Chapter 35: First on the list

354 10 6
                                    

Chapter 35

Maaga pa lang ay gising na kami para ihanda ang mga dadalhin namin sa opening. Tumulong din kami sa pagluluto ng mga pagkain. Katulong namin ang parents ni Elton pati yung dalawa nilang yaya. Katatapos lang ng mass at ng blessing ng orphanage, kasalukuyan kaming nasa harapan ng orphanage. Magsisimba na kasi ang ribbon cutting. Lahat kami ay mga nakaformal attire. Nakasuot ako ngayon ng yellow dress at brown doll shoes, nakalugay lang ang kulot kong buhok.

"Shall we start the ribbon cutting? May I request Gabriel Brendsen and Jhaneia Rinchell to cut the ribbon." Si Mam Mitch ang nagsasalita. Hinawakan ni Gab ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa unahan. Niloko pa kami ng mga kaklase namin kaya naman pinanlakihan ko sila ng mata na ikinatawa ng mga taong naririto. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa lalaking may hawak ng kamay ko. Ang gwapo niya sa suot niyang light blue longsleeves na tinupi niya hanggang siko.

Binigyan kami ng gunting ni Mam Mitch. Kaming dalawa ni Gab ang nagcoat ng ribbon kasi kami raw ang head ng mission na ito at as the representatives ng Grade 8-Ruby.

"3,2,1, Congratulations!" Nagpalakpakan sila nang macut na namin ang ribbon. Nagsipasukan na yung mga bata kasama yung tatlong mga madre. Si Mam Mitch, Mam Ven, yung Director ng school namin pati yung ibang mga kaklase namin ay pumasok na rin. Nilingon ko naman yung katabi ko.

"Congrats to us!" Nginitian ko siya at nilahad ang kamay ko.

"Congrats, good job Ms. Rinchell." Nakangiti niyang tinanggap ang kamay ko at nagshake hands kami. Pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko.

"Ate Neia!" Pareho kaming napalingon sa tumawag sa akin. Isang napakacute at napakagwapong bata ang papalapit sa amin ngayon. Nang makalapit ay agad na yumakap sa bewang ko si Enzo.

"Neia, son, congrats to the both of you. I'm so proud of you." Nakipagbeso naman ako kay Tita Mama.

"Ma, why are you here?" Pag-uusisa bi Gab. Kailangan pa ba niyang tanungin si Tita Mama ng ganun? Hindi nalang siya magpasalamat at pumunta yung mommy niya.

"What's with you, son? Masama bang suportahan ang anak ko at ang future daughter in law ko?"

"Mommy/Tita Mama!" Sabay naming saway namin na lalong ikinatawa ni Tita Mama. Feeling ko namula ako sa sinabi niya.

"Sige na, we'll go ahead na. Ihahatid ko pa si Enzo sa school. Gumawa pala ako ng mga cupcakes. Pinapasok ko na sa loob kay Manong John." Ang bait talaga niya. Ang swerte ni Gab dahil may ina siyang nasa tabi niya palagi at nasusuportahan siya. Hindi sa sinasabi kong hindi ako maswerte kay mama pero kasi iba pa rin kapag nasa tabi ko siya.

"Thabk you po, Tita Mama" Ginulo niya yung buhok namin na ikinagalit ni Gab. Ano pa bang ieexpect ko eh mahal na mahal niya yung buhok niya.

"Congrats again. Bye mga anak!" Nakangiting paalam niya.

"Hoy kayong dalawa! Tutunganga lang kayo diyan? Wala kayong balak na tumulong?" Sita sa amin ni Jan na may buhat na kahon.

"Heto na nga oh." Sabay pa naming sagot ni Gab na ikinatawa namin. Pumunta na ako sa van at nagbuhat ng kahon na may nakalagay na mga gifts. Medyo magaan lang naman kaya okay lang. Pagkapasok ko sa gate, napansin kong nakatingin sakin yung batang nakakulay pink na damit, medyo curly din yung hair niya. Tumigil ako at nilapitan yung bata.

"Hello. Anong pangalan mo?" Imbes na sagutin ako ay tinitigan lang niya ako. Maya-maya ay tumakbo na siya papasok. Nagkibit-balikat nalang ako. Parang nay something sa kanya, sa mga titig niya. Pumasok na rin ako sa loob at nakitulong na rin sa pag-aayos ng mga dala namin.

"Hoy James, tigil-tigilan mo nga ang katakawan mo." Saway ni Mels kay James na pasimpleng kumuha ng isang cupcake.

"Sabi ko nga President ibabalik ko na."

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon