Chapter 6: Hindi pwede

776 63 29
                                    

Chapter 6

Dahil super duper GV ako ngayon , pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay binati ko silang lahat ng isang .....

"GOOD MORNING ! Mga MAGAGANDA at mga GWAPO kong mga kaklase ! ^_^". with matching wide smile pa yan xD

"Woooooooooh !" sigaw naman ng mga kaklase ko

"Ano ba yan ! Agang-aga sumisigaw."

Hindi ko nalang pinansin si Brendsen , kasi ayokong masira ang mood ko.

"Oi Jhaneia , iba ang ngiti mo ngayon ah !" Nginitian ko lang si Mels.

"Eh kasi naman , nakausap nya kahapon si Akibabe nya xD" -Marie

"Share ! Share !" Sigaw nila Mels, Irene at Lea.

Kinuwento ko naman sa kanila at kilig na kilig sila.

"Kyaaaaaaahhh ! Hindi pa rin ako makaget over !" sigaw ko

"Ang landeeeeee !" -Epal

Tinignan ko si Brendsen at inirapan.

"Oh bakit ka nang-iirap ha, Ms. Pikon ??" -Epal

"Bakit hindi mo itanong sa napakaepal mong sarili huh ?????"

Kung kanina hindi ko sya pinansin... ngayon , hindi ko na sya palalampasin. Sabihan ba naman akong 'malandi' ! Aish !

"Hindi naman ikaw yung sinasabihan kong 'malandi' ah ... Yung nakasalubong namin kanina, diba ?" at nagsang-ayon naman ang kanyang mga alipores

"Teka ... natatamaan ka ba ??" pagpapatuloy pa nya

"Ang kapal ng face mo ! Ako naman talaga yung sinasabihan mo !"

"Sus ! Sapul ka lang.....,"

"aish ! ep-----"

"Good morning , class."

Kung hindi lang dumating si Sir Ian, hindi kami titigil dalawa sa pagsasagutan.

"Good morning, Sir Ian"

"Class, magkakaroon tayo ng activity ngayon na related sa ating lesson." -Sir Ian

Yey ! yan ang gusto ko eh , laging activity xD

"Tumayo yung class president, vice-president, secretary at treasurer." -Sir

tumayo naman kami

"Ganito, hahatiin ko ang klase sa tatlong grupo. Mga bulag, pipi at pilay. Mels , dahil ikaw ang president .. sayo ang mga bulag , Gab sayo naman ang mga pipi at mga pilay sayo , Robi." -Sir

luhhh... bakit ako wala ???? :3

"Sir ako po ???"

"Nakablind fold ka Jhaneia, kailangan mong mahanap sila Mels, Gab at Robi. Sayo nakasalalay ang activity na 'to. Kayo naman mga bulag, pipi at pilay, kailangan nyo makapunta kina Mels,Gab at Robi. Kapag nahanap na ni Jhaneia yung tatlo in 30 mins. may plus kayo sa monthly test." -Sir

Oh my G !!!!

"Magplano na kayong 4 habang ginugrupo ko ang mga kaklase nyo." -Sir

Pumunta kami sa may likod para magplano.

"Oi ayusin mo Ms. Pikon huh." ang epal talaga ng Brendsen na 'to .!

"Epal kaaaaa!"

"Ganito, Jhaneia ... doon ako pupwesto sa left side ng gym .Tapos ikaw naman Robi , doon ka sa right side at ikaw Gab doon ka sa harap ng stage. Gets ?" pagpapaliwanag ni Mels

"Got it !"

"Okay class, tara na sa gym." Pagkasabi ni Sir , nagsilabasan na agad sila. Kami nalang ako, si Mels at si Epal nalang ang natira.

Kinapa ko yung bulsa ko at OH MY !!! wala akong panyo ! Naiwan ko ata :3

"Mels, pahiram naman ng panyo mo..."

"Oh ..."

"Ano 'to ?"

"Akala ko ba matalino ka ? Hindi ba obvious na PANYO yan ?? tsss. tara na sa gym"

O.O Kahit kailan talaga yung epal na 'yon ! Gusto ko lang naman itanong kung bakit pinahiram nya sakin yung panyo nya , eh hindi naman ako sa kanya nanghihiram . Nauna na syang bumaba, kami naman ni Mels naglalakad na. Inamoy ko yung panyo nya.... at ANG BANGO shet ! xD Kaadik hahaha :D

after 123456789 years nakarating din kami sa gym xD

"OK class, bumilog kayong lahat except sa inyong tatlo .(referring to Mels, Gab and Robi) Ikaw Jhaneia , sa gitna ." -Sir

Bumilog na nga sila at nagblind fold .Ako naman pumunta na sa gitna ng circle at nagblind fold na rin.

"Your 30 minutes will start now." -Sir

Grabe wala akong makita :3 Malamang nakablind fold nga diba ? Ano ka ba naman Jhaneia xD Naglakad muna ako papunta sa right kung nasaan si Robi.

"Diretso lang Jhaneia !" 'Robi

Kapa.Kapa at yun !

"Robi ikaw ba yan ??"

"Oo , diretso ka lang ha. Andun si Mels sa may bleachers." 'Robi

"Gege"

Naglakad na ulit ako papunta kay Mels. Lakad.lakad.lakad.

"Oi Mels, asan ka ?"

"Andito ako Jhaneia, lakad ka ng kaonti pa." Ayun nga nahanap ko na sya. Si Brendsen nalang :))

Lakad.Lakad.Lakad.

"Aray !"

"Ay, sorry Jhaneia ..." nabangga kasi ako ng kaklase ko :3

"Oks lang..." Lakad ulit at may nahawakan akong ulo.

"Sino 'to ? Brendsen ikaw ba yan ??"

"Oo ako 'to" O.O dug.dug.dug.

Hinawakan lang naman nya kamay ko ah ... bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ??

Nagsilapitan na sila kay Sir at ako .... naiwang tulala at hawak ang panyo ni Brendsen. Bakit ganito ang nararamdaman ko ?? Hindi 'to pwede...

----------

Please Vote , Comment and Share :))

Follow me on Twitter @JhamLukaWP and wattpad @SimplyJmie

thanks po ^_^

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon