Chapter 21: Confession

696 25 11
                                    

Chapter 21

Monday na naman at syempre unlike sa ibang mga estudyante, masigla ako at hindi tinatamad. Of course, may inspiration eh. If I know kung hindi dahil sa baon ay dahil naman sa mga crush nyo kaya kayo sinisipag pumasok. Kinakabahan din ako kasi napagdesisyunan ko na ngayon ako aamin kay Gab. Actually, isang araw ko yang pinag-isipan simula nung sinuggest ni Adz.

Wala naman sigurong masama kung aamin ako, diba? Freedom country naman ang Pilipinas, it means pwedeng-pwede mong sabihin kung anong gusto mong sabihin. Pwedeng-pwede mong sabihin kung ano yung nasa isip mo, kung anong sinisigaw ng puso mo. Ayokong may pagsisihan sa bandang huli, kaya as long as may chance akong gawin o sabihin ang isang bagay.. gagawin at sasabihin ko. Alam nyo na life is too short kaya each day, gawin ninyong parang last day nyo na. Yung mga bagay na hindi ninyo pa nagagawa ,gawin ninyo na.

"Ocean deep ang titig kay Gab ah, matutunaw yan. "

"Ayyy GAB!! " Hooooh! Napatigil ako sa pagdadrama dahil kay Mels. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako at saktong sa kinauupuan pa ni Gab ako nakatingin. Idagdag mo pa na naisigaw ko ang pangalan niya dahil sa pagkagulat. Napatingin tuloy siya pati yung mga kachikahan niyang mga alipores niya. Buti naman kanya-kanyang chikahan yung mga kaklase namin at hindi nila narinig yung sigaw ko. Kung hindi naku! Asar na naman ang abot naming dalawa.

Mukha namang importanteng mahalaga yung pinag-uusapan ng Brendsen and mga alipores kasi hindi nila pinansin yung pagsigaw ko sa pangalan ng kanilang Gab. Pagkatingin sakin ay tinuloy na nila yung pagchichikahan nila. Haaaaay, mga lalaki nga naman.. kung makapagsabi na ang mga babae ay mahilig sa mga chismis, eh sila rin naman.

"Shunga mo talaga Mels! Nagulat tuloy ako eh.. " Panunumbat ko kay Mels na tumatawa . Nagsitahimikan naman ang mga kaklase ko at nagsiayos ng upo na akala mo'y mga anghel. Yung iba naman ay nagsibuklatan ng kanilang mga libro, feeling mga matalino.. if I know, kaya lang sila nagkaganun ay dahil dumating na si Mam. Tsk tsk tsk, estudyante nga naman.

"Good morning class."

"Good morning, Mam Ven. "

Nagdasal muna kami at after magdasal ay nagsiupo na ulit. Yung iba nagtuloy sa pagchichikahan. Syempre, magpapahuli ba naman ako?

"Hoy Aj! " Tawag ko kay Aj na seatmate ko.

"Oh bakit Jhaneia? " Tugon naman nya at inilapit yung upuan niya sa upuan ko. Sanay na ko diyan kay Aj, everytime na nagchichikahan kami inilalapit niya yung upuan niya sakin or yung upuan ko sa kanya. Kachikahan ko yan lagi eh, lalo na kapag bored na bored ako or kaya kapag may chika siya sakin about kay Gab. Kung si Elton partner in crime ko, si Aj naman reporter ko. Madaldal kasi si Aj pero kapag kasama niya ang Brendsen and mga alipores, hindi naman sya kadaldalan pero kapag kami ang magkausap ang daldal lalo na kapag tungkol kay Gab. Binubully kasi nila Gab, ewan ko ba sa mga yun mabait kasi si Aj. Siguro insecure sila kay Aj, gwapo kasi ang dami nga nagkakacrush pero hindi ako. Siguro nung una pero konti lang then nawala na nung nakilala ko na yung ugali niya, parang may pitik eh. Alam nyo bang pati yung siyam na turok niya sa braso chinichika niya sakin. Ganun daw kasi sa Korea, hala ewan ko dun. Enough na nga kay Aj.

"May tanong ako.. "

"Tungkol kay Gabs yan ano? " Then nagstart na naman siya sa panunukso sakin. Simula nung role playing incident na yun, hindi na nila ako tinigilan sa panunukso. Well, to be honest gusto ko rin naman. Aba ,syempre ganyan yung mga nababasa at napapanood ko eh. Yung tutuksuhin yung babaeng dun sa lalaki tapos madedevelop yung lalaki. Malay nyo ganun din ang mangyari sa amin ni Gab. Kapag umamin ako mamaya, malay nyo uamamin na rin siya. KYAAAAAAAH!! Naeexcite tuloy ako!

"Ha? Hindi ah! By the way, ito na.. what if may magconfess sayo na girl? Anong gagawin mo? " Siguro tama yung humingi muna ako ng opinyon sa iba, pero kasi nakapagdesisyon na talaga ako. Wala ng atrasan 'to.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon