Chapter 17
Kararating ko lang sa bahay galing sa school, tumambay pa kasi kami nina bruha at baliw. Nadatnan ko yung dalawa kong kapatid na nanonood ng dvd.
"Yna , asan si papa?" Pag-uusisa ko sa pangalawa kong kapatid.
"Nasa kusina po ate." Pumunta naman ako sa kusina para icheck kung andun nga si papa. At ang nakita ko, si papa na natutulog at nakaubob sa mesa. Haaaaay, lasing na naman si papa. Ewan ko na kung anong nangyari at nagkaganyan siya.
Close na close kami ni papa noon. Lahat ng gusto ko binibigay niya. Suportado niya ko sa lahat ng bagay. Sa tuwing tatanggap ako ng awards sa school noon, siya yung unang proud na proud sakin. Siya yung nagsasabit sa akin ng medalya.
Until one day, nagkasakit siya..nastroke. After that incident, bigla nalang siyang nagbago. Naging mainitin na yung ulo niya. Naiintindihan ko naman yung pagiging mainitin ng ulo niya kasi siguro effect yun ng pagkakastroke niya. Pero yung nasasabihan niya ko ng mga masasakit na salita, masakit eh .
Parang bulang nawala yung papa ko na inispoiled ako. Yung papa ko na proud na proud sakin. Ngayon kasi ,parang siya na mismo yung nagdadown saki . Everyday kong winiwish na sana yung papa ko ,bumalik na sa dati. Noon ,super close kami pero ngayon naman parang ang layo-layo na namin sa isa't-isa... Minsan nga lang kami mag-usap eh.
"Pa, akyat na po kayo sa kwarto.." Sabi ko habang ginigising ko si papa. Tumunghay naman siya at nagmulat.
"Pa, lasing na naman po kayo . Lagi nalang ah.."
"Hoy! Kung makapagsalita ka ,akala mo kung sino ka! Anak lang kita Amethyst! Wala kang karapatan sa kung anong gusto kong gawin! At bakit ngayon ka lang ha?! LUMANDI ka na naman?! " pagkasabi nun ni papa ay umalis na siya.
Dahil sa mga sinabi ni papa, nanghina ako at nakaramdam ng pagtulo ng mainit na likido na nagmula sa aking mga mata. Ang sakit... ang sakit lang. Sobrang sakit lang kasi nagmula yung mga masasakit na salitang iyon sa taong inaasahan kong gagabay sa akin.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at doon ko binuhos at inilabas yung sakit na nararamdaman ko.
-----
"Oyy luka! Anyare dyan sa mata mo?" Pag-uusisa ni Tean
Andito pala kami sa may gym, nakatambay . Hindi pa kasi bukas yung classroom namin.
"Ha? Wa-wala... binasa ko kasi ulit yung She's Dating the Gangster, naiyak ulit ako. " Pagpapalusot ko
Oo, bestfriend ko sila .. pero hindi nila alam kung anong klaseng relationship ang meron kami ng papa ko. Ayaw ko kasi na kaawaan nila ako. Gusto ko ,kung anong pagkakakilala nila kay Jhaneia Amethyst Rinchell o Luka ..ayun na talaga. Ako kasi yung tagapagpasaya nila , yung masayahin at masigla, yung parang walang problema dahil sa mga ngiti, kaya dapat hindi nila ako makikitang umiyak ng dahil sa problema.
Napatingin ako sa classroom namin at nakitang bukas na kaya nagpaalam na ako sa kanila.
" Ge baliw, bruha, una na ko sa classroom. Marami pa kasi akong gagawin." Kahit na wala naman talaga.. Gusto ko lang makaiwas sa topic. Mahirap na ,baka mangulit pa yung dalawang yun. Buti nga bumenta yung palusot ko.
Naglakad lang ako ng tahimik papunta sa classroom, taliwas sa karaniwan kong ginagawa. Karaniwan kasi malikot ako at binabati lahat ng makikitang kakilala ko.
"Hi Ms. Curly! Agang-aga nakabusangot ang mukha mo. Lalo ka tuloy pumapanget hahahaha." Pang-aasar ni Gab nang makasalubong ko sila. Tiningnan ko lang siya at hindi pinansin pagkatapos nagdiretso na ako sa paglalakad.

BINABASA MO ANG
Loving My Mortal Enemy Secretly
Novela JuvenilThis story is about a girl and a boy who really hate each other.Mapatunayan kaya nila na 'The more you hate, the more you love' o habang buhay ng may world war sa pagitan nila ? Mainlove kaya sila sa isa't isa o may makakaranas ng ONE-SIDED LOVE...