Chapter 18
"What is the square root of 121? " pagtatanong ni Mam Marj
Math nga pala ang subject namin ngayon at himalang hindi ako inaantok.
"Mam, ako po!" Pagvovolunteer ko
"Oh Jhaneia "
"11 po " Confident kong sagot
"very good "
Ang puwesto pala namin ngayon ay lahat ng upuan ay dikit-dikit. Tapos sa likod ay walang nakaupo, except sa Brendsen at mga alipores. Katabi ko si Kirstel at Danna. Ganito kasi kami kapag time ng math, pwedeng lumipat ng upuan kahit saan mo man gustuhin. Kahit anong posisyon ng upuan mo ayos lang. Mabait kasi si Mam Marj, tsaka new teacher sya. Tahimik ang lahat at nakikinig sa tinuturo ni Mam nang may marinig kaming upuan na tumalsik.
"AAAAAHHHHHHH! " Agad kaming napatingin sa likod kung saan nanggaling yung sigaw at yung upuan na tumalsik. Tumambad samin si Gab na nakatakip ng panyo yung mukha at parang nanlalambot.
"Anong nangyari dyan? " pag-uusisa ni Mam
Hindi naman maalis yung tingin ko kay Gab na nanghihina.
"Hinawakan po ni Gabs yung saksakan tapos naground. " pagpapaliwanag ni kuya Rome
Yung saksakan kasi sa likod sira. Shunga lang talaga yung magtatangkang hawakan yun. Haaaay, ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote niyan at nahawak-hawakan yung sirang saksakan. Nang tanggalin ni Gab yung panyo sa mukha niya ,napansin kong namumutla siya kaya naman nataranta at kinabahan ako.
"Hoy! Dalhin nyo na si Gab sa clinic!" Natataranta kong sabi kaya naman napatingin sila sakin . Binigyan ko naman sila ng 'anong-problema-look' . Kasi naman , yung mga alipores niya nakatunganga lang . Hindi man lang matanong si Gab kung ok lang ba siya.
"Cyron, samahan mo si Gabriel sa clinic." Utos ni Mam, inalalayan naman ni Cyron si Gab.
"Pota ! Hahahaha, ang galing umarte ni Gab ." Sabi ni Axis nang makalabas na sila Gab. Binigyan naman siya ng mga kaklase namin ng 'talaga-look'.
"Hindi nga pre, arte lang yun ni Gabs?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aj.
"Oo hahaha ,ang galing ng pota!" Patuloy pa rin sa pagtawang sagot ni Axis.
"Hindi kaya! Namumutla nga si Gab eh..." Pagtatanggol ko ,hindi ko na napigilan na sumabat sa kanila. Kitang-kita naman kasi na namumutla na si Gab tapos sasabihin pa ni Axis na umaarte lang si Gab. Naturingan pa man din na kaibigan.
"Ayiiieeeeeeeeeeee! " pang-aasar ng mga kaklase ko
"Naks naman si Ms. Curly oh ,pinagtatanggol ang Gabs namin ." Pang-aasar pa ni Elton
Haaaaay, ito na naman po kami . Sanay na ko ,konting ano lang mang-aasar na sila. Sinaway naman sila ni Mam kaya nagsitigil na at nakinig ulit sa tinuturo ni Mam. Maya-maya lamang ay dumating na si Cyron pero wala si Gab... Agad naman siyang inusisa ng mga alipores ,pero pabulong lang kasi baka marinig sila ni Mam at mapagalitan. Dahil nasa likod lang namin sila , rinig ko ang mga pinag-uusapan nila.
"Cyron, anong nangyari kay Gabs?" -Jc
"Nakuryente nga talaga?" -James
"Nasan si Gabs?" -Jan
"Sabi ni Axis arte lang daw yun ni Gabs, totoo nga?" -Elton
"Namu--- " hindi na naituloy ni Aj yung sasabihin niya kasi pinutol na siya ni Cyron. Hindi ko naman masisi si Cyron kasi inulan na nga naman siya ng mga katanungan ng mga kaibigan niya.

BINABASA MO ANG
Loving My Mortal Enemy Secretly
Fiksi RemajaThis story is about a girl and a boy who really hate each other.Mapatunayan kaya nila na 'The more you hate, the more you love' o habang buhay ng may world war sa pagitan nila ? Mainlove kaya sila sa isa't isa o may makakaranas ng ONE-SIDED LOVE...