LMMES v.2: Searching Hearts prologue

129 1 6
                                    

Prologue

Anniversary ngayon ng Greenberg Academy kung saan ako nagtapos ng highschool, kung saan nabuo ang mga magagandang alaala ko kasama siya at ang mga kaibigan namin, at kung saan unang tumibok ang puso ko. Apat na taon na ang nakalilipas nang huli akong tumungtong dito at iyon ay noong graduation namin. Wala talaga akong balak na dumalo sa grand ball para sa mga alumni ng Greenberg Academy na parte ng pagdiriwang ng 100th anniversary ng school kung hindi lamang ako pinilit ng mga kaibigan ko.

"Ano Gab tutunganga ka nalang ba diyan? Come on let's have some fun!" Pag-aaya sa akin ni JC na umiindak pa sa tugtog na Despacito. Napatawa nalang ako dahil wala pa rin itong pinagbago katulad pa rin ng dati.

"Look at those jerks enjoy na enjoy oh." Pagtutukoy ni Rome sa anim pa naming mga kaibigan na animo'y mga kandidato na naglilibot at palipat-lipat sa mga table.

"Cr lang ako mga pre." Pagpapaalam ko sa kanila and they just nodded at saka nakisama na rin sa iba pa naming mga kaibigan.

I'm on my way to the restroom nang may makabanggan ako dahilan para mahulog ang kanyang maskara, Masquerade kasi ang theme ng party. Pinulot ko iyon at halos tumigil ang mundo ko nang masilayan ko ang mukha ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Thank you." Namamalikta lang ba ako? Pero hindi ako pwedeng magkamali, siya ang babaeng unang nagpatigil ng mundo ko at nagpatibok ng puso ko. Hahabulin ko pa sana siya ngunit dinumog na siya ng mga tao.

"Gab." Tawag nang babaeng humawak sa kamay ko. "Nakita ko siya." Wala sa sarili kong sambit.

"Gab, anim na taon na siyang wala." Sa pagkakataong iyon ay nilingon ko siya at bakas sa mga mata niya ang sakit at lungkot.

"Siya pa rin ba?" Pagpapatuloy pa niya. I don't want to hurt her but what else can I do if I really can't love her back? Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"I'm sorry. I still love her so much." Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya, tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.

Anim na taon na ang lumipas pero iisang babae pa rin ang nilalaman at sinisigaw ng aking puso. Tanging siya pa rin ang may kakayahang magpatigil at magpasaya ng aking mundo.

She's gone in just a blink of an eye but my love for her is still warm. I'm dying to see her again, to hold her and laugh with her again just like before. I'm still waiting for her eventhough it's impossible for her to come back.

---------------

SimpleNote: Annyeonghaseyo my LMMES babies! Yeah, you read it right the version 2 of Loving My Mortal Enemy Secretly is entitled "Searching Hearts". You can check it in my works or I'll just put the link sa comment box. So ayun I just need you to trust me with this, promise hindi ko kayo bibiguin. Same characters, same plot pero may mga madadagdag at mas pinaganda and yung mga nangyari sa LMMES ay nasa Searching Hearts din.

I hope suportahan ninyo ang mas pinagandang story ng GaNeia :) Kamsahamnida~ Saranghae~ (finger hearts)

~SJ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon