Chapter 27: Start of GaNeia's friendship

236 8 3
                                    

Chapter 27

Sa palagay ko ito na yung pinakamahaba at pinakamaayos naming pag-uusap, kaya naman gusto ko nang samantalahin.

"Ahh... Gab, may itatanong ako." Sinenyasan naman niya ako na ituloy ko.

"Bakit... bakit lagi nalang ako?" Mukha namang nagets niya yung gusto kong iparating.

"Pikon ka kasi hahaha!" Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagets niya na gusto ko ng seryosong usapan.

"Si mom laging pinagbibintangan si dad na may ibang babae." Nag-oopen ba siya?

"Si dad naman mukhang napikon na kay mom at sinabing magdivorce na sila. Hindi ko na maramdaman na buo ang pamilya namin." Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para hawakan ang kamay niya. May naramdaman naman akong tumulong tubig sa kamay ko. Umiiyak ba siya? Kasi hindi ako sanay. Hindi ako sanay sa Gab na kasama ko ngayon. Ngayon ko lang nakita ang soft side niya.

"Pinagtritripan kita lagi kasi sa tuwing ginagawa ko yun, pakiramdam ko nakakatakas ako sa problema ko sa bahay. Nakakatuwa ka kasi kapag napipikon ka. Ang pikon mo kasi." Bwisit itong lalaking ito ah, nakakatuwa raw ako tapos pikon daw ako. Pasalamat siya hinahayaan ko siya na magdrama. Tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya.

"Nakakatuwa ka nga eh kasi parang wala kang problema." Akala mo lang yun Gab pero ang totoo ang laki ng problema ko. Yung problema mo nga posible pang masolve, pero yung akin mukhang 50/50.

"Hindi ko alam kung anong meron sa mga ngiti mo nakakahawa eh, ang saya-saya." Lapastangan ako kung hindi aaminin na kinikilig ako. Kasi naman eh napapansin nya ang mga ngiti ko. Pero ganun ba talaga ako kagaling magtago ng tunay kong nararamdaman?

"Oyy Brendsen, tumigil ka na nga diyan! Hindi ako sanay eh."

"Ikaw kasi nagsimula." Kasalanan ko bang yung pagtatanong ko ay mauuwi sa pagdradrama niya.

"Malay ko bang ganun yun." Natawa nalang kaming dalawa.

"Gab, gusto kitang tulungan mapag-ayos ang parents mo. Para naman hindi mo na ako pagtripan. Pero seryoso sa gusto mo man o sa gusto, tutulungan kita PROMISE." Ewan ko ba kung bakit ko yun nasabi. Basta ang alam ko lang gusto ko siyang tulungan dahil nakikita kong importante sa kanya ang pamilya niya. Pero paano ko naman gagawin yun? Aish, ewan basta gagawin ko.

"Ang dami mo talagang alam." Tapos ginulo niya yung buhok ko. Inabot ko yung right hand ko sa kanya.

"Friends? " Hindi niya tinanggap yung kamay ko at sa halip ay nagsalubong na naman ang mga kilay niya at humaba ang nguso. Ang cute niya kapag ginagawa niya yun.

"Friends na tayo?" Pag-aayos ko ng tanong ko kasi hindi niya yata nagets nung una eh.

"Friends na naman tayo ah. Kaibigan naman ang tingin ko sayo." Ouchy naman yun, kaibigan lang. Hindi ba pwedeng lagpas pa? Echos lang pero seryoso kaibigan na tingin niya sa akin ng lagay na yun? Wow ha!

"Ano, as a start ng new friendship kasi diba lagi tayong nag-aaway. So, friends na tayo?" Inabot ko uli yung kamay ko at this time hinawakan na niya.

"Friends."

"Neia..." Teka.. nabingi na yata ako. Tama ba yung narinig ko na tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi 'Ms. Curly' o kung ano pa man na trip niyang tinatawag sa akin?

"Ahh ano, yung ano.. about sa family ko.." Parang hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin pero nagets ko naman.

"Yeah, you're secret is safe w- WAAAAAAAH!" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang namatay yung ilaw. Ngayon ko lang din napansin na umuulan pala. Biglang kumulog ng malakas at kumidlat.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon