~Amber POV~
Ilang linggo narin ang nakakalipas simula nang may muntik ng mangyari samin ni Gapo. I will never forget that night.
Naiiling at napapangiti nalang ako sa tuwing naaalala ko yun.
Nag aayos ako ngayon ng susuotin kong damit para sa dadaluhan naming party. Nakatanggap kami ng invitation last week galing kay Senor Elizalde.
Isang enggrandeng pagtitipon upang pormal na ipakilala ang kanyang mga tagapagmana. Gaganapin ito sa isang 5-star hotel.
Nakilala ko na si Senor Elizalde noong kaarawan ko. Pero hindi ko pa nakikilala ang mga anak niya. Minsan rin naikwento ni Dad na sa Spain sila naninirahan dahil nandun ang kanilang negosyo.
Maya maya pa ay tumunog ang phone ko.
"Yes Love, napatawag ka?" yep. Now you know who's calling.
"Na miss lang kita. Bawal ba tumawag?"
"Kind of busy right now. I need to decide which one to wear at the party. Nahihirapan ako pumili kung anong isusuot ko."
"Kahit ano naman isuot mo siguradong ikaw parin ang pinakamaganda sa party nayun."
She really cast a spell over me. Kahit anong sabihin niya, it put a smile on my face.
"Stop it Gapo. Nambobola kana naman."
"Nagsasabi lang ako ng totoo."
Hindi ko mapigilang hindi kiligin.
"I call you later pag nakarating na kami sa Hotel."
"Okay. Mag ingat ka Love."
"Okay. Love you." Sagot ko.
"Mas mahal kita."
At binaba na ang telepono.
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil maya maya ay aalis na kami papuntang Hotel. Dad booked a room there. So doon nalang ako mag aayos. For I know nag hire na naman siya ng makeup artist for me and Mom.
Pagkarating namin sa Hotel, dumiretso na ako sa room ko. Like Ive said. Naghihintay na doon ang make up artist ko.
Ilang oras din akong inayusan.
I'm wearing a simple burgundy cowl v-neck formal dress.
Maya maya pa ay sinundo narin ako nina Mom at Dad.
Dumiretso na kami sa venue ng party.
Marami nang mga bisita ang dumarating. And I recognize a few. Mga politiko kagaya ng Dad ni Sharry na isang senator. Oh I forgot to tell you, nandito rin siya kasama ng mga alipores niya.
Karamihan sa mga bisita ay mga mayayamang negosyante.
Nagsimula naring makihalubilo si Dad at Mom sa mga bisita and I was left alone.
Maya maya pa ay inabutan ako ng waiter ng wine. Kinuha ko nalang ito at lumapit sa isang table. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Gapo.
"Yes love... miss mo na agad ako?" Pambungad agad nito.
"A little." Napapangiting sagot ko.
"Kumusta ang party? Baka may umaaligid na sayo diyan hauh."
"A little boring. And for the record, ako nga lang mag isa dito. Ikaw ba ano nang ginagawa mo diyan?"
"Ito nag aayos nang lambat. Sasama ako papalaot mamaya kay tatay. Bukas narin ako nito makakauwi."
"Mag ingat ka." Tanging nasagot ko. Kahit na ayaw ko siyang payagan, wala naman akong magagawa.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomanceNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...