Chapter 11: I hate you

721 42 7
                                    

Chapter 11

3months na after ng Acquaintance party namin at marami na ang nangyari. Yung about kay 'kuya Matt' ,hindi ko pa rin sya kilala pero ang hula ko ay si Akibabe nga yun kasi MATT Akio ang pangalan niya.

"Luka, ano? Iniisip mo na naman si Gab? XD " pang-aasar ni Tean

"Uy! Hindi ah! Sino ba yun?!"

Talaga naman eh si Kuya Matt naman ang iniisip ko. Tsaka GAB? Eh matagal na akong walang crush dun sa Kyohei Gabriel Matt Brendsen na yun!

(Flashback )

"Class, month of August na.. meaning August celebrants na ang assign sa ating bulletin board. " -Mam Ven

Napagkasunduan kasi namin na ang mag-aayos ng bulletin namin ay kung sinong may birthday sa month na yun. For example ako, August ang birth month ko, so ako ang nakaassign na mag-ayos sa bulletin sa month ng August.

"Jhaneia, birth month mo na malapit ka na manlibre ^_^ " panloloko ni Mels

"Luhh, ako dapat ilibre nyo. "

"Class, sino sa inyo ang birth month ay August? " tanong ni Mam

Tumaas ako ng kamay at si Tom. Wait.... kaming DALAWA LANG????

"Ok, dalawa lang? " -Mam Ven

"Hala Mam! Dalawa lang po kami? " tanong ko

"Kaya nyo yan, may tiwala ako sayo Jhaneia. " wow ,naflattered naman ako sa sinabi ni Mam :D

"Excuse po kay Jhaneia. " Napatingin kami dun sa nasa pinto na nag-excuse sakin. Pumunta naman ako sa labas . Si ate Feby at kuya Christian pala.

"Hi ate Feby! Hello kuya Christian! " bati ko sa kanila

"Uy Jhaneia, may audition tayo mamaya para sa play natin sa foundation. Kailangan lahat ng officers andun. " -Kuya Christian

Officer nga pala ako ng Young Theatre Guild. Grade 8 representative, bawal kasi maging major officer ng club ang major officer ng classroom.

"Sige po, thank you :)"

*after a week *

"Jhaneia ,ikaw muna ang bahala sa mga forms ng mga mag-auaudition ha. "- Ate Feby

"Sige po "

Nandito nga pala kami sa theater room, nagmimeeting kami para sa play na gagawin namin sa Foundation Day. Wala pa rin kasi kaming napipili para dun sa main characters. Sobra akong naging busy dahil nga dun sa audition.

"So, that's it for now. Pwede na kayong bumalik sa classrooms nyo." Sabi ni Mam Denise, moderator namin.

Pagbalik ko sa classroom, parang nagmimisa si Mam Ven, ang tahimik kasi. Naku, HB na naman siguro si Mam xD For sure dahil na naman yun kina Brendsen and mga alipores ^_^

"Mam, may I come in? " pagpapaalam ko ,tumango lang si Mam.

"Sino bang assign sa bulletin natin?! " -Mam Ven

Nang makaupo na ko, napatingin ako sa likod, sa bulletin board namin na walang laman. Ooops, parang alam ko na kung bakit nagmimisa si Mam ah.. hehe

Sasabihin ko na nga kay Mam na kami ni Tom ang assign, kesa naman lalo pa magalit :3

"Ms. Treasurer, diba August ang birthday mo? Edi ikaw ang assign sa bulletin? " >.< aish!!! Bwisit ka talagang BRENDSEN ka!! Inunahan mo pa ako.. lalo na kong patay dito kay Mam.

"Ms. Rinchell, bakit walang nakalagay sa bulletin board natin? Pinagkatiwala ko sayo tapos after one week, walang kalaman-laman. " Huhuhu, galit nga si Mam :3 Tinawag ako sa surname ko eh ..

"Mam, sorry po promise gagawin ko na po ngayon. " Humanda ka sakin Brendsen ka!

"Make sure. Ok, goodbye class." -Mam Ven

"Goodbye Mam Ven "

Haaaay, buti nalang vacant namin ngayon. May time ako para gawin yung bulletin. Kasi naman, wala naman mapapala kay Tom kasi ang tamad nun :3 Unfair nga eh , ako lang yung napagalitan si Tom hindi..

Pumunta ako sa may table ni Mam para kunin yung art materials.

"Ano ba yan, walang kalaman-laman yung bulletin natin. Naku, hindi na tayo mananalo sa bulletin contest. Kasi naman eh ang TAMAD. Naku! " pagpaparinig ni Brendsen

"ANO BA?! GAGAWIN NA NGA DIBA?! KITA MONG NAGING BUSY YUNG TAO EH ! TSAKA BAKIT AKO LANG BA?! SI TOM DIN NAMAN AH! BAKIT AKO LANG YUNG INAASAHAN, EH MAY SARILI RIN NAMAN AKONG GAWAIN EH. SI TOM NGA PAEASY EASY LANG, BAKIT DI MO SABIHAN?! " kainis na eh !

"Ikaw ba yung sinasabihan ko? Si Tom naman ah! Huwag kang ASSUMERA! "

Ibabato ko na sana yung mga art materials na dala ko sa mukha ni Brendsen nang pigilan ako ni Anna! AISH! Buset naman oh! Napakapakialamera talaga ng babaeng 'to kahit kailan!

"Jhaneia, huwag mo ng patulan si Gab. " sabi ni Anna

Dahil sa sinabi nya lalo akong nabuset!

"BAKIT BA LAGI NALANG AKO HA?! ANO BANG GINAGAWA KO SA INYO?! NAKAKAINIS NA EH! "

Sa sobrang inis ko, tinulak ko yung upuan na nakaharang sakin at lumabas ng classroom. Sinara ko ng malakas yung pinto. Pumunta ako sa cr at doon umiyak.

"Uy Jhaneia... " pagtingin ko, si Lyn pala classmate ko. Sumunod pala sya sakin.

"Ok ka lang? " buti pa sya may care sakin.

"Bakit ganun? Ano bang ginawa ko sa kanila at pinagtutulungan nila ako ? Bakit lagi nalang ako? Lagi nalang ako yung nakikita nila , lalo na yung BRENDSEN na yun... "

"Iiyak mo lang yan Jhaneia " tapos pinapat nya yung likod ko

"Hindi ko na alam ang gagawin ko... porket ba crush ko sya kaya nya ko ginaganyan. Puwes, simula ngayon.. wala na kong gusto sa kanya. WALA NA AKONG GUSTO SA KYOHEI GABRIEL MATT BRENDSEN NA
YUN! "

(End of flashback )

----

Hello :) don't forget to vomment

May new story po pala ako, ' Choose between LOVE or FRIENDSHIP' po ang title. I hope basahin nyo :)

Guys, kamusta naman kayo? Malakas ba ulan sa inyo? Ingat kayo ha

Si Elton Javier pala yung nasa picture :)

@SimplyJmie

Loving My Mortal Enemy SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon