Chapter 31: Tita Mama

223 10 0
                                    

Chapter 31

"Tara Gab doon tayo!" Sabi ko kay Gab habang hila-hila ko siya papunta sa Cooltura.

"Ano namang gagawin natin dyan?"

"Basta, huwag kang kj date natin 'to." Bigla naman nya akong tinignan ng kakaiba.

"Date huh?" Nakasmirk niyang sabi.

"Hala ewan ko sayo tara na!" Hinila ko na siya papasok at baka kung saan pa makarating yung usapan namin.

Puro mga kagamitan sa Pilipinas ang mga tinda dito sa Cooltura.

"Hoy Gab, mukha na ba akong Donya?" Pagtatanong ko habang pinapaypay ko yung abaniko na pamaypay.

"Idagdag mo 'to para mas maganda hahaha." Nilagyan nya ko ng scarf sa balikat ko.

"Gab, bagay sayo 'to!" Sinuot ko sa kanya yung salakot na nakita ko.

"Idagdag mo pa 'to Neia oh." Nilagyan niya ko ng panyo sa ulo ko na kulay red na kakulay ng scarf.

"Oy, aray ko naman! Ayusin mo naman." Pati kasi yung buhok ko naisasama niya sa pagtali ng panyo.

"Sorry na." Pagkatapos niyang mailagay yung panyo sa ulo ko siya namam yung nilagyan ko ng panyo sa leeg. Habang itinatali ko yung panyo, hindi ko mapigilang mapatingin sa labi niya. Binilisan ko na yung pagtali sa panyo kasi baka kung ano pang magawa ko.

"Game, tarang magpicture!" Pag-aaya ko sa kanya.

"Kung makapag-aya ka dyan, may cellphone ka bang dala?" Pang-aasar niya.

"Aish! Edi yung sayo." Ngingiti-ngiti niyang kinuha yung cellphone niya sa bulsa niya.

"Apat na shots ito. Huwag mong babuyin yung picture ha." Aba, ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito na sabihin sakin yun. Anong gusto niyang palabasin?

"Baka ikaw ang magmukhang shunga dyan!"

"Game na nga, 1..2..3..!" Pose kami ng pose at gaya nga ng sabi niya, four shots yun.

"Patingin nga!" Sabay agaw ko ng cellphone niya. Yung first shot, nakahawak siya sa salakot tapos ako naman ay nakahawak sa abaniko. Pareho lang kaming nakangiti sa picture. Sa second shot naman naka V sign kami. Sa third shot nakasuot ako ng salakot at nakapout habang siya ay nakatingin sakin at nakatawa. Sa last shot, hawak niya yung pamaypay at nakawink habang nakatingin ako sa kanya at nakatawa. Kung papipiliin ako, yung last shot ang pinakamagandang kuha namin, ang kulit kasi.

"Neia, buti naman hindi mo binaboy yung picture hahaha." Pang-aasar na naman niya.

"Epal ka na naman. Ipasa mo sakin yung pictures pag-uwi natin ha." Ang cute kasi talaga ng mga kuha namin.

"Sus, gusto mo lang ng picture ko. Sabihin mo lang sakin at bibigyan kita with autograph pa." Ang lakas talaga ng hangin ng isang ito.
---

Ilang araw na rin ang lumipas at masasabi kong nagiging close na kami ni Gab. Katulad na lamang ngayon imbes na nasa bahay ako ngayon dahil Linggo, nandito ako sa labas ng bahay ng mga Brendsen. Pinapapunta raw kasi ako ni tita Ivy. Kung nagtataka kayo kung bakit kilala ako ng mommy ni Gab, dinala kasi niya ako rito one time at nakachikahan ko yung mommy niya. Nagdoorbell na ako at may nagbukas naman agad ng gate.

"Buti naman at naisipan mo pang pumunta." Sarkastikong sabi ni Gab habang papasok kami sa bahay nila.

"Sino bang may sabu na hindi ako pupunta?" Bakit ba kararating ko lang nambwibwisit na agad siya? Buti nga pumunta ako, kung hindi lang talaga dahil kay Tita at sa kapatid niyang napakacute. Aaminin ko na nga, syempre dahil din sa kanya.

"9:00am ang usapan diba? 10:00am na oh." Ano bang problema niya? Isang oras lang naman akong late eh. Magalit siya kung hindi ako pumunta.

"Isang oras lang naman ah!" Sabay upo ko sa sofa nila. Sabi ni Tita feel at home lang daw ako rito kaya heto feel at home ako.

"Isang oras LANG?" Pagdidiin niya sa word na 'lang'. Ang laki ng problema ng isang ito.

"Ate Neia!" Napatingin naman kami sa napakacute na batang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Hey Enzo! Careful." Sabi naman ni Tita Ivy na hinahabol si Enzo. Nang makababa si Enzo ay agad siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"I miss you ate Neia." Tapos kiniss niya ako sa cheek. Aww, ang cute talaga ng batang ito.

"I miss you too,Enzo" Niyakap ko rin siya tapos kiniss. Nagulat ako nang pagtingin ko sa puwesto ni Gab ay wala na siya.

"Naku baby, nagselos yata yung kuya mo." Natatawang sabi ni Tita habang sinusundan ng tingin si Gab na umaakyat.

"Mom! Narinig ko yun!" Sigaw niya nang makarating siya sa taas.

"Of course son, maririnig mo nga yun because you have ears." Napakamot nalang sa ulo si Gab at pumasok na sa kwarto niya habang kami ay tumatawa. Ang cool ni Tiya, namimiss ko tuloy si mama.

"So, anong gusto ninyong gawin?" Pagtatanong ni Tita na masiglang sinagot naman ni Enzo.

"I want to bake!" Excited na sagot ni Enzo.

"Sure, and Neia you told me that you want to learn how to bake then I will teach you now." Naexcite naman ako sa sinabi ni Tita.

"Yey! Let's start na po Tita!" Parang bata kong sagot na ikinatawa ni Tita.

"Tita, saan ninyo po pinaglihi si Gab?" Out of nowhere kong tanong habang nagpreprepare kami ng mga gagamitin sa pagbebake ng cupcakes.

"Bakit mo naman naitanong, hija?" Balik na tanong ni Tita na ngayon ay naghahanda na ng ingredients.

"Curious lang po ako, ang gaspang po kasi ng ugali eh." Natawa naman si Tita sa sagot ko.

"Ikaw talagang bata ka." Kinuha ko yung hinahalo ni Tita at ako naman ang naghalo.

"Grabe po kasi talaga yung ugali ng panganay ninyo, nakakasuklam po talaga. Pero friends na naman po kami ngayon." Sabihin ninyo na na feeling close ako pero ang gaan lang talaga ng pakiramdam ko kay Tita Ivy. Inilagay na ni Tita sa pan yung hinalo ko pagkatapos ay inilagay sa oven.

"Kakaiba ka hija, I like you." Pagkasabi niya nun ay binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti.

"Hala! You like me Tita? Hindi po tayo talo." Naguguluhan kong tinignan si Tita. Gusto niya raw ako? Ano bang sinasabi ni Tita? Buti pa siya gusto niya ako pero yung anak niyang magaspang ang ugali ay hindi.

"What are you saying hija? It's not what you're thinking. I mean, I like you as a person and not romantically." Pagkatapos niya sabihin yun ay napatawa siya. Ako naman heto nakanganga.

"You're an ideal daughter, Neia. I want to have a daughter like you." Hibawakan niya yung kamay ko. Tinignan ko siya sa mga mata at nakita ko yung lungkot. Siguro nalulungkot siya na hindi siya nabiyayaan ng isang anak na babae. Hinawakan ko rin yung kamay niya at ngumiti bago ako nagsalita.

" Pwede ninyo po akong maging anak-anakan." Napapalapit na ako kay Tita at gusto kong mapasaya siya kahit sa ganun na paraan. Kung ang magkaroon ng babaeng anak ang makapagpapasaya sa kanya, kahit anak-anakan lang atleast maranasan niya na magkaroon ng anak na babae.

"Sinabi mo yan ha?" Naeexcite niyang sabi.

"Opo, tita mama."

-------
Simple Note:
Annyeong~ Sorry sa loooong update. Babawi na talaga ako promise. Naghahanap pala ako ng admins, if you're interested just pm me. Kamsahamnida~

Follow me on twitter @jhamluka

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon