Chapter 4 Bratty

3.5K 151 1
                                    


~Amber POV~

I was so shocked for what happened next. Pinatahimik niya ako gamit ang bibig niya. Yes! She kissed me! Unti-unti niyang nilayo ang kanyang mukha. Mas matangkad siya kaysa sakin.

Now, I'm looking directly in her beautiful green eyes. Mahabang pilikmata, matangos na ilong, perfectly shaped eyebrows at makinis na mukha. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi. Napakalambot halikan nun. Ewan ko kung gaano kami katagal nagkatitigan.

Pinilit kong ibalik ang sarili sa kamalayan. Nang matauhan... "Aray!!" Daing niya dahil ginawaran ko siya ng isang malakas na sampal. Agad siyang napahawak sa namumulang pisngi.

"Ba't ka ba nananampal??" Bulalas niya. May gana pa talaga siyang magtanong. I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay.

"Who are you?? What are you doing inside our house??!" Masungit kong tanong. Maya-maya pa ay dumating na sina Nanay Remy. Siya ang mayordoma ng Mansion at siya rin ang nag-alaga sakin nung bata pa ako.

"Diyosko naman!! Anong nangyari dito?!" Bulalas niya nang makita ang nagkalat na isda sa sahig. Natapon ata nung hinal-.. Basta.

"Gapo! Anong nangyari dito??" Baling niya sa babaeng nasa harap ko.

"You know her??!" Agad kong tanong kay nay Remy. Agad namang pinulot ng matanda ang mga nagkalat na isda. Tinulungan din siya ng babaeng yun.

"Ano ba kasing nangyari dito?" Tanong ulit ni Nay Remy.

"Why don't you explain what happened here." Saad ko na nakahalukipkip at titig na titig sa babaeng to.

"Ah kasi nay... Ano kasi... Dumiretso na ako dito para ilagay tong dala kong isda sa ref. Kanina pa ako tawag ng tawag wala namang sumasagot. Napagkamalan pa ata ako ni ma'am na magnanakaw." Napapakamot sa ulong paliwanag niya. Inirapan ko nalang siya.

"Amber anak, ito pala si Gapo, anak-anakan ko. Palaging dumadalaw to dito para dalhan ako ng isda. Gapo, siya yung sinasabi ko sayong anak ni Sir. Yung batang inaalagaan ko dati." Pakilala ni Nay Remy.

Bigla naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Kung kanina ay inis, ngayon naman ay pangiti ngiti na siya sakin.

"Pasensiya na kayo ma'am. Hindi na mauulit." At tinapunan ako ng pilyong ngiti... taas-baba pa ang kilay. Aba't nang-aasar ba'to?

"Oh, anong nangyari diyang sa pisngi mo??" Pansin ni Nay Remy sa pisngi niya. Namumula pa kasi. Bumakat pa yung palad ko.

"Wala to nay. Hinalikan lang ng makiring lamok." Sagot niya.

"Whatever." At iniwan ko silang dalawa dun.

Kakainis siya! Gapo?? Anong klaseng pangalan yun?! My god! Hinalikan pa talaga niya ako. Ang lakas ng loob niya. Arrrggh! Padabog akong bumalik sa kwarto. Ni sa panaginip hindi ko naisip na hahalikan ako ng isang... babae!

Sana naman hindi na ulit magtagpo ang landas namin. Kung sakali man, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi matanggal sa isip ko kung pano niya ako titigan... those green eyes that are full of emotions. Nakakalunod tumitig dun. Nilibang ko nalang ang sarili para alisin sa isip ko yung nangyari kanina.

...........................................................................................

Dalawang linggo narin kami dito sa Batangas. Ang family ni Mom ay taga Batangas talaga, specifically sa Nasugbu. Kaya naman dito narin sila nagpatayo ng resort. Naisipan kong pumunta sa resort. Malapit lang naman yun kaya nilakad ko nalang.

Vencamino Elizalde Series: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon