~Gapo POV~
Ito na naman po siya. Sinusungitan na naman ako. Pauwi na kami ng Mansion.
"Sa Mansion ka ngayon matutulog." Pahayag niya.
"Hauh?"
"Are you deaf? I said, sa mansion ka matutulog ngayong gabi para magawa na natin yung assignment." Sagot niya.
"Eh kasi Laren... Ano kasi..."
"Why? Makikipagkita ka na naman sa mga kaibigan mo? O dun sa kalandian mo kagabi?" Ito na naman po kami. Haaayyyy....
Hindi nalang ako sumagot. Baka saan na naman mapunta tong usapan nato.
"Ideretso mo na sa bahay niyo para makakuha kana rin ng damit mo." Wika niya. Hindi na ako umangal pa at dineretso na nga sa bahay namin.
Pagkarating dun ay bumaba na kami. Kailangan pa kasi naming maglakad ng ilang metro papunta sa bahay namin na malapit sa tabing dagat.
"Maiwan ka nalang dito. Mabilis lang ako." Saad ko.
"No. Sasama ako." Sagot niya at nauna pang maglakad. Para namang alam niya kung saan yung bahay ko.
Pagkadating namin sa bahay ay naabutan namin si tatay Jaime na nag-aayos ng lambat kasama si Dexter.
"Ate..." Masiglang tawag ni Dexter at patakbong lumapit sakin sabay yakap.
"Namiss kaagad kita bunsoy. Paamoy nga..." Sabay taas ng kili-kili nito. "Amoy sinigang na daing na ah. Nakapaglinis kanaba ng katawan?" Natatawang umiling lang ito. "Ikaw talaga... Palagi mo akong sinisita na amoy isda tapos ikaw pala tong hindi mahilig maligo..." Sabay kiliti sa kanya. Natatawa naman ito habang inaawat ako.
Lumapit ako kay tatay Jaime at nagmano. Sabay pa silang napatingin kay Laren.
"Tay... Si Laren nga po pala. Laren, si tatay Jaime at bunsong kapatid ko, si Dexter." Pakilala ko.
"Magandang hapon po." Nakangiti niyang bati sa tatay ko. Napakunot noo naman ako. Bigla ata umiba ang ihip ng hangin.
"Maganda hapon rin sayo. Ikaw ba yung anak ni Sir Albert?" tanong ni tatay.
"Opo." Nakangiti niyang sagot.
"Ang ganda naman niya ate. Girlfriend m-?" Agad kong tinakpan ang bibig niya. Isang pilit na ngiti ang binigay ko kay Laren.
"Pagpasensiyahan mo na tong kapatid ko. May pagkamadaldal talaga." Wika ko. Napangiti lang siya.
"Tay, si nanay po?" Tanong.
"Nasa loob. Naghahanda ng hapunan kasama ng dalawa mong kapatid." Sagot ni tatay.
"Pasok muna kami tay."
Pumasok kami sa maliit naming tahanan. Naabutan namin ang mga kapatid ko na naghihiwa ng mga sangkap. Si nanay naman ay nagpi-prito ng isda. Agad akong lumapit kay nanay at nagmano.
"Kaawaan ka ng diyos..." Wika niya.
"Nay, si ate may kasamang magadang babae." Sumbong ni Dexter. Sabay pa silang napatingin kay Laren na nakatayo sa may pintuan.
"Magandang hapon po." Nakangiti niyang bati.
"Magandang hapon rin sa iyo, hija." Parang nataranta naman si nanay. Agad lumapit kay Laren. "Maupo ka muna hija. Pagpasensiyahan mo itong aming munting tahanan. Gusto mo ba ng maiinom? Juice? Softdrinks? Kape?" Natatarantang tanong ni nanay. Naupo naman si Laren sa upuang gawa sa kawayan.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomantizmNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...