Chapter 20: Tagasalo

537 23 1
                                    

Chapter 20

Jhaneia's POV

* ting ting ting munchawasayo *  [A/N: Ringtone po yan, munchawasayo = you have a message ]

Binasa ko muna yung message bago ako magbihis, for sure si Baliw na naman 'to. Tama nga ako siya nga.

From: Baliw
Lukaaaaa! Where are you na? Pakibilis nga po -.-

Haaaaay, naku! Ito na nga diba nagmamadali na kong magbihis. If I know, excited na excited baliw na 'to na makita yung 'babe' niya. Eeeeeww kaya! Ang jeje ng tawagan nila, ano yun baboy sila ganun? Pipili na nga lang ng tawagan ,yung jeje at pambaboy pa. Hindi sa bitter ako pero totoo naman eh.

Nagmadali na akong magbihis ,simpleng jeans at pink tshirt tapos converse
lang ang sinuot ko. Sasamahan ko lang naman kasi si Adz na makipagkita dun sa David na yun. Dali-dali ko kong kinuha yung dangling bag ko at lumabas para maghintay ng tricycle. Malapit lang naman kasi kami sa plaza kaya tricycle lang. Sa plaza kasi ang meeting place namin, nakasakay naman agad ako.

May nagtext na naman , hindi ko na binasa kasi for sure si Baliw na naman yun. Actually, hindi ako tinigilan ng babaeng yun. Halos maglog na nga yung cellphone ko sa sunod-sunod niyang mga text. Kami lang palang dalawa, hindi makakasama si Bruhang Tean kasi may pupuntahan daw sila, family bonding. Hindi ko naman pwedeng hayaan si Adz na mag-isa, mahirap na kung ano pang mangyari sa Baliw na yun.

Naiinggit nga ako kina Bruha, kasi sila nakakapagbonding ng family niya. Eh kami hindi ko na nga matandaan kung kailan kami huling nagbonding ng family ko. Bukod sa nasa Korea nga si mama, eh hindi kami in good terms ni papa. Bago pa ako umiyak dito, nakarating na ako sa plaza.

"After 10 centuries, nakarating ka rin Luka. " Sarkastikong sabi ni Baliw sabay tayo sa kinauupuan niyang bench.

"Ang aga-aga pa kaya Baliw! Masyado ka lang excited kaya tingin mo ang tagal ko, 9:30 pa lang kaya oh. " Sabay pakita ko sa cellphone ko.

Masyado kasing praning itong bestfriend ko. Sabik na sabik makita yung 'babe' niya.

"Eeeeeew "

"Ha? Anong 'eeeew' luka? "  Ay, hindi ko namalayan nasabi ko pala ng malakas yung nasa isip ko. Enebeyen...

"Ah, walaaa yung nakita kong post sa fb kadiri. " Bumenta naman sa kanya yung palusot ko.

Arrrrggggh! Hindi ko talaga matake yung endearment nila. Ito kasi yung unang beses na magkikita sila in person kaya excited na excited si Baliw. Subukan lang talagang saktan nung David na yun ang bestfriend ko. Mapapatay ko talaga yung lalaking yun.

Sumakay na kami ng jeep ni Baliw. Sa Mall daw muna kami, tutal malapit lang naman daw yung bahay nung David na yun sa Mall. Bibili raw kasi si Baliw ng ireregalo niya para sa lalaking yun. Ewan ko ba sa babaeng 'to magkikita lang naman sila ,kailangan may regalo talaga? Siya nga yung babae kaya dapat siya ang bibigyan ng regalo. Hindi yung siya pa ang magbibigay. By the way, mayaman naman sila eh pero hindi pa rin tama. Haaaay, bahala nga siya.

Siguro mga 30 minutes bago kami nakarating sa Mall. Medyo malapit lang kasi kaya mabilis lang.

"Luka , anong ireregalo ko kay babe? " Dahil sa pagbanggit nya dun sa 'babe' ,natalapid ako.

"Ano luka, ok ka lang? Hahaha " Natatawang tanong niya.

"Yeah, I'm okay.." basta huwag mo nalang babanggitin yung word na 'babe'. Gustong-gusto ko yung sabihin kaso hindi ko masabi, mamaya iwan pa ko ng babaeng yan dito sa Mall. Hindi pa naman ako maalam magcommute. Yeah, hindi ako marunong, hindi naman kasi ako gala. Hindi rin ako marunong tumawid, nakakatakot kaya. Sumasabay lang ako sa maraming tao. Karaniwan kasi nasa bahay lang ako.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon