Hello everyone. I know sobrang tagal bago ako nakabalik. And I apologize for that.
I have my own battles to fight... And natagalan bago ko naipanalo. Haha.
But here... After 34 months nung last update ko... Itutuloy ko na to.
Nagbabalik napo ang inyong lingkod.
GRACE MALAYA...~Gapo POV~
Nagmamaneho ako ngayon papuntang Baler. Kasama ko sa sasakyan si Laren na katabi ko, sina Kimay at Shane na nakaupo sa likuran habang yung dalawa naman, sakay ng owner type jeep ni Mang Iko.
Masaya naman ang naging byahe namin maliban lang sa isa na kanina pa walang imik sa likuran.
“Shane, okay ka lng ba dyan? . Kanina kapa walang imik auh” Tawag pansin ko sa kanya habang nakatingin sa rearview mirror.
“Okay lang ako. Huwag moko masyado pansinin. Mag concentrate ka jan sa pagmamaneho. Baka mabangga pa tayo eh.” Pagtataray nito.
Mukhang may dalaw na naman to. Nagsusungit na naman kasi. Napapailing nalang ako.
Napasulyap rin ako sa katabi ko. Isang matamis na ngiti lang ang kanyang tugon. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinalikan ito.
“Hmm-ughmm! Mag concentrate sa pagmamaneho please! Maya na kayo magharutan pag nakarating na tayo.” Saway ni Shane
Natawa nlang ako sa isang to.
Ilang oras pa ay nakarating na kami.
Binaba na namin ang mga gamit namin at sinalubong kami ng dalawang pamilyar na mukha.
“Kumusta ang byahe??” Nakangiting pangbungad ni Hachiks.
“Okay lang. As usual gutom.” Sagot ni Buboy habang hinihimas ang tyan.
Napatingin naman ang magkapatid sa katabi ko.
“Sha nga pala Laren, sina Hachiks at Gwacho. Guys si Laren.” Pagpapakilala ko sa kanila
Agad naman siyang kinamayan ng dalawa.
“Nice to meet you.”
“So, you’re the lady na sinasabi nila nung last time na pumunta sila dito.” Na-aamaze na sabi ni Hachiks
“The Alpha” Sigunda naman ni Gwacho na may pilyong ngiti.
“Ughh—Under!” Kunwaring napapaubo pa na sabi ni Buboy.
Pinukol ko nalang siya ng matalim na titig.
“May sinasabi ka??” May himig na bagbabanta ko
“May sinabi ba ako?? May narinig ba kayong sinabi ko.??” Pagmama-ang maangan nito. Natatawang napapailing nalang sina Kimay at Anton.
Napapangiti rin si Laren. Baka kung ano na isipin nito dahil sa pinagsasabi ng mga loko kong kaibigan.
“Anyways… Let’s have breakfast.” Paanyaya ni Hachiks.
Pumasok na kami at dumiretso sa Deck.
Nag-agahan kami… Konting kwentuhan…
Maya maya pa ay nag ayos na kami ng mga gamit namin. Kitang kita narin kasi ang magandang alon.
........
Matagal tagal narin kasi nung huli kaming nakapunta dito.
Nagpahinga lang kami ng konti at nagbihis narin. Maganda kasi ang alon ngayon. Talagang maiingganyo ka agad salubungin.
Kinuha ko na yung paborito kong surfboard. Ito yung ginagamit ko palagi sa tuwing nagpupunta ako dito.
"Tara" Nakangiting yaya ko kay Laren sabay abot sa kanyang kamay. Nakangiti naman niya itong tinanggap.
.
.
.
.
Ito ang unang pagkakataon na makita niya akong magsu surf. Sabay sabay na naming sinalubong yung alon.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomansaNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...