Chapter 27 Back

606 25 0
                                    

~Gapo POV~

Parang hinampas ng hollow blocks yung ulo ko sa sobrang sakit. Mataas na ang sikat ng araw. Agad akong tumayo at dumungaw sa bintana. Tanaw ko ang mga mangingisda na inaayos ang kanilang lambat. Animoy kakauwi lang galing sa laot.

"Anong oras naba?" Tanong ko sa sarili.

Agad akong napasapo sa ulo ng sumakit na naman ito.

Langhiyang hangover to!

Agad akong nag suot ng pang itaas at bumaba sa kusina para makapag hilamus at makainum narin ng tubig.

Doon ko nalang naalala si Laren.

"Ate, kung si Laren ang hinahanap mo, kanina pa nakauwi." Pansin ni Jansen nang mapansin na palinga linga ako sa paligid. Nagtutupi siya ng mga damit na nilabhan.

"Hauh? Sinong kasama niya?" Tanong ko

"Sinundo kanina ng driver niya. Ayan! Inum pa more. Tanghali na kaya."

"Sina nanay, nasan?" tanong ko uli

"Namalengke kasama si Dexter at Carla. Si tatay naman, pumunta kina Mang Goryo." Sagot nito. "Kumain kana ate. May natira pang ulam dyan sa lamesa."

Sakto! Gutom narin talaga ako.

Kumain na ako at bumalik ulit sa kwarto. Agad kong kinuha ang phone ko. Wala ni isang message o tawag man lang.

Tinawagan ko siya... pero ring lang ng ring... Di niya sinasagot.

Baka busy lang...

Binalewala ko nalang yun at naligo.

.

.

.

Mag hahapon na pero wala parin ni isang message man lang galing sa kanya.

Anong nangyari dun? Ano ba nangyari kagabi.? Wala akong masyadong maalala. Ang huling natatandaan ko lang ay naglalakad kami sa tabing dagat. Hanggang doon nalang...

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi niya talaga sinasagot.

Nag decide nalang akong puntahan siya sa bahay nila. Sinalubong agada ko ni Nay Remy.

"Nay, nandiyan ba si Laren.?"

"Nasa balkonahe. Katatapos ko nga lang dalhan ng inumin. Mukhang masama ang gising. Nag away ba kayo Gapo?" Pabulong niyang tanong.

"Po?? Hindi po Nay. Baka may dalaw lang siguro kaya wala sa mood." Pagbibiro kong sagot.

"Sha, puntahan mo na siya dun at marami pa akong gagawin dito."

"Sige po nay."

Umakyat na ako at pinuntahan siya.

Mukhang may kausap sa telepono.

Napalingon siya sakin. Sa halip na ngiti ang iganti niya ay matalim na tingin at irap ang pinukol niya sakin.

Wala nga sa mood.

"I'll call you back." Sabay baba ng phone.

Lumapit ako sa kanya pero ni titigan ako di niya magawa. Nakatingin lang siya sa malayo habang nakahalukipkip. Kita ang pag pintig ng kanyang ugat sa leeg. Halatang galit.

Napapailing nalang ako sa pagkatupak ng isang to.

Umupo ako sa harap niya.

"Mukhang masama ang gising natin ah." Pagbibiro ko pero napaka seryoso ng mukha niya. "May problema ba?" Tanong ko.

Vencamino Elizalde Series: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon