Chapter 21 Party

3.2K 153 16
                                    

Alright! Alright!

Eto na po!

This chapter is for YUMIYUMI @yumighaile.

eH Dahil narin sa kakulitan... alam niyo na... napaibig narin akong mag-update.

Enjoy! 

 

~Amber POV~

It's Sunday morning...

Niyaya ko si Gapo na magkita kami sa isang restaurant para sabay na kaming magbreakfast. Hindi naman pwede sa bahay kasi nga baka makahalata na sina dad at mom.

I want to spend my whole day with her pero hindi naman pwede.

We're having our breakfast ng pumasok sa restaurant ang isang hindi inaasahang kakilala. Agad itong napangiti ng napatingin sakin. Lumapit siya sa table namin at naupo sa tabi ko.

Nabigla ako ng hinalikan niya ako sa pisngi.

"Good morning princess..." Bati niya.

Agad namang nagsalubong ang mga kilay ni Gapo. Pinupukol na ng nakakamatay na titig si Enzo. Agad naglakbay ang kamay niya sa aking beywang...

"Get off, Enzo." Reklamo ko sabay tabig sa kamay niya.

"Okay... Sorry. It's like... you're not in the mood today." Pansin nito. Inirapan ko lang siya.

Napatingin siya kay Gapo...

"Oh! You're here too." Pansin ni Enzo na may mapang-asar na ngiti.

Pero hindi sumagot si Gapo.

"Chill out dude! Relax lang..." Sabay tapik ng dalawang beses sa braso ni Gapo. "Aga-aga ang init na naman ng ulo mo." Pagbibiro nito pero nanatiling seryoso ang mukha ni Gapo.

"So... are you goin' tonight sa party ni Sharry?" Tanong ni Enzo kay Gapo.

Napatingin pa sakin si Gapo...

"Hindi..." Sagot ni Gapo.

"Really? So ako nalang pala ang susundo sayo mamaya, princess..." Baling sakin ni Enzo.

"I'm not going to that stupid party. And please stop calling me that..."

"Why not? It's goin' to be fun. And besides... kasama mo naman ako. Ihahatid rin naman kita after the party."

"Stop Enzo... I'm not going..." Sagot ko.

"Bakit? Dahil ba hindi rin sasama tong alalay mo?"

Napasulyap ako kay Gapo na napatiim-bagang. Alam kong pinipigil lang nito ang galit.

"Sagutin mo nga ako. Ano bang meron sa inyong dalawa? May gusto kaba dito sa alalay mo?" Diretsang tanong nito.

Biglang tumalon ang puso ko sa narinig. Agad akong napatingin kay Gapo.

"No-Nothin'..." Halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

"Wala naman pala eh. So kailan mo ako sasagutin?" Prangka nitong tanong. "Amber matagal na akong nanliligaw sayo. Are you just giving me false hope?"

"Enzo... please... Not now."

Matagal pa ito bago sumagot. Marahil ay nawawalan narin ng pasensiya.

"Fine. Then sumama ka sakin sa party mamaya."

Umiwas ng tingin si Gapo na animoy hindi makapaniwala sa tigas ng mukha ng lalakeng to. Napaka presko niya naman kasi.

Vencamino Elizalde Series: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon