Chapter 16: You and Me

634 32 4
                                    

Chapter 16

November 13 ngayon, ibig sabihin ay 1 year ko ng crush si Akibabe. Sabi nila kapag daw lumampas ng 4 months ang pagkacrush mo sa isang tao, mahal mo na sya. Mahal ko na nga ba si Akibabe ?

"Jhaneia ,alis lang kami ha. Bibili lang kami ng makakain sa canteen." Pagpapaalam ni Majoy tapos umalis na sila . Gumagawa kasi kami ng seatwork sa Science . Vacant pala namin ngayon.

Wait......kung umalis sila Majoy meaning.... kami lang DALAWA ni Brendsen ang tao sa classroom ! O.O Nakaupo pala ako sa sahig tapos nasa likod ko si Brendsen na nakaupo sa upuan. Nagsasoundtrip sya ,meron kasing casette ,ginagamit nila sa pagpapractice ng sayaw para sa dance contest sa school. Dahil sa awkwardness na nafifeel ko, nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat at tumungo.

" 'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you " Nabigla ako ng bigla siyang kumanta at sinabayan yung chorus. Hindi lang yun, lumapit pa sya sa may tenga ko at doon kumanta. Bale ang posisyon namin ay nakaupo ako sa sahig tapos sya ay nasa may upuan. Nakatalikod ako sa kanya tapos sya nakalapit yung mukha sakin. Yung mukha nya nasa right na tenga ko. Gets?

Dug.dug.dug.

Waaaaaah! Ano na naman ba 'to? Tsaka bakit parang ang init ata? Waaaah! Ayoko na, mamamatay na ata ako. Idagdag mo pa yung puso ko na parang lalabas na.

Bigla siyang lumayo nang may narinig kaming may papasok sa classroom.

"Jhaneia , okay ka lang ba?" Pag-uusisa ni Irene

"Ha? Ah... o-oo bakit?" Nauutal kong tanong ,hindi pa rin kasi ako makaget over sa pagkanta ni Brendsen. Tapos hindi pa rin tumitigil yung ingay sa puso ko.

"Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" Sabay hipo ni Majoy sa noo at leeg ko.

"Wala... wala. Sige cr lang ako." Pagpapaalam ko tapos pumunta na ko sa cr.

Haaaaay, Jhaneia ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan kay Akibabe ah. Bakit pagdating kay Brendsen nagiging ganyan ka? Bakit kung anu-ano nalang ang nararamdaman mo kapag si Brendsen na? Totoo na ba yung sinasabi nina Tean at Adz? Naiinlove ka na nga ba sa Kyohei Gabriel Matt Brendsen na iyon? WAAAAAAAAH! ewan ! Para na siguro akong tanga dito, kinakausap ang sarili mag-isa. Buti ako lang ang tao dito sa cr.

Naghilamos lang ako at lumabas na ng cr. Papasok na ko sa classroom nang makita ko si Elton sa may corridor sa tapat ng classroom namin na nakatambay.

"Oyy, Elts... may itatanong ako." Panimula ko at agad naman niya kong nilingon.

"Ano 'yon Ms. Curly?"

"Anong title nung sinasayaw nyo? Yung 'cause it's you and me with all of the people nanananana. Basta iyon!" Yeah kinanta ko talaga aba precious voice ko yun ^_^

"Huwag ka na ulit kakanta ha? Hahahaha joke" pang-aasar nya, tanggap ko naman na kaboses ko si Anne Curtis eh.

"Ah.ah. ano nga kasing title nun?"

"Ahhh, you and me "

"Okay ,sige sige ..thanks Elts !" Then pumasok na ko sa classroom.

----

"Cause it's you and me with all of the people nanananana...cause it's you and me wi-----"

"LUKAAAAAA!!!" sabay na sigaw ng dalawa kong bestfriend

"Ano? "

"Kanina ka pa kasi eh! Kanta ka ng kanta dyan ." Naiinis na sabi ni Tean

"Kaya nga ,tapos paulit-ulit lang naman yung lyrics. Wala pa sa tono hahaha" pang-aasar ni Adz

Andito pala kami kina Tean ngayon. Wala lang natripan lang namin pumunta ,mag-isa lang si Tean ngayon sa bahay nila eh.

"Ehh kasi naman... alam nyo ba yung title nun?" Sinamaan lang ako ng tingin nung dalawa.

"Yung totoo luka... kanina mo pa kinakanta pero hindi mo alam ang title?" -Tean

"Kaya nga paulit-ulit lang yung lyrics kasi hindi ko alam yung title nun. Hindi ko alam yung kantang yun. Yun lang natandaam ko ,naLSS kasi ako eh ." Paliwanag ko (LSS- Last Song Syndrome)

"Uso magsearch luka.." Baliw talaga itong si Adz

So ayun nga sinearch ko yung sinabi ni Elton ,kaso ang daming lumalabas. Ilang minuto na siguro bago ko nahanap.

"Yes!!! Nahanap ko rin :)" Sigaw ko with matching palakpak pa yan ha. You and me by lifehouse yung song

Pinakinggan ko yung kanta, habang pinapakinggan ko yung song nagflaflashback sa isip ko yung nangyari kanina. Naaalala ko si Brendsen na kumakanta habang malapit yung mukha sakin.

Dug.dug.dug.

Napahawak ako sa puso ko .....

Siguro ito na yung sagot sa mga katanungan ko kanina..

"Baliw, bruha.... may sasabihin ako" seryoso kong sabi kaya naman napatigil sila sa kung anong ginagawa nila.

"Ano?"

"Waaaaaaaaah! INLOVE na kooooooo! " nabatukan naman ako nung dalawa

"Aray naman!"

"Luka ka talaga, akala namin kung ano na." -Adz

"Kanino ka naman inlove?" - Tean

"Kay.... Brendsen..." Haaaay, naamin ko rin sa sarili ko.

"Buti naman luka at napagtanto mo na. Halos lahat kami halata na yan. " -Adz

"Inlove na si lukaaaaa! Yiiieeeeee! " pang-aasar pa nila

Siguro nga matagal na kong inlove sa Epal na yun. Pero hindi ko lang marealize dahil kay Akibabe. Nasanay lang siguro ako na si Akibabe yung crush ko. Pero iba naman yung CRUSH sa LOVE eh. Si Aki, crush ko lang pero si Brendsen.. mahal ko na.

----

"Class, we will have an exposure trip on December 5.....blah blah blah "

Hindi ko na naintindihan yung sinabi ni Mam, kasi naman ang dadaldal ng mga nakapaligid sakin. Hulaan nyo kung sino-sino ? Brendsen and mga alipores -.-

"Oyy, sasama tayo lahat ha." Grabe makapag-utos naman itong si Gab.

"Gab ,huwag nga kayong maingay..." saway ko sa kanila

"Ohh, anyare sa inyo?" Eh kasi naman parang nakakita sila ng multo. Nakatingin lang sila sakin na parang nashock.

"Anong tawag mo kay Gabs namin?" Usisa ni Elton

"Gab ...bakit?" Ano bang problema nila ?

"Bakit hindi 'Brendsen'? " tanong naman ni Gab na parang hindi makapaniwala.

"Ha? Masama bang tawagin kang 'Gab' ? " Ang gulo ha, dati gusto niyang tawagin ko sya sa first name nya at hindi sa surname.. tapos ngayon parang mas gusto niyang tawagin ko siya sa surname niya.

"Hindi naman..."

-------+

Hello :) Promise bukas hahabaan ko na ang UD ^_^ Don't forget to VOTE and COMMENT . Pakinggan nyo yung song para mas feel nyo.

@SimplyJmie

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon