Chapter 34: Partner

247 5 10
                                    

Chapter 34

Life is too short. We should live to the fullest and not with full of sadness. Sabi nga "You only live once." Kaya naman gawin mo na ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo. Gawin mo na ang mga bagay na gusto mong gawin dahil hindi natin alam kung hanggang kailan at saan nalang ang itatagal natin sa mundong ito. Muli kong tinignan ang notebook na hawak ko.

7 Things Before I Die
1.Makita ang orphanage na may mga bata na.
2.Matulog sa iisang kama kasama ang pamilya ko.
3.Makipagjamming sa Monicutes.
4.Makipagbonding kina Bruha at Baliw.
5.Maipagbake ang Brendsen family.
6.Makitang masaya si Gab.
7.Makasama sa ilalim ng cherry blossoms ang lalaking mahal ko.

(Flashback)

Tinawagan ni papa si Dra. Park para icheck ang lagay ko. Nandito pa rin si Rhai na tinawagan si tita Rica.

"Isa sa mga sintomas ng brain tumor ay ang vision problem, kaya nagblack out ang paningin ni Neia." Pagpapaliwanag ng Doktora.

"I suggest na magpaopera ka na Neia." Pagpapatuloy pa niya.

"May possiblity po ba na mabura ang alaala ko?" Pag-uusisa ko.

"Yes, malaki ang possiblity." Sa sinabi pa lamang ni Dra. Park ay nakapagdesisyon na ako.

"Hindi po ako magpapaopera." Mas gusto ko pang mamatay nalang ako kesa naman mabubuhay nga ako pero para naman akong bagong silang na sanggol na wala pang kamuwang-muwang sa mundo at magsisimula pa lamang kilalanin ang mga nasa paligid niya. Mabubuhay nga ako pero burado na naman ang mga alaalang inipon ko at makakalimutan ko ang mga taong kasama ko sa pagbuo ng mga alaalang iyon.

(End of flashback)

"Hoy!"

"Ay kabayong tumalon ng tumalon!" Takte naman oh, halos atakihin na ako sa gulat dahil sa mokong na yun.

"Tsk, kabayong tumatalon? Hahaha bago yun ah." Pailing-iling pa siya habang sinasabi niya yun. Ano naman kayang kailangan ng lalaking ito? Sabagay, hindi na ako magugulat kung parang mushroom siyang susulpot dahil sanay na rin naman ako this past few weeks. Impokrita ako kung hindi ko aaminin na natutuwa ako sa madalas naming pagsasama.

"Anong kailangan mo at basta-basta ka nalang sumulpot dito?" Pag-uusisa ko.

"Wala, napadaan lang ako dito. Kinausap nga pala kami ni Mam Mitch kanina about sa opening ng orphanage bukas. Hinahanap ka nga eh." Yung mission pala namin sa Filipino subject namin na pagtuturo sa mga street children ay binago na namin. Ginawa nalang namin na bahay-ampunan at gaya nga ng sabi ni Gab, bukas na ang opening nito.

"Ah, trip ko kasing tumambay dito." Sabi ko nalang kahit ang totoo ay gusto ko lang mapag-isa.

"Ng mag-isa?" Tumango nalang ako bilang sagot.

"Baka naman trip mo lang sumilay?" Napatingin naman ako sa direksyon na tinitignan niya kung saan nagtatawanan si Akio pati yung mga kabarkada niya. Hindi ko nga alam na nandito pala si Akio eh.

"Hoy! Hindi kaya." Pag-angal ko. Biglang naging seryoso yung mukha niya.

"Kung may problema ka Neia, nandito lang ako ha?" I am about to say something nang tumayo na siya at magsimula ng maglakad.

"Nagbell na kaya kunin na natin yung gamit natin, mamimili pa tayo." Gaya ng sabi niya sumunod na ako sa kanya.

"Hoy babae, saan ka galing?" Salubong ni Mels na nakasakbit na ang bag.

"Tumambay lang akovsa garden." Pumasok na ako sa classroom at inayos ang mga gamit ko. Nang maayos ko na ay lumabas na ako ng classroom. Agad naman akong nilapitan ni Tean.

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon