Prologue

7K 209 7
                                    


~Gapo POV~

"Tol! Bilisan mo naman! Di na natin maaabutan si Aling Belen sa may talipapa. Baka sa iba na kumuha ng mga isda yun." Tawag sakin ni Anton.

Nandito kami ngayon sa mgay tabing dagat at dala-dala ang dalawang balde na puno ng isda na pinagtutulungan naming apat na buhatin. Kasama ko si Anton, Buboy at Kimay.

Tuwing umaga kasi, pumupunta kami sa may pangpang para abangan yung mga tatay namin na galing sa laot. Binibigyan nila kami ng isda para i-deliver sa palengke at talipapa. Isa na doon si Aling Belen na may pwesto sa talipapa.

"Sandali lang naman tol. Ang bigat kaya nito." Reklamo ko habang hawak-hawak ang isang dulo ng kawayan kung saan nakasabit yung balde na may lamang sariwang isda. Si Buboy naman ang may hawak sa kabilang dulo ng kawayan.

"Huwag ka nang magreklamo. Ikaw din, wala tayong babaunin papuntang karnabal. Sige ka!" Saway naman ni Kimay sakin.

Nalalapit na kasi ang fiesta. At merong karnabal sa may bayan kaya ganun nalang ang kagustuhan naming makaipon para may panggala rin kami. At syempre para makatulong narin sa mga magulang namin.

Bata palang kami ay banat na ang buto sa pagtatrabaho kahit na nag-aaral pa kami. Bago kami pumasok sa eskwela ay ito ang pinagkakaabalahan naming magkakaibigan. Nagdedeliver ng isda o di kaya ay nagtitinda ng mga ulam na luto ng inay ko at minsan naman ay nagsa-sideline na tagalako ng mga isda.

"Mga tol, pag-uwi natin mamayang hapon galing sa skwela, daan tayo sa may dalampasigan hah. Mamumulot lang ako ng shell at saka bato." Pahayag ni Buboy na halos mahubuan na ng shorts dahil sa bigat ng dala naming balde.

"Sus!! Ibibigay mo lang naman yan kay Shane eh idadamay mo pa kami." Supalpal ni Kimay sa kanya na napatirik pa ang mata.

Si Shane ang crush na crush ni Buboy. Magkaklase kaming apat at kaklase din namin si Shane.

"Sige na naman oh! Baka kasi pagalitan ako ni itay pag umuwi akong mag-isa. Tyak! Mababawasan na naman yung bakod namin mamaya." Pangumbinsi niya samin.

Natawa nalang kaming tatlo. Alam namin kasi na sa tuwing pinapagalitan siya ng tatay niya, eh kumukuha ito ng kahoy sa may bakod nila at iyon ang pinapampalo kay Buboy. Kaya naman hindi pa natatapos ang taon eh konti nalang ang natira sa bakod nila.

"Oo na, Basta bilisan na natin at mahuhuli na tayo sa skwela." Sagot ni Anton at nagmadali na kaming pumunta sa talipapa. Pagkarating namin doon ay nilapitan agad namin ang matabang babae na nasa singkwenta pataas siguro ang edad, si Aling Belen.

"Aling Belen, ito na po yung isda." Sabi ko sa kanya.

"Aba! Ang lalaki ng mga isdang ito ah. Bagong huli ba ito??"

"Syempre naman po! Kailan po ba kami nagdeliver ng bilasang isda sa inyo??" Pagbibida ko. Agad siyang dumukot ng pera sa beltbag niya.

"Oh ito," Binigyan kaming apat nang tig-singkwenta. "Mag-aral kayong mabuti hah. Sige na, umalis na kayo at mahuhuli kayo sa skwela. Ikumusta niyo nalang ako sa mga magulang niyo."

Matagal nang magkakilala ang mga magulang namin at si Aling Belen. Simula pa noon, mga magulang na namin ang nagsusuply ng isda sa pwesto ni Aling Belen sa may talipapa.

Nagpasalamat na kami sa kanya bago umalis. Nag-uunahan na kaming makarating sa skwela. Di naman kalayuan ang skwelahan namin mula sa bahay kaya nilalakad nalang namin. Umaga palang tagaktak na ang pawis namin at amoy isda pa kami.

Bago kami pumasok sa kwarto ay hinubad muna namin ang t-shirt naming suot at kinuha ang kanya-kanya naming uniporme sa bag namin. Yun ang ginagawa namin araw-araw para naman hindi kami nanglilimahid pag pumasok sa skwela.

Vencamino Elizalde Series: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon