~Gapo POV~
"Kumusta naman ang unang araw mo sa skwela, anak?" Tanong sakin ni Itay.
Kompleto at masaya kaming naghahapunan. Sabi ko nga dati, simple lang ang pamumuhay namin pero masaya.
"Masaya po. Kaso nga lang hindi ako nakapananghalian." Gutom na gutom talaga ako. Tinapay lang kasi kinain ko kanina.
"O... Bakit naman??" Kunot-noong tanong ni Itay.
"Tinapay lang po kasi kinain ko. Yung amo ko kasi, sa mamahaling restaurant kumain. Alangan namang magpalibre ako, diba? At saka ang mahal kaya dun." At sumubo ng kanin. Parang pati daliri ko eh makain ko na sa sobrang gutom.
"Hindi ka man lang ba niyaya ng amo mo, ate??" Tanong ni Jansen Mae.
"Hindi eh... At saka amo ko nga yun. Hindi naman magandang tingnan na sumasabay ako sa pagkain sa kanya." Paliwanag ko.
"Ang sama naman ng ugali niya, ate." Puna ni Carla.
"Hindi naman. Konti lang..." At nagtawanan kami.
Kahit ganun ang ugali niya, alam kong siya parin yung Laren na nakilala ko halos sampung taon na ang nakakaraan. Alam kong mabait siya.
Maaga akong nagising nang sumunod na araw. Kahit noon palang, maaga na talaga akong nagigising. Nasanay narin siguro ang katawan ko. Kinuha ko ang tuwalya sa aparador at dumiretso sa banyo. Ilang beses pa akong nagsabon at nag shampoo. Baka mamaya masita pa ako na amoy isda ng sungit na yun.
Pagkatapos nun ay nagbihis na ako ng kulay asul na t-shirt, maong at sapatos. Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ang mga kapatid ko sa mga kwarto nila para gisingin.
Simple lang naman ang bahay namin na gawa sa sawali. Merong maliit na sala, kainan at kusina. Katabi lang ng kusina ang banyo namin. Sa may baba rin ang kwarto nina inay at itay. Limang hakbang lang naman papunta sa ikalawang palapag na merong tatlong maliliit na kwarto. Magkasama sa kwarto si Jansen at Carla at tig-isa naman kami ni bunso ng kwarto.
Isa-isa ko na silang ginising dahil may pasok rin sila. Lulugu-lugo silang bumangon. Naghanda narin ako nang almusal namin. Nagkakape na sina inay at itay sa may mesa.
Pagkatapos nilang maligo at magbihis ay dumiretso na rin sila sa hapag.
"Kakaiba ata ang amoy mo ngayon ate ah." Pansin ni Dexter. Napaamoy naman ako sa manggas ng maluwang kong damit. "Amoy malinis kana ate. Hindi kana amoy isda." Natatawa niyang saad.
"Kumain kana. Kung anu-anong sinasabi mo." Saway ko sa kanya at naupo narin.
"Okay na sana ate eh. Magdamit ka lang ng maayos, pasado ka ng artista." Wika naman ni Carla.
Napakunot-noo naman ako at napatingin sa sarili. "Bakit, ano bang mali sa suot ko.?"
"Nagtanong kapa talaga ate. Ang baduy mo kaya manamit." Sagot ni Dexter. Nagtatawanan pa silang tatlo at nag-apir. Napapangiti naman sina inay at itay.
"Kung magkasweldo kana ate, bumili ka nang bagong mga damit para hindi ka naman magmukhang manang. Maganda ka nga... Parang ewan ka naman manamit." Si Jansen. Sa aming magkakapatid, si Jansen talaga ang medyo may pagka-fashionista. Maganda, sexy at ma-appeal. Saan paba mgmamana? Syempre sa ate niya.
"Tigilan niyo na ang ate niyo. Kumain na kayo at mahuhuli kayo sa pasok." Sita ni inay. Natigil narin ang tatlo pero andun parin yung ngiti.
Ilang sandali pa ay nag-ayos na kami ng mga gamit namin at umalis na. 1st year college narin si Jansen Mae. Pero magkaiba kami ng school na pinapasukan. Kumukuha siya ng kursong Tourism. Si Carla naman ay Grade 10 na at si Dexter ay Grade 3.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomanceNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...