Chapter 20 Clash

4.6K 213 41
                                    


~Amber POV~

It's Saturday. And we have a class in NSTP.

Naging mabilis lang ang paglipas ng mga oras. Lunchbreak na nang mag-dismiss ang prof namin. Inayos ko na yung mga gamit ko.

"Tara. Iuuwi na kita." Wika niya sabay sukbit ng backpack niya.

"I don't want to go home pa." Tamad kong sagot sa kanya. "Ah! Samahan mo nalang akong mag-shopping." Bright idea ko. Tumayo na ako at hinila siya palabas ng kwarto. "Let's go."

Wala na siyang nagawa ng halos kaladkarin ko na siya papuntang parking lot.

Agad kaming sumakay at bumyahe papuntang mall.

Labas masok kami sa mga boutique para bumili ng mga damit, shoes at accessories. Magkabilang kamay na niya ang may bitbit na mga bag habang nakahawak pa ako sa braso niya.

Maya maya pa ay....

"Shane!" Biglang tawag ni Gapo sa isang babae.

Maganda, Sexy, maputi at makinis ang balat, matangos ang ilong, lagpas balikat ang itim nitong buhok na medyo kulot sa dulo at halos magkasing tangkad lang kami... 5'8''.

Lumapit kami sa babaeng yun.

"Gapo... Ba't nandito ka??" Agad niyang tanong. Agad tumaas ang kilay niya ng mapatingin sa kamay ko na nakapulupot sa braso ni Gapo.

"Laren... si Shane nga pala. Siya yung sinasabi kong sayong bestfriend ko. Shane, si Laren... ka-kaibigan ko." Hindi pa ata niya alam kung paano ako ipakilala.

"Ahhh! Yung pasaway na anak ng mga Williams na amo mo." Mukhang hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang to. May nahihimigan ako na parang hindi niya ako gusto.

"Shane..." Mahinang saway ni Gapo sa kanya.

"Nice to meet you, Shane." I manage a smile sabay lahad ng kamay ko.

"Nice to meet you din." Inabot naman niya ang kamay ko pero siya rin agad ang bumawi.

"At ikaw..." Sabay pingot sa taenga ni Gapo at hila papunta sa kanya dahilan para makabitaw ako sa pagkakahawak ko kay Gapo. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko... Ba't ka nandito?" Gigil na gigil niyang tanong.

"Aray! Aray! Shane! Bitawan mo muna ako.. Masakit! Shane!" Nabitawan ni Gapo ang mga hawak na shopping bags. Binitawan naman niya ang tenga nung isa. Napahawak nalang si Gapo sa namumula nitong tenga.

"Sinamahan ko lang si Laren na mag-shopping." Paliwanag nito.

Lumapit siya kay Shane at umakbay pa dito.

"Ikaw talaga. Ang init na naman ng ulo mo. Lumalabas na naman ang usok diyan sa ilong mo." Pagbibiro ni Gapo na hinawakan pa ang ilong ni Shane.

Isang malakas ng bigwas sa sikmura ang natanggap ni Gapo.

"Tigilan mo ako hah. Hindi maganda araw ko." Sita ni Shane.

"Ayan ka na naman eh. Nananakit ka na naman. May dalaw ka?" Reklamo ni Gapo na napapahimas sa sikmura na nasapol.

Kita ko kung gaano sila ka close sa isa't isa. Parang bigla nga akong nawala sa eksena eh.

"Para kang timang! Umayos ka nga Gapo. Andiyan pa amo mo oh. Nagpapakita ka na naman ng ka-abnormalan mo."

I know that it's their way of showing care and love for each other as bestfriends. Kitang kita na sobra silang malapit sa isa't-isa.

And I know na mahirap tumbasan yun.

Vencamino Elizalde Series: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon