Chapter 33: The Present and the Lover

317 9 10
                                    

Chapter 33

Kalalabas lang namin sa simbahan nang may tumawag kay Gab.

"Gabriel!" Napatingin kami sa may bandang kanan namin kung saan nanggaling ang boses ng tumawag. Si Julia yung tumawag at kasama niya si Enne. Nilapitan ni Gab yung dalawa habang kami naman ay pumunta na sa pinagparkingan ng kotse. Maya-maya lamang ay dumating na si Gab.

"Hi Tita!" Kasama pala niya si Enne.

"Ma, isasama ko si Enne." Pagpapaalam ni Gab na sinang-ayunan naman ni Tita Mama. Akmang sasakay na si Adam nang pigilan ko siya.

"Ah Adam, pwede bang ikaw nalang doon sa back seat?" Nag-aalangan kong pakiusap. Binigyan naman niya ako ng kakaibang tingin na para bang nang-aasar.

"Sure." Halos magtatalon ako sa tuwa ng pumayag siya. Bago ako pumasok sa kotse ay nakita ko pang pinagbuksan ni Gab si Enne ng pinto. Ano pa bang ieexpect ko, malamang pagbubuksan niya kasi MU sila. Ang puwesto namin ay si Tita Mama ang nagdradrive, sa tabi ng driver's seat kami ni Enzo nakaupo. Ewan ko ba kung anong napakain ko sa batang ito at sobrang lapit na ng loob sa akin, inienglish naman ako palagi. Sa backseat naman si Gab, Enne at Adam. Kaya ayoko na umupo sa backseat kasi alam ko na magiging awkward lang. Siguro ako lang naman ang makakaramdan ng awkwardness.

"Tita Mama, hindi na po pala ako sasama. Idaan ninyo nalang po ako sa may kanto namin." Napatingin kasi ako sa rear mirror at napansin kong iba yung tingin ni Enne sa akin, hindi nga niya ako binati kanina eh. Hindi naman ako shunga para hindi maramdaman at mapansin na ayaw niya na nandito ako.

"You have a promise to me, right? Another thing is sa isang Korean Restaurant tayo kakain, mahilig ka sa Korean foods diba?" Bigla namang nagliwanag ang mga mata ko ng sabihin ni Tita Mama na sa isang Korean Restaurant kami kakain. Pasensyahan nalang muna ngayon Enne, control yourself  nalang kung asar ka talaga sa akin. Korean foods ang pinag-uusapan dito eh and there's nothing can stop me.

"Talaga po Tita Mama? Malapit na po ba?" Excited kong tanong, sino ba naman ang hindi maeexcite kumain lalo na kung paborito mo?

"15 minutes away pa." Natatawabg sagot ni Tita Mama.

"Ate Neia, you didn't say 'I love you' back to me." Nakasimangot na pagrereklamo ng napakacute na batang katabi ko.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

"Kanina sa mass, the priest said sabihan daw ng I love you ang mga katabi. But you just ignored me." Ang cute naman magtampo ng batang ito. Parang yung kuya lang niya kapag naguguluhan, kumukunoy ang noo at humahaba ang nguso.

"I'm sorry, may iniisip lang kasi si ate kanina. Anyway, I love you Enzo." Ngumiti na siya at niyakap ako. Pero teka, kaya ba ako sinabihan ni Gab ng 'I love you' kanina dahil sinabi ng pari na sabihan ang mga katabi? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pari kasi dahil sa kanya sinabihan ako ng taong mahal ko ng 'I love you' o magalit kasi umasa ako na may feelings na rin sa akin si Gab.

Tinignan ko si Enne at Gab sa rear mirror at ang sweet nila. May pinapanood yata sila sa phone ni Gab. Share sila sa earphone tapos nakatingin sila sa phone. Nakayakap si Enne sa braso ni Gab. Grabe sila maka-PDA ah, parang sila lang dalawa ang tao. Bakit ko nga ba naisip na sasabihan ako ni Gab ng 'I love you' romantically? Minsan iniisip ko kung tamavpa ba itong ginagawa ko o gumagawa lang aki ng bagay na ikasasakit ko. Sa bawat araw kasi na nagiging close kami mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Sa bawat araw na napapalapit ako sa kanya, nalimutan ko na may 'Enne' nga pala. Nalimutan ko na may mahal nga pala siyang iba. Tama pa ba na naging close kami o mas mabuti na nanatili nalang kami as enemies?

"We'te here!" Naoabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Tita Mama. Pagpasok namin sa restaurant ay mafifeel mo agad ang ambiance ng Korea dahil sa interior design. Agad naman kaming nakahanap ng tabe. Nasa gitna ni Gab at Adam si Enne habang katapat ko naman si Gab at nasa gitna namin ni Tita Mama si Enzo.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon