Chapter 26: New Classmate

253 11 3
                                    

Chapter 26

Pagkatapos ng mga nangyari this past few days ay papasok na uli ako. Papasok na uli ako na parang walang nangyari. Papasok na uli ako na parang wa akong sakit. Sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko maiwasang malungkot. Hanggang ngayon kasi ang hirap pa rin tanggapin.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng Greenberg Academy, si Tean na tumatakbo papunta sa direksyon ko agad ang bumungad sakin.

"Lukaaaaaaaa!" Halos magtaob na kami dahil sa pagdamba niya sa akin.

"Bruha, easy lang!" Kung yakapin naman kasi niya ako parang ang tagal kong nawala. Kung ayos lang siguro kami ni Adz, siguro ganito rin ang magiging reaksyon niya katulad kay Tean.

"Luka, anong nangyari sayo nung Thursday? Bakit nawala ka? Tapos wala ka rin noong Friday." Pag-uusisa ni Tean habang papunta kami sa classroom ko.

"Ah, sumama kasi bigla yung pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Noong Friday naman nilagnat ako."

Buti nalang Thursday nangyari yun kaya hindi mahirap gawan ng palusot.

"Okay ka na ngayon?" Mukha namang bumenta sa kanya yung palusot ko.

"Yung totoo bruha, papasok ba ako ngayon kung hindi?" Sarkastikong sa ko.

"Sabi ko nga. Sige na luka pumasok ka na sa classroom nyo. Bababa na ako, sinigurado ko lang na makakaakyat ka ng matiwasay sa classroom nyo."

"Aww, ang sweet naman ng bestfriend ko hahahaha." Binatukan lang nya ako at umalis na. Bago ako pumasok sa classroom ay nakita ko si Adz sa may pintuan ng classroom nila. Nag-iwas agad siya ng tingin kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko naman sa classroom, sari-saring tanong ang sumalubong sakin.

"Neia, anong nangyari sayo?"

"Neia, okay ka lang?"

"Neia, kamusta ka? "

"Neia, bakit nawala ka nung Thursday? "

"Neia, bakit absent ka nung awarding?"

"Neia, bakit pumayat ka yata? "

Hindi ko na alam kung sino-sino yung mga nagtatanong. Hindi ko na rin alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong nila dahil sunod-sunod. Pero isang tanong lang ang nakapagpatigil sa akin at ikinagulat ko.

"Ms. Curly, namiss mo ba ako?" Napatingin naman ako sa nagtanong. Syempre sino pa ba? As usual yung epal na Gab na yun. Nang tingnan ko sya, parang bumalik yung sakit nang makita ko sila ni Enne nung thursday. Hindi ko nalang sya pinansin at naupo na ako sa upuan ko. Dumating na rin naman si Mam Ven.

"Before we start our discussion, I would like you to meet your new classmate." Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko. Halata rin sa kanila ang pagtataka. Sino ba naman kasing magtratransfer ng kalagitnaan na ng school year?

Tinawag na ni Mam sa labas yung transferee. Halos lumuwa yung mga mata ko nang makita ko kung sino yung bagong salta este kaklase namin.

"Okay Ms. Galang, you may introduce your self to them." Oo, tama kayo ng iniisip. Yung pinsan kong nakalunok ng microphone ang bago naming kaklase.

"Hi classmates! I'm Rhaiza Galang, you can call me 'Rhai' just like how my cousin called me." Tapos nagwink sya sakin.

"I hope we'll be friend agad-agad!" Mukha namang pasado sya sa mga kaklase ko.

"Ms. Galang, you can sit beside Mr. Manalo. Since Marie is absent, dun nalang sya sa tabi ni Mr. Chavez."

Bago pa man makaupo si Rhai, binigyan ko sya ng 'what-are-you-doing-here' look. Nagpeace sign lang sya at ngumiti.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon