Chapter 32
Ilang tao na naman ang dumagdag sa mga maiiwan ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang sama ko pala kasi paaasahin ko lang si Tita mama. Sinabi ko sa kanga na pwede niya akong maging anak-anakan pero iiwan ko lang siya, iiwan ko lang sila. Muli kong tinignan ang reflection ko sa salamin bago lumabas sa kwarto nila Tita mama. Pagkababa ko ay agad na sumalubong si Enzo na siguro ay kadarating lang, at si Gab na nakaupo sa sofa.
"Ate Neia, you're so beautiful." Ginulo ko yung buhok ni Enzo at saka tumabi kay Gab.
"Ano Gab, maganda na ba ako?" Bulong ko sa katabi ko. Tinitigan muna niya ako bago sumagot.
"Pwede na." Natatawa niyang sagot.
"Anong pwede na?" Ang dami naman kasing ibig sabihin ng 'pwede na'. Pwede na as in pasado na ako sa standard niya. Pwede na as in pwede na niya akong magustuhan. Pwede na as in pwede na niya akong maging girlfriend. Aish! Ano ba itong mga iniisip ko?
"Maganda ka na." Tama ba yung narinig ko? Parang nabingi yata ako sa sinabi niya.
"Kyaaaah! Kinikilig ako Gab!" Pinaghahampas ko siya. Sabi ko naman sa inyo close na kami eh, naivovoice out ko na yung mga iniisip ko at nararamdaman.
"Baliw." Umiiling-iling na sabi niya nang tigilan ko na ang paghampas sa kanya. Mapagtripan nga ito. Tinitigan ko siya sa mga mata.
"Sayo." Sinabi ko yun habang nakatitig sa mga mata niya at sinabi ko yun ng may emosyon. Imagination ko lang ba ito o nagblush talaga siya? Nang makarecover siya mula sa pagkatulala ay tumayo siya.
"Baliw talaga." Paalis na sana siya nang lumabas si Tita Mama mula sa kusina.
"Gosh! Hija, the dress really suits on you. Parang nakita ko yung sarili ko noong 13 years old ako." Natutuwang compliment ni Tita Mama sa akin. Magsisimba nga pala kami at hindi na sana ako magpapalit ng damit kaso pinilit ako ni Tita Mama. Pinasuot niya sa akin yung dress na regalo raw sa kanya ng lola ni Gab na mommy niya noong 13th birthday niya.
"Thank you po Tita Mama, kaso hapon na po at malamig na." 4pm mass kasi ang aattendan namin kaya malamang malamig na sa labas at spaghetti pa itong dress na suot ko, tignan ko lang kung hindi ako manigas mamaya.
"Son, pahiramin mo si Neia ng jacket." Agad naman na tumango si Gab. Siya nalang dapat ang pupunta sa kwarto niya para kumuha ng jacket pero nagpumilit ako na sumama. Nang pumasok na kami sa kwarto niya ay napansin ko yung chopstick na nasa study table niya. Kung hindi ako nagkakamali, iyon yung chopstick na ginamit ko noong kumain kami ng ramen sa MOA. Hindi ko alam na itatago nga niya yun. Ibig sabihin ba tinetreasure niya rin yung araw na yun, yung friendly date namin? Napangiti naman ako sa thought na yun.
"Baliw ka na talaga, ngumingiti ka na mag-isa." Sabi ni Gab habanh namimili ng jacket sa walk-in closet niya.
"Tinago mo pala." Nakangiti kong sabi nang pumasok ako sa walk-in closet niya Kumunot naman yung noo niya at humaba na naman ang nguso, the usual Gab kapag naguguluhan.
"Yung chopstick tinago mo pala."
"Ah, baka kasi kung anong gawin mo sakin kapag nalaman mong tinapon ko. Baliw ka pa naman." Natatawa niyang kinuha yung jacket na black.
"Si Adz kaya yu-" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko. Namimiss ko na yung baliw na yun. Kailan kaya kami magkakaayos? Namimiss ko na yung mga trip ng isang luka, isang bruha at isang baliw.
"Hoy Neia!" Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang magsalita si Gab.
"H-ha?"
"Natahimik ka na diyan."
"Ah, ayoko niyan, gusto ko ito." Sabay kuha ko dun sa red na jacket niya na GAP. Mukha namang hindi na niya pinansin yung pagkatahimik ko kasi lumabas na siya ng closet. Bubukdan na niya yung pinto nang may maalala akong itanong.
"Hindi ba sasama yung daddy mo?" Mukhang natigilan siya sa tinanong ko kasi nabitawan niya yung door knob.
"Hindi ba obvious?" Pagkasabi niya nun ay nauna na siyang lumabas ng kwarto. Nabadtrip ko yata siya. Sa madalas na pagsasama namin, napansin kong nagbabago yung mood ni Gab kapag napag-uusapan yung daddy niya. Pagkababa ko ay napansin kong naroon na si Adam, yung pangalawa niyang kapatid.
"Hey ate Neia!" Bati niya sakin at nakipag-apir pa sa akin.
"Yow Adam!" Balik na bati ko.
"Kids, sakay na kayo sa kotse." Tawag ni Tita Mama sa amin na nasa labas na ng bahay. Gaya ng sabi niya, lumabas na kami ng bahay. Naunang sumakay si Adam sa tabi ng driver seat.
"Ate Neia, you will sit beside me huh?" Nagpapacute na sabi ni Enzo at hinila na ako pasakay sa loob ng kotse. Sumakay na rin si Tita Mama at Gab. Kaming tatlo nila Gab at Enzo ay nasa backseat, pinapaggitnaan namin ni Gab si Enzo.
"Hoy, galit ka?" Pabulong na sabi ko kay Gab. Imbes na sagutin niya ako ay nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa simbahan. Actually, malapit lang naman talaga yung simbahan sa bahay nila. May pupuntahan daw kasi kami after ng mass kaya dinala na ni Tita Mama yung kotse dito sa simbahan. Nauunang maglakad si Tita Mama, Enzo at Adam. Sinadya ko talagang sabayan si Gab, gusto ko kasing makipagbati.
"Hoy Gab, bati na kasi tayo." Nagmamakaawa kong sabi with matching hampas pa sa braso niya. Nagulat naman ako nang akbayan niya ako at ipitin yung ulo ko ng braso niya.
"Hindi ba tayo bati?" Tumatawang tanong niya. Pinilit ko namang tanggalin yung pagkakaipit ng ulo ko sa braso niya at nagawa ko naman pero nakaakbay pa rin siya sa akin. Impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako kinikilig. Sino ba naman kasing hindi kikiligin kung yung mahal mo ay nakaakbay sayo?
"Akala ko kasi galit ka. Bigla ka kasing nanahimik." Grabe ang mood swing niya ha, kanina lang mukha siyang badtrip tapos ngayon sweet na hindi mo malaman.
"Kapag nanahimik, galit agad? Hindi ba pwedeng may iniisip lang?" Oo nga naman may point siya pero mukhang badtrip talaga siya kanina eh.
"Bakit mo pa kasi ako iniisip eh ang lapit-lapit ko lang naman sayo?" Sabay alis ko ng braso niya na nakaakbay sa akin. Sanay na si Gab sa mga sinasabi ko. Para sa kanya siguro joke lang yung sinasabi ko pero sa akin totoo. Yung mga gusto ko talagang sabihin sa kanya minsan dinadaan ko nalang sa joke sabi nga, 'Jokes are half meant.'
"Baliw ka na nga." Narinig kong sabi niya. Naupo na kami sa kinauupuan nila Tita Mama na pangalawang row lang mula sa unahan. Hindi rin naman nagtagal at dumating na yung pari at nag-umpisa na ang misa. Bale ang puwesto namin ay si Adam, Tita Mama, Enzo, Ako ,Gab. Nakakatuwa nga kasi ang tahimik ni Enzo at talagang nakikinig siya sa sinasabi ng pari.
"Sinasabi sa mabuting balita ng Panginoon na mahal natin ang kapwa natin. Kapamilya man yan, kapuso, kapatid o kaaway man yan. Sabi nga higit mong mahalin ang kaaway mo. Love your enemy." Napatingin naman ako kay Gab dahil sa sinabi ng pari pero agad ko rin namang binawi. Sinabi raw ng Panginoon na 'Love your enemy.' edi ibig sabihin mabuting tao pala ako kasi minamahal ko yung kaaway ko, kasi minamahal ko si Gab. Naalala ko tuloy bigla yung mga pag-aaway namin dati. Nakakamiss din pala yung ganun.
"I love you." Napatingin naman ako sa katabi ko na nakangiti at parang nagslow motion ang paligid. Did I heard it right? Sinabihan niya ako ng I love you?
"I love you too." Kahit naguguluhan ako kung bakit niya ako sinabihan ng 'I love you' ay awtomatiko akong napasagot. Hanggang sa matapos ang misa ay lutang ang isip, puso at diwa ko.
---------
Simple Note:
Annyeong! Una sa lahat ng una, nagpapasalamat ako sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng LMMES, mahal na mahal ko kayo.Pangalawa, bakit nga kaya sinabihan ni Gab si Neia ng 'I love you'? Mahal na rin ba ni Gab si Neia o assuming lang talaga si Neia? Hmmm... Abangan sa susunod na kabanata.
Ps. I'm looking for admins, if you're interested just pm me.
Pss. Don't forget to VOTE and COMMENT. Kamsahamnida~
Psss. Please support my other story, 'Choose Between Love or Friendship', especially to my fellow ARMYs.
Follow me on twitter @jhamluka
BINABASA MO ANG
Loving My Mortal Enemy Secretly
Fiksi RemajaThis story is about a girl and a boy who really hate each other.Mapatunayan kaya nila na 'The more you hate, the more you love' o habang buhay ng may world war sa pagitan nila ? Mainlove kaya sila sa isa't isa o may makakaranas ng ONE-SIDED LOVE...