Chapter 13: Stalker

632 38 3
                                    

Chapter 13

November 1, 20**

Papunta kami ngayon sa Memorial, kasama ang mga pinsan ko. Sobrang saya ko ngayon, alam nyo kung bakit? Katext ko LANG naman si Akibabe pero hindi ako nagpapakilala. Mahirap na baka hindi ako replayan nun. Nagtataka siguro kayo kung paano ako nagkaroon ng number nya ano? Syempre, I have my sources .Kay Kirstel ko nakuha , kasi diba pinsan nya si Akibabe.

Me:
Pupunta ka sa memorial?

From: Akibabe
Oo

Me:
Anong oras?

From: Akibabe
Mamayang pahapon, mainit kasi. Baka mangitim ako xD

Dahil sa text niya, natawa ako. Eh kasi naman masyadong conscious sa balat niya. Hindi naman agad siya mangingitim kasi natural na yung pagkaputi niya.

"Oh Jhaneia, bakit natawa ka mag-isa dyan? " pag-uusisa ni Ate Ynes, pinsan ko.

Me:
Edi magpayong ka para di ka mainitan.

From: Akibabe
Mainit pa rin.

"Ate Jhaneia, tarang maggala muna. " pag-aya ni Rhia, pinsan ko rin

"Lola , mag-iikot ikot lang muna kami ah. Dyan muna kayo ni JB. " Pagpapaalam ko kay lola.

"Saan tayo pupunta? " tanong ko sa mga pinsan ko. Tatlo pala kami, ako, si Rhia at si Claire.

"Hanapin nalang natin yung kinukwento mo samin, si Gab ^_^ " Excited na sagot ni Rhia.

"Sige! " pagsang-ayon naman ni Claire

"Holooo! Saan naman natin hahanapin yung lalaking yun? "

"Kahit saan. "

At dahil nga mabait akong pinsan at gusto ko rin maggala at makita yung lalaking yun, nagsimula na kaming maghanap.

After 2 hours

" Tara na nga kina lola, pagod na ko. " pag-aaya ko

Dalawang oras na kasi kaming naghahanap pero hindi pa rin namin nakikita si Brendsen. Oo na, gusto ko nga sya talagang makita. Pero hindi ibig sabihin noon , naniniwala na ko sa sinabi ni Bruha na INLOVE na ako sa Brendsen na yun. Crush ko lang yun.

Nang makarating kami sa tent namin, dali-dali kong chineck yung cellphone ko ,baka kasi nagtext si Akibabe. Pero pagtingin ko, walang text nya. Haaaay, ang boring naman.

"Mga pamangkin uuwi na ko , hindi pa kayo sasabay? " sabi ni Tita

"Claire, Rhia, Ate Ynes, tara ng umuwi.. " pag-aya ko, eh para kasing wala na kong chance na makita si Brendsen... uuwi nalang ako. Sumang-ayon naman yung mga pinsan ko na umuwi na kami.

"Ano ba yan... hindi ko man lang nakita si Brendsen.. haaay " walang gana kong sabi

"Edi mamaya nalang tayo umuwi, hanapin muna natin. " suggestion ni Claire

"Hindi.. hindi ko na talaga makikita yun. Baka hindi yun pupunta.. "

Nang malapit na kami sa gate....

O.O

"Teka si.... "

"GAB!" sabay-sabay naming sabi magpipinsan. At dahil dun napalingon kami sa pwesto ni Brendsen.

"Gab!! " tawag naman ni Rhia sabay iwas ng tingin kay Brendsen na nagtetext. Napatunghay tuloy si Brendsen mula sa pagtetext at nagtama ang tingin namin. Lumingon kasi ako nung tinawag ni Rhia si Brendsen. Yan tuloy, nagtama ang tingin namin. Umiwas naman ako.

"Mamaya na pala tayo umuwi ^﹏^ " natatawa kong sabi sa mga pinsan ko

So ayun nga, hinatid nalang namin si Tita sa sakayan at pabalik na kami sa Memorial ngayon.

"Asan na si Gab? " nagtatakang tanong ni Claire , wala na kasi si Brendsen sa puwesto nya kanina.

"Tara hanapin natin! " pagyaya naman ni Rhia

"Sige sige! Pero cr muna ako, tara. " sabi ko

Papunta na kami sa may cr nang...

"Ate Jhaneia, si Gab! Si gab! " tuwang-tuwang sabi ni Rhia at Claire

Grabe ah, parang mas kinikilig pa sila kesa sa akin. Napatingin naman ako sa tinuturo nila. At oo nga, si Brendsen nga. May kasama siyang dalawang lalaki, siguro mga pinsan nya.

"Tara dali " pag-aaya ni Rhia, at pumunta nga kami malapit kina Brendsen. Hinila ko naman yung dalawa kong pinsan, at nagtago kami sa malaking bato.

"Huwag tayong magpakita, baka sabihin niyan sinusundan natin sya. " pagpapaliwanag ko, kasi naman napaka assumero ng lalaking yan.

"Sige, ayun na si Gab paalis na, tara sundan natin! " yung totoo, sinong may crush? Ako or yung mga pinsan ko?? -.- So ,ayun nga sinundan namin si Brendsen.

" halaa! Nawala.. " - Claire

"Ayun! " -ako

"Tara dali " - Rhia

Sinundan namin si Brendsen, nasa kabila kami tapos nasa kabila naman sila Brendsen.

"Ayun si Gab! "

"Huwag nga kayong maingay, marinig tayo niyan. " saway ko sa kanila, eh kasi naman kung makasigaw.

"Ayun! Ayun! " Ang dami kasing tao kaya nahaharangan si Brendsen . Tapos ito namang mga pinsan ko, everytime na lilitaw si Brendsen sisigaw -.-

"Hala ! Narinig ata tayo! " - Claire

"Tungo! Tungo tayo! " -Rhia , sabay tungo nila.

Binatukan ko naman sila.

"Shunga! Huwag nga kayong tumungo, lalo tayong mahahalata niyan eh. Iwas nalang kayo ng tingin, kunwari di natin sya nakikita ."

"Anla ,nawala si Gab. "

"Haaay, tara na nga bumalik kina Lola. " pag-aya ko

Habang naglalakad kami papunta sa tent, may nakabangga ako.

"Sorry " sabi nung lalaking nakablack sabay alis

O.O Teka, si Akibabe ba yun??? Agad naman akong napalingon sa nakabangga sakin.. OH MY G !!!! Si Akibabe nga!! Waaaaaaaaaaaaaaaah! AMPOOOOGIIIIIII!!

---*

5 votes ulit before mag UD :)

Don't forget to vomment ^_^

Jan Zamora nga pala yung nasa pic, another alipores ni Brendsen  :)

@SimplyJmie

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon