~Amber POV~
Dumating ang araw ng lunes. Hindi talaga siya pumasok. Hindi narin nagparamdam. Lunes palang pero I felt so tired na. Sobrang mugto ang mga mata sa kaiiyak.
"Good morning princess..." Salubong agad sakin ni Enzo.
"Stop it Enzo! I will say this for the last time... Stay away from me and never ever try to come near me again. EVER!" Bigay diin sa huling salita.
Hindi na siya nakapagsalita dahil narin sa gulat.
Dumiretso na ako sa klase namin.
"What?!!!" Singhal sa mga kaklase namin na panay ang titig sakin at nagbubulungan pa. Agad naman sila nag iwas ng tingin.
Nasa loob nga ng klase yung katawan ko pero lumilipad naman ang isip ko. Wala rin akong ganang kumain.
Halos isang linggo na ang lumipas.
Wala akong ganang gawin ang kahit na anong bagay. Nasa kwarto lang ako nanunuod ng TV na hindi ko naman naiintindihan dahil iba yung iniisip ko.
Maya maya pa ay may kumatok... at pumasok ang Mom ko...
"Anak... kumain na tayo. Nagluto ako ng paborito mo."
"I'm not hungry mom..." sagot ko ni hindi man lang siya nilingon.
Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko. Kinuha ang remote na hawak ko at hinawakan ang kamay ko.
"Ilang araw ko ng napapansin na wala kang ganang kumain, lumabas o kahit gawin man lang yung mga bagay na usual mong ginagawa. May problema ka ba, anak? Pwede mong sabihin sakin..."
Napayuko lang ako at pilit ngumiti...
"I- I'm okay mom. Konting problema lang sa school. I can manage." Pagsisinungaling ko.
"Are you sure yun lang yun, anak? Dahil hindi ako bulag para hindi makitang umiiyak ka gabi-gabi. I'm your mom and I know if something's bothering you. Ramdam kong may mabigat kang dinadala diyan sa puso mo. You can tell me, anak."
Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Niyakap niya ako ng napakahigpit. For a moment, I felt a temporary relief.
Wala kasi akong masabihan. At sobrang bigat na nitong nararamdaman ko. All I need is someone to hug me. And I'm thankful that my mom is here.
"Everything's gonna be okay."
I manage to give her a smile to assure her na okay na ako.
Hinawi niya ang ilang hibla na aking buhok at pinahiran rin ang aking mga luha.
"Magpahinga kana. Diba madaling araw pa ang byahe niyo? You should rest." Paalala niya.
Yes, immersion na namin bukas. At wala naman akong magawa dahil kailangan talaga sumama. Nahiga na ako and my mom give me a kiss on the forehead.
"Love you..." Nakangiti niyang sabi.
"Love you too mom..."
At lumabas narin siya ng kwarto.
.
.
.
.
.
.
2 am in the morning ang assembly time sa University. Yes, I know. Sobrang weird. Sino ba naman kasi ang babyahe ng ganito ka aga.
Tatlong bus ng University ang ginamit para lang sa immersion nato. Agad na kong naupo. Akma namang tatabihan ako ni Enzo pero buti nalang at dumating agad si Trixie.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomanceNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...