BTNTF Thirteen

102 10 4
                                    





MAELEE came to work so early the next day. She did it on purpose to come in before everyone else does. She woke up this morning with a heavy heart. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip niya ang nangyari kahapon.

Oo nga at natapos na ang training niya at ngayon nga ay full pledge Scottsdale employee na siya at siya na rin ang pumalit kay Mrs. Dela Cruz, pero nandun pa rin ang bigat lalo pa at magiging under na niya si Bianca.

Mas lalong bumigat ang bawat hakbang niya papunta sa bago niyang opisina. Although nasa ibang floor ito at sakop ng mga department heads, malamang sa hindi, magwawala pa rin si Bianca at siya pa rin ang maiipit. To think na nagbabala na rin si Brynn sa kanya. She's doomed.

She didn't apply for a job just to have a bull's eye on her forehead and definitely not to be anyone's target. Pero wala na, nandito na siya. Kumbaga sabi nga ng mga matatanda, nabasa ka na kaya lumusong ka na lang. Wala namang mababago, basa ka pa rin. And she has to prove to her Kuya Aldrin that she can make it outside and take it like a big girl.

"Good morning, Lee." Bati sa kanya ni Lisa. Bahagya siyang nagulat. Akala niya kasi siya pa lang ang nandito sa building nila.

"H-hi, Lisa." Simpleng niyang bati na nauutal pa. She beats herself up for it. She was acting like a total spaz. Napangiti si Lisa.

" It's okay, Lee. Tayo pa lang naman ang nandito eh." Sumabay na sa kanya ang dalaga. Magkasunod silang nag-time in.

Nagkanya-kanya na silang dalawa pumasok sa kani-kanyang opisina. Siya, sa bago niyang opisina, si Lisa naman sa opisina ni Erica.

Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pinto niya. Kinakabahan siya tumayo. Paano kung si Bianca ito at tatarayan na naman siya ng babae. Ayaw niya ng gulo, kaya minabuti niyang tumayo na lang at pagbuksan ang pinto. Si Bianca nga.

"What are you doing here in Mrs. Dela Cruz's office? Are you stealing stuff from here?!" Mapangbintang nitong tanong. Lihim na nangiti si Maelee. If you only knew.

Kung alam lang sana ng babaeng ito kung sino siya ay baka mapahiya lang ito. Dahil kung tutuusin ay kayang bilhin ng pamilya nila ang kompanyang ito pero syempre hindi nila gagawin yun dahil wala naman sa hotel ang negosyo nila.

"I am waiting for Mrs. Dela Cruz." Simple niyang sagot at umupo sa isang upuan sa harap ng lamesa.

Inirapan siya ni Bianca at umupo sa sopang adjacent ng inuupuan ni Maelee. Tahimik din lang si Maelee na hinarap ang tablet na issue ng kompanya sa kanya. Binasa niya ang mga incoming na email at sinagot ang karamihan. Nanakit na ang kanyang batok at nandun pa rin si Bianca. Parang walang balak na magtrabaho. Plano yatang mag-apply bilang gwardiya sibil sa Intramuros.

"Di ba fired out ka na? Bakit nandito ka pa rin?" Patuloy lang si Bianca sa pagsasalita. Hindi niya ito sinasagot. Nag-concentrate siyang tapusin ang pinagagawa sa kanya ni Erica.

Nainis na si Maelee dahil halos lunch time na ay ganun pa rin ang upo nila. Hindi ba napapansin ng dalaga na she's wasting the company time and money dahil sa kauupo lang nito? Sa sobrang inis at pagka-uneasy ng pakiramdam ni Maelee, nag-email na siya kay Lisa at lihim na kinuhanan ng litrato si Bianca na prenteng nakaupo.

Lingid sa kaalaman nila, nakikita palang lahat ni Ethan ang mga nangyayari sa loob ng opisina ni Maelee. Nagngingitngit ito dahil sa inis. Masyadong ng nakikialam si Bianca kay Maelee at hindi nito hinaharap ang sariling trabaho.

Narinig nilang may kumatok sa pinto. Hindi kumilos si Bianca para buksan ang pinta kaya si Maelee ang gumawa para pagbuksan ito. Pareho pa silang nagulat ng nabungaran niya si Brielle Scott.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon