Chapter 19: Baliw's Side

632 16 3
                                    

Chapter 19

Reign Addieson Meyer's POV (Adz)

Ang hirap pala ng pakiramdam na gulong-gulo ka na. Yun bang ang dami mong gustong itanong kaso hindi mo maitanong kasi nawawalan ka ng lakas ng loob. Tatlo kaming anak nina mommy and daddy, tatlong babae pero feeling ko...they only have two daughters. I can't even feel that I belong to Meyer's family. Sometimes, I want to believe what others says that I'm just an adopted child. Maputi ako, chinita pero yung mga kapatid ko kayumanggi at tama lang yung mga mata. Our parents were like them too.

Jhaneia Amethyst Rinchell: Baliiiiiiw!

Busy pa ako sa pag-eemo nang magchat si Luka sakin. Haaay, buti pa si Luka walang kaproble-problema. Ang daming nagmamahal sa kanya. Anyway, she deserves to be loved because of her attitude.

"PINSAAAAAAAAN! " Magrereply na sana ako kay Luka nang biglang bumukas ang pinto at niluwal si Aya. Pinsan ko pala si Aya, sa mother side ko.

"What the--Aya! Usong kumatok.." Bakit naman kaya napadpad itong pinsan ko dito? Minsan lang kasi kami magkita, magkaiba kaming school. Sa Greenberg Academy ako tapos sya sa Larson High, same age lang kami.

"Nakuuuu pinsan! Walang katok-katok sa mga ganitong bagay. " Minsan hindi ko rin maintindihan tinatakbo ng utak ng pinsan kong 'to eh, or should I say ALWAYS.

"Spill it na nga, dami pang sinasabi eh. " Bago sya pumunta sa kama ko kung saan nakaupo ako, nilock muna nya yung pinto.

"Ganito kasi yun pinsan, may classmate ako na guy... naghahanap sya ng girlfriend. You know... if you want hehe. " Seriously? Anong pumasok sa utak nito?

"What?!  Pinsan, you know naman na hindi allowed sa akin ang magboyfriend. Baka palayasin ako nila mommy kapag nagboyfriend ako. " Tsaka ang bata pa kaya namin, grade 8 pa lang kami. Fourteen years old pa lang tapos magboboyfriend na? And we have a promise nila Luka at Bruha na bawal pa magkaroon ng boyfriend until mag 18 kami.

"Pinsaaaan, hindi naman malalaman nina tita and tito kung hindi natin sasabihin, diba? And one thing, wafuuuu yun! "

Nagkwentuhan pa kami ni Aya pero maya-maya umalis na rin sya kasi magshashopping pa raw sila ng mommy at ate nya. Pero bago sya umalis, may binigay siyang papel sakin. May nakalagay na cellphone number at pangalan, David Valenzuela.

School

Vacant namin ngayon at nagtsitsismisan kami ng TGIS (Tropang Ganda Inggit Sila ). Hindi kasi kami magkakaklase nila Luka at Bruha diba? Kaya ang TGIS ang kasama ko.

"Guys, may binigay saking number yung pinsan ko. Naghahanap daw ng girlfriend.. itetext ko ba? "  Actually, isang araw ko nang pinag-iisipan kung itetext ko ba yung David na yun or not. May nagtutulak sakin na itext yun but maybe kailangan ko ng opinion ng iba.

"Talaga? Pogi ba? " pagtatanong ni Ella . Speaking of that, hindi ko pa pala nasesearch yung David Valenzuela na yun sa facebook.

"Hindi ko pa nakikita but Aya told me na wafuu raw yun. "

"Kapag wafuu itext mo na! Gora na! " Sabi ni Velle na may paghampas pa sa armchair.

"Kapag chaka, forget it nalang! " Dahil sa sinabi ni Lyn, nagtawanan kami. Imba rin 'tong mga 'to eh. Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan hanggang sa magbell na. Kwento sila ng kwento tungkol sa mga boyfriend nila. Yeah, they all have a boyfriend.. ako lang ang wala sa TGIS.

"Addie tara canteen tayo. " Pag-aaya nila, syempre hindi naman ako tumanggi. Nakakahiyang tumanggi kasi sila na nga nag-aya tapos tatanggi pa ko.

"Oh sure. "

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon