Chapter 28: Sleepover

232 5 1
                                    

Chapter 28

"Oh tsibugan na!" Sigaw ni JC na hawak-hawak na ang kutsara at tinidor niya.

Andito nga pala kami sa dining room nila Gab at kakain na ng dinner. Yung binili nila kanina na kakainin sana namin dun sa inaayos namin na classroom ang kakainin namin.

"Hinay-hinay lang JC, pota para kang patay gutom eh." Pagbibiro ni, sino pa bang trashtalker dito? Malamang si Axis yan.

"Hoy Axis, kumakain tayo mura ka ng mura dyan." Paninita ni Mels. Go President!

"Nadali mo kay President! Hahaha" Gatong pa ni Aj. Nagkagulo na yung mga alipores ni Gab habang siya at ang girls ay tawa nalang ng tawa sa kulitan ng boys.

"Hoy mamaya na yung kulitan after kumain." Pananaway ko sa kanila na ikinatahimik nila.

"Couz, bakit pala magkayakap kayo ni Gab kanina?" Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay nagsiakyatan sa mukha ko. Nagsimula na naman silang mag-ingay pero this time kami na yung inaasar nila at kasama na ang girls. Aish! Dapat pala hindi nalang ako umimik. Kainis talaga itong pinsan ko eh.

"H-hoy! Wala yun!" Dipensa ko at hindi sinasadyang napatingin ako kay Gab na katapat ko. Agad naman siyang nag-iwas nang magtama yung tingin namin. Wait, nagblush ba siya? Jhaneia huwag kang assuming. Bakit naman siya magblablush?

"Sus, wala raw eh sarap na sarap ka nga sa yakap ng Gabs namin." Tapos dinemo ni Cyron at Jan yung pwesto namin ni Gab kanina.

"Potek, maghiwalay nga kayo nakakasuka!" At last nagsalita rin siya, akala ko hahayaan lang niya na pagtripan kami ng mga alipores niya.

"Umamin na kayo Neia at Gab. Bawal magsecret sa barkada." Pang-aasar pa ni Majoy na sinundan naman nung iba. Magsasalita na sana ako pero naunahan na ko ni Gab.

"Tumigil na nga kayo!" With that, nagsitahimikan na sila at tinuloy ang pagkain. Takte, yun lang pala katapat nila eh. Hanga talaga ako sa bansot na 'to kasi napapasunod niya yung mga alipores niya na mas matatangkad pa sa kanya.

"Neia, paabot nga n-" Hindi na naituloy ni Gab yung sinasabi niya dahil nasamid at nabulunan yung mga alipores niya.

"Problema nyo?" Nagtatakang tanong ni Gab.

"Anong tawag mo kay Neia?" Tanong ni kuya Rome na may kakaibang ngisi.

"Ms. Curly?" Naguguluhang sagot ni Gab.

"Hindi yan! Yung isa pa!" Sabi ni James habang kumakain ng fries.

"Neia, paabot nga~" Panggagaya naman ni Elton na ikinanguso at ikinasalubong ng mga kilay ni Gab. Grabe lang ang cute talaga niya kapag ginagawa niya yun.

"Pre, tinawag mong 'Neia' si Neia!" Pagpapatuloy pa niya. So, yun yung dahilan kung bakit nasamid at nabulunan sila? Eh ano namang big deal dun?

"Oh ano naman ngayon? Big deal ba?" Sabi niya sabay inom ng coke.

"Oo Gabs!" Sabay- sabay na sagot ng walong alipores niya.

"FIRST TIME yun Gabs! First time." Sabi ni Jan na ipinagdiinan pa yung 'first time'.

"Dami ninyong alam. Makanood na nga lang." Tapos na rin naman kaming kumain eh kaya niyaya ko na rin yung girls syempre including Mels na pumunta sa living room.

"Couz! Masarap ba yung yakap ni Gab?" Nang makaupo na kami sa sofa ay iyan agad ang naitanong ng pinsan ko.

"Kaya nga Neia, may progress na ba?" Dagdag naman ni Irene. Akala ko naman nakalimutan na nila yun. Kasi naman yung magaling kong pinsan pinaalala pa eh.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon