~Gapo POV~
Masaya ako sa kung anong meron kami ni Laren ngayon. Hindi man namin pwedeng sabihin sa lahat, ang mahalaga alam naming pareho kung anong nararamdaman namin para sa isat-isa. Yun ang mahalaga.
Siya ang nagbibigay ng kulay sa buhay ko ngayon. Nahulog na ako sa kasungitan niya, sa katarayan niya...sa kaartihan niya... Sa pagiging diktador niya... sa pagiging selosa niya... lahat ng katangian niya.
Sa kanya lang ako naging masaya nang ganito.
Papunta ako ngayon ng palengke para ihatid yung mga huling isda ni tatay sa suki namin doon. Pero hinarang ako ng apat na lalaki. Di ko naman kilala ang mga to.
"Pare, baka pwedeng makadaan. Idedeliver ko pa sana to eh." Pakiusap ko habang may bitbit na dalawang balde nang isda.
Kita sa itsura ng lalaki ang galit.
Tinulak niya ako dahilan para mabitawan ko ang dalang mga isda. Sinipa niya ang mga balde dahilan para matapon ang laman nito.
"Mga pre ayaw ko nang gulo..." Pero itinulak ulit ako.
"Ano bang problema niyo?" Naaagaw na namin ang atensyon ng ibang namimili.
"Alam mo ba nang dahil sayo hiniwalayan ako ng girlfriend ko." Galit nitong saad. Napatawa nalang ako.
"Eh hindi ko nga kilala girlfriend mo eh. Baka nagkakamali ka lang pre."
"Humanda ka sakin. Magbabayad ka." Akma sana akong susuntukin mabuti nalang at nakailag ako.
Binato ko sa kanya ang balde at kumaripas ng takbo. Hinabol nila akong apat. Nakipagpatintero kami sa mga nagdadaanang jeep at sasakyan. Hanggang sa nakorner nila ako malapit sa mga nagtitinda ng prutas. Wala na akong magagawa kundi lumaban.
Nagkagulo na nga. Apat laban sa isa, di naman ata patas yun.
Unang sumugod ng suntok ang leader. Suntok sa kanan suntok sa kaliwa pero agad namang akong nakaiwas at gumanti ng sapak. Sapol sa panga ang lalaki at napasubsob sa kanal.
Sumunod naman ang isang lalaki at tinadyakan ako sa sikmura dahilan para mapaupo ako sa sakit. Nang akma akong susuntukin ng lalaki ay agad kong sinipa ang tuhod niya.
Agad akon tumayo. Ngsabay sabay na sila sa pagsugod sakin. Halos hindi na ako makapag isip ng maayos. Basta salag at suntok lang ang ginawa ko. Napaupo ako ng may makalusot na suntok at tumama sa labi ko.
May pumatak na dugo sa gilid ng labi ko. Agad akong tumayo at pinahiran ang dugo. Hindi ko namalayan ang lider na nakatayo sa likod ko at inundayan niya ako ng saksak pero nasalag ito ng isang babae.
Agad akong napalingon at nanlaki ang mga mata ng makita ang balisong na ilang sintemetro nalng ang layo sa tagiliran ko. Nabitawan ng lalaki ang panaksak dahil siguro sa mahigpit na hawak ng babae.
Pinilipit niya ang kamay nito sa likod at hinagis na parang papel sa may prutasan.
"Are you okay?" tanong ng babae sakin.
Napatango nalang ako. Parang huli na nang makaramdam ako ng takot. Biglang nanghina ang tuhod ko. Parang nawalan ako ng lakas ng maisip na muntik na akong masaksak.
Di ko na namalayan na isa isang pinatumba ng babae ang apat.
Tinulungan niya akong makatayo.
Nakasuot siya ng black leather jacket at naka boots pa. Ang astig niya tingnan sa porma niya.
"Lets get out of here." Hinila niya ako paalis sa lugar na yun.
Hindi ko namalayan na sumakay na kami sa isang puting sports car at humarurot paalis.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomansaNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...