~AmberPOV~
Hanggang ngayon, nalulungkot parin ako dahil nga sa naging resulta ng niluto ko.
Unang beses ko pa naman yung ginawa tapos yun pa ang naging kinalabasan. Nakakadismaya.
"Okay lang yun." Wika ni Gapo.
On the way na kami papunta ng school.
"It's not okay. It was my first time cooking. Tapos yun pa naging resulta." Napapalabi kong sagot.
"Masarap naman eh." Natatawa niyang sagot.
"Sige. Mang-asar kapa!" Sabay ismid.
"Okay... Hindi nga masarap." Sagot niya. Hinarap ko siya at matamang tinitigan. "Pero atleast, nagawa mo. Nakapagluto ka. Pinagluto mo ang mga magulang mo sa unang pagkakataon. Kita naman sa kanila na masaya sila sa nagawa mo." Dagdag pa niya.
Kita nga kina mom at dad na masaya sila kahit hindi masarap yung niluto ko. First time ko nga nagawa yun... na ipagluto sila. Tama nga si Gapo... iba ang saya pag nakita mong masaya rin ang parents mo.
"Walang panama ang alat at pait ng niluto mo sa tamis ng ngiti ng mga magulang mo kanina." Dagdag pa niya.
Napangiti ako sa sinabi niya.
She makes everything easy. Parang lahat ng problema may solusiyon. Pag kasama ko siya, parang ang gaan-gaan ng lahat.
.......................................................
Nung vacant period nalang namin ginawa yung assignment namin. Bukas na kasi ipapasa to. We're here at the library.
Ewan ko lang kung ako lang ba nakakaramdam o nakakaantok talagang mag-stay sa library.
Napaidlip ako.
I'm standing in a beautiful garden.
Maraming magagandang bulaklak. Ibat-ibang kulay na talagang nagbibigay buhay sa paligid. Meron ring cottage house na kahit simple ay maganda dahil sa magagandang bulaklak na nakapalibot dito. Rinig ko rin ang paghampas ng alon sa dalampasigan na marahil ay hindi rin kalayuan.
Maya maya pa ay may lumabas na batang babae sa bahay na nakaputing bistida at marahil ay nasa edad apat o lima. Patakbo siyang lumapit sakin pero bigla itong nadapa dahilan para mapaiyak siya.
Agad na may lumapit na babae sa bata at tinulungan itong tumayo.
"Huwag ka ng umiyak. Diba ang turo ni Mama pag nadapa, dapat agad tumayo." Malumanay niyang sabi sa bata.
"I'm sorry mama." Sagot ng bata sabay pahid ng mga luha nito. Doon ko napagtanto na anak niya ang bata.
"Sa susunod, mag-iingat ka. Tingnan mo ang tuhod mo, puro gasgas na naman. Mag-aalala na naman ang mommy mo sayo pag nakita to." Tugon ng babae.
"Mommy's there, mama." Sabay turo sakin.
Nagulat ako sa ginawa ng bata. Nakangiti siyang nakatingin sakin. Pero hindi ko parin nakita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sakin.
Kinarga niya ang bata at dahan-dahang humarap sakin.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Dahan-dahan siyang lumapit sakin habang karga ang bata.
The little girl got her mama's green eyes and smile.
"Mommy..." tawag ng bata sakin.
Nagkatinginan pa sila ng bata. They look so happy...
It feels like this is what I wanted. This is what I dream of... A simple life together with the one I love... With her.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomanceNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...