Chapter 36: Fieldtrip

143 4 15
                                    

Chapter 36

Ilang araw na ang lumipas matapos ang opening ng orphanage. Sa ilang araw din na yun ay palagi kaming magkasama ni Gab tuwing break at lunch. Gusto raw kasi niyang makasigurado na kumakain ako ng ayos at ng marami kasi pumapayat na raw ako. This past few days kasi ay napapadalas na ang pagsusuka ko. Minsan nga sa school ako inaatake ng pagsusuka buti nalang at nakakatakbo agad ako papunta sa restroom. Isang beses kasama ko ang barkada ng atakihin ako ng pagsusuka, buti nalang at nandoon si Rhai at Elton para magpalusot.

"Couz, pahiram ako ng headphones mo." Napalingon ako sa katabi kong si Rhai. Kinuha ko yung headphones ko sa bag ko at binigay sa kanya. Nasa bus nga pala kami, fieldtrip kasi namin ngayon. Tumayo ako at inilabas ang camera ko. Pasimple kong kinukuhanan ng stolen shots ang mga kaklase ko. Natawa ako sa picture ni Irene na nakanganga siya tapos yung mata niya parang napuwing. Ipapakita ko itp kay Elton.

"Oh sinong may gusto ng Stik-O?" Agad naman akong kumuha ng apat na Stik-O sa hawak ni Rhai na malaking garapon ng Stik-O. Para tuloy kaming nasa palengke at siya ang tindera. Kahit na umaandar yung bus ay nagsilapitan yung mga kaklase namin sa puwesto namin ni Rhai.

"Salamat Rhai!" Pagpapasalamat ng mga kaklase namin. Nang magsibalikan na sila sa upuan nila ay naupo na rin kaming dalawa. May natira pa namang Stik-O kaya inupakan ko na.

"Hoy Couz, grabe makaupak hinay-hinay lang." Natatawang komento ni Rhai.

"Wala kang pakealam. Kita mong adik ako rito eh." She chuckled then nilagay na yung headphones sa tenga niya. Tumunog naman ang cellphone ko at si Tean pala ang nagtext.

From: Bruha
Lukaaa! Sa Market Market tayo magkita ha?

RE:
Okay Bruha :)

Magbabasa na sana ako sa wattpad nang may magtext ulit. Napakunot ang noo ko sa kung sino ang nagtext.

From: Gwapong Anghel
Hey!

Gwapong Anghel? Sino naman kaya ito? Sa pagkakatanda ko wala sa contacts ko ang ganitong pangalan.

RE:
Sino ito?

Hinintay kong magreply siya pero hindi na siya nagreply. Tinanong ko kay Rhai kung alam niya kung kaninong number yun pero hindi rin niya alam

"Class, we're already here!" Nagbilin lang si Mam Ven ng ilang reminders at pinababa na rin kami ng bus. People's Park ang first destination namin. Nang makapasok kami sa gate ng entrance ay tinawag ako ni Gab.

"Anong problema mo?" Maangas kong tanong sa kanya.

"Paunahan tayong makarating sa taas." Mayabang na sabi niya.

"Ano naman ang makukuha ko kung mananalo ako?"

"Gagawin ko yung dare na ibibgay mo sa akin, vice versa lang." Napaisip naman ako doon. Kapag nanalo ako ay idedare ko siya na magbake ng cake at ibigay sa daddy niya. Napangiti ako sa thought na yun.

"Deal!" Naeexcite kong sabi.

"Ready?" Tanong niya at tumango lang ako at inayos ang sarili para sa pagtakbo.

"1,2,3, go!" Nagsimula na kaming tumakbo. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Rhai pero hindi ko na yun pinansin. Medyo nauuna sa akin si Ga. Lumilingon pa siya sa akin at inaasar ako. At dahil pataas, nakaramdam agad ako ng pagod kaya tumigil ako. Napansin naman yun ni Gab kaya tumigil din siya.

"Ang weak naman!" Pang-aasar pa nita habang papalapit sa akin.

"Yabang!" Naupo ako sa may bench. Umupo rin si Gab sa tabi ko.

"Neia!" Pareho kaming napatingin kay Elton na hingal na hingal at may dalang mineral water.

"Oh Elton!" Lumapit siya sa akin at inabot yung mineral water sa akin.

"Inumin mo yan Neia." Utos niya.

"Thank you Elts." Ininom ko na yung tubig na binigay niya sakin.

"Okay ka lang ba?" Natawa ako kasi ang paranoid niya. Tumayo ako at bumulong sa kanya.

"Ang OA mo Elts. Bumalik ka na nga sa Irene mo, sige ka baka maagawan ka." Dahil sa sinabi ko ay mahina niyang tinapik ang noo ko.

"Mauna na ako, Neia." Nabaling naman ang atensyon ko kay Gab na tumakbo na.

"Hoy sandali!" Iniwan ko na si Elton na napailing na lamang. Nauna si Gab na nakarating.

"Ang daya!" Hinihingal kong sabi.

"Hindi ako madaya, sadyang weak ka lang. " Natatawa niyang sabi at umupo kami sa may mga table. Sakto naman na may magtitinda ng taho.

"Gab, bili tayo ng taho."Pag-aaya ko

"Ano tayo bats? " Tumayo na ako at lumapit na sa nagtitinda ng taho, naramdaman kong sumunod din siya sa akin. Mas naexcite ako nang malaman kong strawberry flavor yung taho.

"Waaaah! Strawberry flavor yung taho! Libre mo ako ha?" Kulang nalang ay magtatalon ako sa excitement. Inalog-alog ko nalang si Gab.

"Oo na, ililibre na kita at baka kung ano pa ang magawa mo sa akin kapag hindi kita nilibre."

"Yehey!" Papunta na kami sa puwesto ng magtataho nang makita namin si Elton at Aj na bumibili.

"Neia!" Tawag sa akin ni Elton sabay abot ng hawak niyang taho.

"Bigay mo sa akin?" Hindi makapaniwala kong tanong. Imbes na sumagot ay nginitian niya lang ako.

"Thank you Elts!" Halos tumalon na ako sa tuwa. Yayakapin ko na sana siya nang magsalita si Gab.

"Paano ba yan? Hindi na kita ililibre." Sasagot pa lang sana ako nang hilahin na ako ni Elton.

"Neia, tara picture tayo!" Wala na akong nagawa kundi tignan nalang si Gab na hawak-hawak yung taho niya.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon