Chapter 29: On A Mission

256 6 0
                                    

Chapter 29

"Neia.." Naalimpungatan ako nang may tumawag ng pangalan ko at tumatapik sa pisngi ko.

"Neia.."

"Hmmm." Tuloy pa rin siya sa pagtapik sa pisngi ko.

"Kapag hindi ka gumising at bumangon dyan, sige ka hahalikan kita." Hindi pa rin ako namulat, sobrang antok pa talaga ako eh.

"Edi halik-Gab?!" Napamulat ako ng hindi oras ng marealize ko yung sinabi niya. Tumambad naman sakin si Gab na nakatayo at nakangisi. Magsasalita pa sana ako ng hilahin niya ako patayo at palabas ng guest room nila.

"Ano bang problema mo Gab? Inaantok pa ko oh." Antok na sabi ko habang tulak-tulak niya ko sa balikat ko.

"Sasamahan mo ko." Sagot naman niya nang makarating kami sa kwarto niya.

"Ayoko." Tapos humiga ako sa kama niya at niyakap yung unan niya na bola.

"Diba sabi mo tutulungan mo akong mapag-ayos ang parents ko?"

"Yeah.." Sagot ko habang nakapikit. Ang sarap yakapin ng unan niya tapos ang bango bango pa, amoy baby bench.

"Edi bumangon ka na dyan." Utos naman niya.

"Patulugin mo muna ako Gab parang awa mo na." Hindi na ko nakaangal pa ng hilahin na niya ko papasok sa cr sa kwarto niya. Halos mapatalon naman ako nang buksan niya yung shower.

"Waaaaaah! Takte ka Gab ang lamig!" Pakiramdam ko tuloy nabuhay yung natutulog kong diwa. Lumabas na siya ng cr habang tumatawa. Haaaay, no choice.

"Hoy Gab! Pahingeng toothbrush." Agad naman niya akong inabutan ng toothbrush na may design na bola at nakalagay pa sa plastic. Kakaiba talaga siya, mukhang bola talaga.

"Bilisan mong maligo. Nasa kama yung susuotin mo."

After 30 minutes tapos na rin akong maligo. Lumabas na ako sa cr at nagbihis na. Loose plain white sando shirt with black tube tapos black shorts at white converse ang suot ko ngayon. Nakalugay lang yung buhok ko, maganda naman yung buhok ko kulot sa dulo kaya keri lang.Nakakapagtaka nga eh kung paano napunta dito yung mga damit ko dito. Bumaba na ako at nakita ko namang nanonood ng basketball si Gab kasama yung mga alipores niya.

"Oh Neia, ang ganda natin ngayon ah!" Sinamaan ko lang ng tingin si Elton. Takte sila, sila ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakatulog ng matino. Kung hindi nila kami pinagtripan at tinakot kagabi edi sana hindi kami inabot ng 5am bago makatulog.

"Mga pre, kapag dumating si mommy pakisabi na may pinuntahan lang ako." Pagkatapos niya sabihin yun ay lumabas na kami at sumakay na kami sa kotse.

"Good morning hija." Bati sakin nung driver nila.

"Good morning din po." Pinaandar na nung driver nila yung kotse.

"Gabriel, girlfriend mo ba siya?" Nakakagulat naman yung tanong ni manong.

"Manong Johnny, magdrive ka nalang po dyan."

Hanggang sa bus station lang kami hinatid ni Manong Johnny kasi susunduin pa raw niya yung mommy at dalawang kapatid ni Gab. Doon kasi natulog yung mommy at mga kapatid niya sa bahay ng lola niya.

"Mag-iingat kayo mga bata ha. Gabriel, ingatan mo yang si Jhaneia." Pagbibilin ni Manong Johnny. Iimik pa sana kami kaso pinaandar na niya yung kotse.

"Si manong Johnny talaga." Pagkasabi niya nun ay sumakay na kami sa bus.

"Sa may bintana ako ah." Tapos naupo na ako sa may tabi ng bintana.

"Para kang bata." Komento niya

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon