Chapter 15: Walang hanggang pag-ibig

582 29 6
                                    

Chapter 15

Nandito ako sa kwarto ko, nakaupo sa kama at nag-eemote este gumagawa pala ng tula. Project kasi namin sa Filipino. Syempre, tungkol kay Akibabe yung ginagawa ko. Akala nyo kay Brendsen ano? Oo crush ko sya pero inis pa rin ako sa kanya.

Habang gumagawa ako ng tula, hindi maiwasan na magflashback sa isip ko yung mga nangyari. Kung paano ko nakilala si Akibabe. Kung paano ko sya naging crush. Kung paano ako nagselos sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Sa pagrereminisce ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan

Nakatambay kami ngayon sa corridor sa tapat ng classroom namin.

"Uy Jhaneia, si Akibabe mo oh may kasamang babae. " sabi ng kaklase ko sabay turo kay Akibabe at Jasmine na naglalakad at holding hands.

Akala ko ba binasted na ni Jasmine si Akibabe? Bakit magkasama sila at holding hands pa?

"Guys! Andyan na si Mam, pasok na! " sigaw ni kuya Rome ,ganyan kami eh kapag paparating na yung teacher, may tagabalita.

"Class, nagawa nyo ba yung project nyo? " pag-uusisa ni Mam

"Opo "

"Very good, sinong gusto maunang irecite ang ginawang tula? "

"Mam, si Jhaneia raw po." Nakng... Aish! Epal na naman itong Brendsen na 'to.

"Go Jhaneia!! " pagchicheer sakin ng mga kaklase ko. Dahil proud naman ako sa ginawa kong tula, nauna na nga akong magrecite.

" 'Walang Hanggang Pag-ibig'

Nang ika'y unang makita
Kakaibang tibok ng puso'y nadama
Tila yata nalove at first sight sayo
Mukha mo'y laging laman ng puso't isipan "

Naalala ko noon, grade 7 kami . Pinilit ako ng kaklase ko na manood ng elimination ng dance contest sa school. Bored na ko noon kaya nagyayaya na akong umuwi, kaso nang mapatingin ako sa stage.. may nakita akong anghel.

"Sa tuwing ika'y makikita
Puso'y tumatalon sa saya
Tuhod ay nanlalambot sa kaba
Nagiging sadista sa kilig "

Tanda ko nung grade 7 ako, umupo sila Akibabe sa tapat ng table namin. Grabe nung tumayo ako ,hindi ako makalakad. Yung tuhod ko, nanginginig. Feeling ko magbebreak down ako nun.

"Ngunit kahit anong aking gawin
Ako'y di mo mapansin
Ilang beses nang sinubukan na sayo'y magpapansin
Subalit hangin pa rin ako sa 'yong paningin"

Huhuhu , mag 1 year na pero hindi pa rin kinoconfirm ni Akibabe yung friend request ko :(

"Puso ko'y nasugatan ,nang aking malaman
Puso mo pala'y pag-aari na ng iba
Mga luha ay nagsiagos
Dahil sa sakit na dulot ng sugat

Sugat na di maghihilom kailanman
Pero ito'y aking pagtitiisan
Mabigyan lamang ng katahimikan
Ang puso kong naghuhumiyaw sa 'yong pangalan"

Ewan ko ba, pero nalungkot ako kanina nung makita ko na magkasama at magkaholding hands si Akibabe at Jasmine.

"Masaktan na kung masaktan
Pero isa lang ang pinakasisigurado
Na patuloy pa ring mamahalin
Ang lalaking kahit kailan ,pag-ibig ko'y di masusuklian"

Nang banggitin ko ang last stanza, bigla nalang may tumulong luha galing sa mga mata ko. Agad ko namang pinunasan para hindi nila makita. Siguro nga

--------+

Jc Cabrera yung nasa picture :)

@SimplyJmie

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon