"Sab, anong gagawin ko sa itlog?"
I glanced at Sabrina who was so stress doing her plates. Natapunan kasi ng kape ang plates na ginawa niya kanina kaya kailangan niyang umulit. Nilutuan ko na lang siya ng ulam kasi alam kong pagod na rin siya. Hindi ko rin naman siya pwedeng tulungan sa plates niya kasi hindi rin naman ako marunong mag drawing.
"Sab, are you listening?" I tried to catch her attention. "Ano bang gusto mong gawin ko sa itlog?"
"Ah, putangina, gawin mong manok!" Inis na sagot niya nang matapunan nanaman ng tubig ang plates niya.
"Highblood pa nga," Mahina akong tumawa nang makita ko ang stress niyang mukha.
She didn't respond. Kumuha ulit siya ng puting cartolina at inilapag sa drafting table niya para umulit muli. I badly want to laugh but I was just stopping myself so that she wouldn't get mad. She's so grumpy right now so I decided to be the 'good sister'.
"Sabrina if you're already tired, we can pay someone to do your plates," Sabi ko sa kaniya habang nagluluto ng manok.
"Huwag na, bigay mo na lang sa 'kin 'yung pera, sayang pa 'yan." Sagot niya habang inaayos ang tsquare.
I made a face. She was a dean's lister so she had to her plates alone. Ayaw niya magpatulong sa amin dahil baka raw ga-graduate siya na walang may natututunan. She was the youngest yet so matured when it comes to studies. Si Lee rin minsan. Minsan matalino minsan sarap sakalin.
"Here's your food, madam!" Sarkastikong sabi ko habang nilalapag ang pagkain niya sa tabi ng drafting table.
"O, ba't manok? Akala ko ba itlog?" Her brows furrowed as she stared at the food.
"E, tangina, sabi mo gawing manok tapos magrereklamo ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Maganda nga, uto-uto naman." Mahinang sabi niya habang kinukuha ang pagkain.
I rolled my eyes as I sat beside her. Kinuha ko ang plates niya pero pinitik niya ang kamay ko kaya kaagad ko namang ibinalik 'yon sa drafting table niya. Agad na napaangat ang tingin namin kay Lee na kakapasok lang ng bahay. He was holding book on the right and a cup of milktea on the other.
"Boyfriend mo nasa labas, bihis ka raw."
Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Agad akong tumayo para tingnan kung nasa labas nga ba talaga si Drix. Our gate was tall so I couldn't see his car. Nilingon ko ulit si Lee.
"Bakit daw ako magbibihis?" Tanong ko pa sa kaniya.
"Aba malay ko, ako ba boyfriend mo?" Pambabara niya sa akin.
Inambahan ko siya ng suntok pero umayos din ako nang biglang pumasok si Amanda. Tiningnan ko si Lee ng masama bago pinakyuhan. Tinawanan niya lang ako kaya mas lalong nag init ang ulo ko.
"Your boyfriend's outside, change your clothes daw bacause he's waiting." Sabi ni Amanda sa akin pagkapasok niya pa lang ng bahay.
"Bakit daw?" Tanong ko pa ulit.
"I don't know. I'm not Drix." Magkapatid nga sila ni Lee! Sarap pag-untugin!
BINABASA MO ANG
The Scenery In Italia (School Series #1)
Teen FictionSummer came and went, now the season's turned to autumn and leaves withered but there is beauty in death as there is beauty in endings. Maureen, a model, and also an actress, was once lost in Italy and was once found by someone she thought she would...