Chapter 5 Escape

3.4K 136 1
                                    

~Amber POV~

Nitong mga nakaraang araw, marami na akong nagawa para mabago ang desisiyon ni Dad pero wala talagang epekto. Sinabi kong may naiwan akong school records, naospital ang kaibigan ko, may pinagkakautangan ako dun at kailangan kong bumalik para bayaran, pati contract ng pagmomodel pineke ko na pero wala parin.

Ilang araw nalang ay mag-uumpisa na ang semester. Hindi ko na alam ang gagawin. Nauubusan na ako ng plano. Palpak ang plan A pati na ang plan B, plan C... Lahat na ata ng letter sa alphabet naubos kona.

Kanina pa ako palakad lakad dito sa kwarto ko. Napapakagat ako sa daliri sa kakaisip ng pwedeng plano.

Hindi pwedeng manatili ako dito. Hindi ko alam kung tatagal ako ng isang taon. Napapasabunot nalang ako sa sobrang frustration. I've been contacting Ashley and Stacey pero ni e-mail or message wala. There's one person I know that could help me. Maybe he can help me.

.

.

.

Tahimik lang kaming nagdi-dinner with mom and dad. As much as possible, ayokong mag-initiate ng conversation.

"Magha-hire ako ng PA para sa'yo." Pahayag ni Dad.

"No need, Dad. Kaya ko na ang sarili ko." Agad kong sagot. Mas lalo akong hindi makakagalaw pag ganun. Alam ko naman na kukuha lang si Dad ng PA para may tagasumbong sa kanya ng mga gagawin ko.

"You need someone na tutulong sa'yo." Saad niya.

"Dad, hindi na ako bata. Hindi ko na kailangan ng PA. Alam mo namang hindi ako sanay na may bumubuntot sakin sa mga lakad ko." Paliwanag ko.

"Exactly. I need to know your whereabouts." Sinabi na nga ba eh.

"Dad... pwede naman kitang i-text kung nasaan ako. If that's what you want na kailangan mag-report ako sa'yo oras-oras, gagawin ko. I don't need a PA." pagkumbinse ko sa kanya. Pumayag ka na!

"Okay. Mamili ka. Tatlong bodyguard or isang PA??" Talagang pinapili pa ako. Namaaaaaaan!

"What??! Dad... I said I don't nee-"

"Choose. Hanggang dito nalang kita pagbibigyan. Or gusto mo atang may tatlong bodyguard kana plus PA." Napaka-inconsiderate niya.

"Fine. PA kung PA." Agad akong tumayo at umakyat na sa kwarto ko.

Lahat nalang nang gawin ko dapat may approval niya. Nakakasakal na. Mas pipiliin ko nalang na magka-PA kaysa sa tatlong bodyguard na parang aso kung maka-buntot. Haist.

Its 8:00 in the evening. Nagdecide akong pumunta sa isang bar dito sa resort. I need some distraction para kahit sandali man lang ay makalimutan ko ang nangyayaring kamalasan sa buhay ko. Nakaupo lang ako dito sa bar chair habang nakasandal sa bar counter at umiinom ng cocktails.

Inaaliw ko nalang ang sarili sa panunuod ng mga nagsasayawan sa dancefloor. Maraming foreigners rin pala ang nagpupunta dito sa Resort lalo na at Friday night ngayon. Maya-maya pa ay....

"Care if I join you, beautiful?" Tanong ng isang mapang-akit na boses. Agad ko namang nilingon ang pinanggalingan nun.

Those define chickbones, dishy physique, sapphire blue eyes dazzle with surprise and a glimpse of interest and those smiles that only belongs to a charmer. His bass voice is a big part of his charming personality.

"Sure." Nakangiti kong sagot.

"I'm Carlos." Sabay lahad ng kanyang palad. With his tone, I can say that he's French.

Vencamino Elizalde Series: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon