung sino ang may hawak ng katana na iyon, walang iba kundi si Menchie.
“Katapusan mo na Heaven,” sarcastic at nakangising saad ni Nylshan. Ngunit sa halip na matakot ay isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Heaven na hindi naman nakita ni Nylshan dahil sa natatakpan ang kalahati ng mukha niya ng suot niyang mask.
“Wala ka pa rin pinagbago Nylshan, uto-uto ka parin,” sarcastic na pagkakasabi ni Heaven at agad na kumunot ang noo ni Nylshan sa pagtataka.
Ilang sandali pa ay napalibutan na sila ng mga tauhan ni Heaven, habang nakatutok ang baril ni Rhaizen sa sentido ni Zashiko.
Sa ikatlong pagkakataon ay muli na namang nanalo ang Uprising laban sa XLayer, bigo na naman ang mga itong mapatumba ang leader ng Uprising na si Heaven upang maangkin ang M.U. Walang nagawa si Nylshan kundi ang utusan ang mga tauhan niyang sumibat na, kasama ang bangkay ng ilan sa kaniyang mga tauhan.
“Rhaizen, dumudugo ang braso mo!” tarantang saad ni Axel, nandito na sila sa HQ habang ginagamot din ang ilan sa miyembro ng Uprising na sugatan.
“Kalma ka lang Axel, malayo 'to sa bituka,” nakangisi pang saad ni Rhaizen habang nakaupo sa couch.
“Magpunta ka sa hospital, ipatanggal mo 'yung bala,” seryosong saad ni Heaven na kampateng umiinom ng alak habang naka-upo sa King's chair.
“Oo nga Rhaizen tama si Boss Heaven, tara samahan na kita,” wika ni Axel.
Wala ng nagawa pa si Rhaizen kundi ang sundin ang gusto ni Heaven, nagpasama siya kay Axel na magtungo sa pinakamalapit na Hospital upang matanggal ang bala sa braso niya.
Pero dahil gunshot iyon, agad na nagpatawag ng pulis ang Hospital upang imbestigahan si Rhaizen na mabilis din naman niyang nalusutan.
“Akala ko mabubuko na tayo, mabuti nalusutan mo,” mahinang wika ni Axel habang naglalakad sila palabas ng Hospital, nabayaran na kasi ang hospital bills ni Rhaizen. At isa pa, ayaw din na manatili pa ni Rhaizen dito sa Hospital.
“Ang kulit mo kasi, sinabi ng ayaw ko magpadala sa Hospital dahil sigurado akong iimbestigahan ako dahil gunshot ito,” saad ni Rhaizen na tila sinisisi pa si Axel.
“Sumang ayon lang naman ako kay Boss Heaven,” mabilis na sagot ni Axel.
“Rhaizen..” Kaagad na napalingon si Rhaizen sa pamilya na boses ng babaeng na nagsalita, nakita niya si Amrelle na namumugto ang mata dahil sa kaiiyak.
“Amrelle...” sambit ni Rhaizen na puno ng pagtata kung paano nalaman ni Amrelle na nandito siya sa Hospital.
Kasalukuyan mag isang kumakain ng hapunan si Amrelle ng maka-received siya ng text message mula kay Danzel.
BINABASA MO ANG
HEAVEN BY YOUR SIDE (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE PUBLISHING)
FantasyHeaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in disguise. What if their path crossed? Date started: August 25, 2021 Date finished: September 2, 202...