~Gapo POV~
Totoong nag-aalala ako sa mga yun. Ito naman kasing si Shane, ang lakas makapangunsensiya. Dumaan muna ako sa bahay para magbihis. Mag-aalas dos na ng hapon.
Naglalakad ako sa tabing dagat papunta sa bahay nina Anton. Sa di kalayuan ay natanaw ko silang tatlo na nag-aayos ng lambat sa isang bangka.
Patakbo ko silang tinungo.
"Oh... Tol, napadaan ka? Wala ka bang pasok??" Bati ni Anton.
Nakita ko ang mga pasa nina Anton at Buboy. Pero hindi naman malala. Konting pasa lang di tulad ng sinabi ni Shane na putok ang labi at basag ang mukha. Shane talaga o-oh!!!
Napapahilamos nalang ako. Sobra kasi akong nag-alala.
"Tol... may problema ba??" Agad na pansin ni Buboy.
"Eto kasing si Shane! Sinabi ba naman na napaaway kayo. Putok ang labi at basag pa daw ang mukha! Sinong hindi mag-aalala nun?! Napasugod tuloy ako dito ng wala sa oras. Napa-cutting classes pa ako." Litanya ko.
"Kahit kailan talaga yang si Shane!! Hobby niya talagang ini-exaggerate ang mga pangyayari." Si Kimay.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo?" Tanong ko.
"Ito kasing si Buboy, nakipagsapakan dun sa grupo ni Pablo. Alangan naman pabayaan ko." Sagot ni Anton.
"Ang sabihin mo... buti kamo hindi kayo kinuyog." Sabat ni Kimay.
"Wow! Salamat hauh! Iniwan mo nga kami habang pinagsasapak kami ng mga kumag na yun eh." Sumbat ni Buboy.
"Umalis ako para humingi ng tulong, SIRA! Kung hindi pa ako naghanap ng tulong, hindi lang yan ang aabutin niyo!" Sabay dutdot sa pasa ni Buboy sa bandang kanan ng labi.
"Tumigil na nga kayo." Saway ko sa kanila. "Ilang beses ko bang dapat sabihin na huwag na huwag niyong papatulan yung grupo ni Pablo? Alam niyo naman na mga sira-ulo yung mga yun tapos pinatulan niyo pa. Eh ano pang pinagkaiba niyo sa kanila?"
"Nakakaasar kasi tol eh! Hindi ko matiis na hindi sapakin ang pagmumukha ng kumag na yun." Si Buboy na bakas sa mukha ang pagkainis.
"Hayaan niyo na. Pero sa susunod hauh... Pag nakipagsapakan pa kayo sa grupong yun, pag-uuntugin ko talaga yang mga bungo niyo." Saad ko.
"Pasensiya na tol..." Wika ni Buboy.
"Hayaan niyo na. Ang mas iniisip ko ay si Shane. Galit na galit sakin kanina."
"Nagtatampo lang yun. Wala kana kasing oras para sa kanya. Dati, walang araw na hindi ka niya nakakasama. Tapos ngayon, swertihan nalang pag nagkita kayo isang beses sa isang linggo. Nagseselos yun." Sagot ni Anton.
"Nagseselos?"
"Tol naman... manhid kaba talaga o MANHID KA? Alam na ng lahat pwera ikaw. Hindi mo ba talaga napapansin? Gusto ka kaya ni Shane." Sagot ni Kimay.
Natawa naman ako sa sinabi niya....
"Tol... alam niyo naman na parang kapatid ko na yun. Malamang nagtatampo lang kasi nga nawawalan na ako ng oras sa kanya... sa inyo. Hayaan niyo.... Babawi ako. Pangako."
"Total naman... gusto mo talagang makabawi. Siguro naman nakasweldo kana... Libre naman diyan!" Buboy.
"Libre! Libre! Libre! Libre!" paulit-ulit nilang sigaw.
.............................................................
Ayon nga!
Nagkayayaan ng inuman ang grupo.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomanceNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...