~Gapo POV~
May tatlong linggo narin simula nung magkita kami ni Laren doon sa emersion. Minsan talaga ang sarap turuan ng leksyon ang sungit nayun.
Ilang araw din akong hindi nagparamdam. Ni -hi- ni -ho- wala siyang narinig sakin.
Alam ko naman na kailangan niya ng panahon para makapag isip kung ito ba talaga yung gusto niya. Ayaw ko naman siyang madaliin.
Bago ito lahat sa kanya. At alam kung nahihirapan siya.
Pero hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako...
Na kahit sabihin kong handa ako... di ko magawa... di ko siya pwedeng pilitin.
Ang tanging magagawa ko lang ay ang mahalin siya... ang hindi bumitaw... ang manatili... at ipabatid sa kanya na itong nararamdaman namin ay hindi mali.
Yun lang...
Araw ng Sabado ngayon...
Tumulong ako kina Anton, Buboy at Kimay sa pag-aayos ng lambat. Nagkakatuwaan kami dahil naikwento ni Buboy yung nangyari kay Badong ng masampal na naman ni Shane.
"Hindi na ako magtataka kung tatandang dalaga yun." Napapailing na sabi ni Buboy.
"Ikaw pag narinig ka ni Shane, ewan ko nalang. Bugbog sarado ka na naman." Sagot ko.
"Ang sabihin mo gusto mo lang inaasar si Shane para pansinin ka parati. Sus! Style mo Buboy!" Pang-aasar naman ni Kimay.
Hindi naman agad nakasagot ang isa na animoy nahuli sa akto. Bigla nalang nanahimik. Natawa nalang rin kami sa naging reaksyon niya.
"Gapo" Tawag ng isang pamilyar na boses.
Sabay pa kaming napalingon na apat.
"Laren... Anong ginagawa mo dito?" Parang mapupunit naman yung labi ko sa pagngiti. Lumapit siya samin.
"To see you." Nakangiti niyang sagot.
Parang matutunaw naman ako sa kilig dito. Pero hindi pwede magpahalata noh lalo na sa harap ng mga barkada ko. Pagtitripan na naman ako ng mga 'to.
Hayy naku. Kahit buong araw kaming magtitigan dito ng nakangiti na parang mga timang, okay lang.
"Ehm-hmm" Si Anton.
Agad naman akong natauhan. Masyado ata akong na-hypnotized ng dyosa. Napakamot nalang tuloy ako sa batok sa hiya.
"Mga tol... si Laren nga pala. Laren, mga kaibigan ko. Si Anton, si Buboy at saka si Kimay."
"Hi.." Nakangiti bati ng tatlo
"Hello. I'm really happy to finally meet you all."
Medyo nagiging awkward narin kasi...
"Ahhmm... Bakit pala napadaan ka? May kailangan kaba???" Tanong.
"Sinabi ko na diba na I'm here to see you. Don't you miss me??" Agad nitong tanong.
Ako naman ata ang hindi nakasagot bigla. Parang nanigas yung mga kalamnan ko. Iba talaga ang babaeng to.
Pansin ko rin ang pagpigil ng tawa ng tatlo.
Nakataas na ang isang kilay nito na parang hinihintay ang sagot ko.
"Mukhang may naaamoy akong under ah.." Pabulong na sabi ni Buboy pero nadinig ko.
Mga sira ulo talaga.
"Zoe??" Tawag ni Laren na may himig ng pagbabanta.
"Ahh..eh.. Syempre... Namiss rin kita." Nakangiwing sagot ko.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomantikNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...