~Amber POV~
Pumasok na si Gapo sa banyo at dumiretso naman ako sa walk in closet ko. Napasandal ako sa cabinet at doon nakahinga ng maluwag. Aminin ko man at sa hindi... talagang nakokonsensiya ako sa gagawin ko.
I've never felt guilty before. Pero ng makilala ko ang pamilya niya, parang may kung anong kumurot sa puso ko. Nagdadalawang isip na ako kung gagawin ko ba o hindi. Pero ito yung tanging paraan para makabalik na ako ng US at makaalis sa lugar nato. That's what I wanted to happen in the first place. But now, mukhang hindi ko ata kayang gawin. Hindi ko kayang saktan siya.
Cause I know... There's something happening to me whenever I'm with her. I'm happy when I'm with her. For the first time, I felt those emotions that I've never felt before. Nararamdaman ko lang yun pag kasama ko siya. And it made the situation even worse dahil hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
Maya maya pa ay tumunog ang phone ko.
Ashley's calling...
Napabuntong hininga pa ako bago sumagot.
"Hello Ash."
"Amber! I have good news for you!" Halos pasigaw niyang sagot na halatang excited.
Lumabas muna ako dahil pumasok narin si Gapo sa banyo.
"What?"
"Tyler is going there to see you!" Agad niyang sagot.
"What?!"
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa narinig. Hindi agad nag-sink in ang sinabi niya.
Diba dapat maging masaya ako? Bakit kabaliktaran nun ang nararamdaman ko?
"Girl! Diba dapat maging masaya ka! Your prince charming will save you."
"But Ash... He doesn't have to go here. We have a plan. I can pull this off." Tanging nasagot ko pero ang totoo... I don't want him to go here.
"Tyler already knows about the plan. So pag nag-succeed ang plano natin, you and Tyler could go back here together. Konting tiis nalang Amber, makakauwi kana dito. We will do everything to bring you home. I promise."
Marami na kaming pinagsamahang tatlo at naging mabuting kaibigan naman sila sakin. Pero hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nila pag sinabi kong... I'm starting to like it here at nagdadalawang isip na ako.
"So... how's Gapo? May progress naba ang plan natin?" Tanong niya.
Sobrang kinakain na ako ng guilt ko ngayon.
"Yeah. Just... just give me more time." Tanging nasagot ko.
Pero... nagdadalawang isip talaga ako.
Maya maya pa ay naramdaman kong lumabas na siya ng banyo. Agad kong pinatay ang phone. Ni hindi na nakapag-paalam kay Ash.
"My turn." Inilapag ko ang phone sa side table at nagmadaling pumasok ng banyo.
Nakatapat ako ngayon sa shower. I need to clear my mind. Sa mga oras nato, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko cause I'm really starting to like it here... starting to like her.
Yes... aminin ko man at sa hindi... ako ang nahulog sa sarili kong patibong. Ito na nga siguro ang karma ko.
There's something in her that I can't resist. She made me feel those emotions that I've never felt before. Care... Sympathy... Contentment... Gratefulness... Jealousy... Love.
Lahat yun pinaramdam at pinaintindi niya sakin. Siya lang ang nagpagulo ng utak ko ng ganito.
For the first time... I felt jealous. Lahat ng sinabi ko sa kanya, totoo yun. Ayaw kong may umaaligid sa kanya. I know that I'm selfish... pagdating sa kanya.
BINABASA MO ANG
Vencamino Elizalde Series: The Lost Heir
RomanceNamulat na si Gapo sa simpleng buhay. Makulit, maloko, pero mahal ang kanyang pamilya. Ang tanging pangarap lang niya ay makapagtapos at matulungan ang kanyang mga magulang. Sa murang edad batak na ang katawan sa trabaho at papasukin ang anumang rak...