Chapter 22 Twin

2.8K 124 13
                                    


~Gapo POV~

Halos hindi ako nakatulog kagabi matapos nang nangyari sa party ni Sharry. Sinubukan kong pigilan yung sarili ko... yung galit ko pero wala eh. Sumabog na ko!

Napatingin ako sa aking kamao na namumula. Oo... nasuntok ko si Enzo. Isang suntok lang yun. Sino ba naman ang hindi magagalit... Nakita ko sila ni Laren na naghahalikan dun sa wine bar. SABIHIN NIYO SAKIN! SINO HINDI SASABOG PAG NAKITA YUN!!!

Maaga nalang akong naghanda at pumunta ng Mansion dahil Monday nga.

Nakasalubong ko sina Anton at Buboy sa tabing dagat.

"Oh Tol... Lunes na lunes pero parang biyernes santo yang mukha mo." Pansin ni Buboy.

"Hindi lang maganda gising ko."

"Bakit? Nag-away ba kayo ni Perla.?" Tanong naman ni Anton.

"Hindi... Sige. Mauna na ako." Sabay alis.

"Oh teka tol! Sandali! Gapo! Hoy Gapo..." Tawag ni Buboy pero hindi na ako lumingon.

"Ano problema nun..." Anton...

Pumunta na ako sa Mansion. Hindi na ako nag-abala pang pumasok. Hinintay ko nalang si Laren sa kotse. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakasandal sa kotse bago siya dumating. Paulit ulit kasing bumabalik yung eksena kagabi.

"Gapo..." Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala siya.

Pinagbuksan ko siya at agad rin naman siyang sumakay.

Sumakay narin ako at pinaandar ang kotse. Nakakabinging katahimikan ang bumalot samin. Tinuon ko nalang ang atensiyon sa pagmamaneho.

"Look... I can't start this day na ganito tayo."

Napangiti nalang ako at napapailing...

"Gapo! Ano ba!! Talk to me!"

"Nag-enjoy kaba?" Tanging nasambit ko pero puno ng hinanakit.

"What?!!" Naguguluhan nitong tanong.

"Tapos ngayon nagka-amnesia kana??" Sagot ko. "Iinum-inom hindi naman pala kaya." Pabulong kong sagot.

"Pull over. I said PULL OVER!"

Unti unti kong tinabi ang kotse sa daan.

"Mag-usap nga tayo Lazaro. Ano bang problema mo??" Naiinis na nitong tanong.

"Wala naman. Nakita lang naman kita kagabi na nakikipaghalikan dun sa Enzo na yun." Yun na nga! Nasabi ko na.

"What?!"

"Huwag mong sabihing hindi mo naaalala? Base sa nakita ko enjoy na enjoy ka nga eh. Ikaw tong ayaw na ayaw akong nakikipag usap kay Sharry tapos ngayon makikita nalang kitang nakikipaghalikan sa iba?! Kay Enzo pa!"

Ayaw kong magmukhang sobrang selos na selos pero nasabi ko na eh. At Oo. Nag-seselos ako!

Kita sa mukha niya na hindi alam kung anong sinasabi ko. Hindi na ako nagtataka. Sobra na siyang lasing nun.

"What are you talking about? I didn't kiss him. Why would I? Kung meron man akong hinalikan kagabi ikaw yun, at dapat alam mo yun."

"Lasing ka nga..." Napapailing na sabi ko.

"Teka nga. Ano bang kinakagalit mo?? Kung naglasing man ako, kasalanan mo yun!"

"Kasalanan ko pa ngayon??"

"Yes! Because I heard everything... ng pag-uusap niyo ni Sharry... and I've seen everything. Everything, Gapo!" Biglang nalungkot ang boses niya. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha pero agad niya itong pinahiran.

Vencamino Elizalde Series: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon